Rough Skies: Five

371 20 6
                                    

"Thank you for coming to Crown Hotel's 5th Anniversary Celebration! Enjoy the rest of the night!" Umalingawngaw ang boses ng master of ceremony sa buong lugar. Nagpalakpakan ang lahat ng tao nang mag-bow ang magkaibigang Julie at Maqui at kalaunan ay bumaba na rin ng malawak na bulwagan.

Oras na ng kasiyahan. Marami na rin ang sumasayaw sa dance floor. Party music ang kasalukuyang tugtog. Nagpalaam si Maqui na sasayaw muna at naiwan naman sina Julie at Soleil sa kanilang exclusive table na kumakain.

"Congratulations, Nanay! Soleil's very proud of you!" Ani ng bata at ginawaran ng halik ang ina. Hindi naman magkamayaw ang sayang naramdaman ni Julie sa narinig.

"Thank you, anak. All of my achievements are for you."

"Thank you rin po, Nanay. I love you so much!"

Hindi namalayang tumulo na ang luha ni Julie. Sobrang saya niya na dumating sa buhay niya ang anak niya. Hindi niya ata kakayanin kung mawala ito.

Nagpatuloy na sila sa pagkain. Nahagip ng mata ni Julie si Maqui na may kausap na lalaki. Naramdaman ata ni Maqui na nakatingin sa kaniya si Julie kaya tumingin rin ito sa kaniya. Ngumiti si Julie. Nagtaka siya kung bakit tila napanganga si Maqui at pilit pinapatalikod ang kausap nitong lalaki.

Pero parang inaasar siya ng lalaki kasi mas humarap pa kung saan nakaharap si Maqui, dahilan para makita niya ito.

Sigurado si Julie na nakita na niya ang lalaking ito. Hindi niya lang matandaan kung saan. Sinenyasan niya si Maqui na lumapit sa kaniya. Kita ang alinlangan sa mukha ni Maqui pero sumunod naman na. Kinausap muna nito ang lalaki, mukhang hindi niya ito pinapasunod at saka na lumapit kay Julie. Pero mukhang makulit iyong lalaki kasi nakasunod ito kay Maqui ng hindi niya namamalayan.

"Maq, sino siya?" Nagulat naman si Maqui sa tanong ni Julie nang makalapit na siya rito. Napalingon siya at nakita ang kapatid na pinaalis niya na pero nakabuntot pa rin sa kaniya. Nanglalaki ang mata ni Maqui.

"J..julie.." Kinakabahang sambit nito.

"Tito Elmo!" Sabay sabay na napatingin ang tatlo sa naghihikahos ng takbo si Soleil papunta kay Elmo. Muntik pa itong madapa pero buti nalang ay agad na nasalo ni Elmo at ikinarga.

"Maq?" Muling tawag pansin ni Julie na hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

"Ah—ehh, Julie, si.. Elmo... Younger brother ko... Elmo, si J..julie, my best friend and Soleil's mom." Nangangatog na pakilala niya.

Napatingin sa kaniya ang lalaki. Nagtama ang mga mata nila. Hindi alam ni Julie pero bumilis ang tibok ng puso niya.

"Hi..." Bati ng lalaki sa kaniya. Nakangiti ito sa kaniya dahilan para magtayuan ang balahibo niya.

"H..hello. Soleil, halika na kay Nanay baka nabibigatan na iyong—uhm, kapatid ni Momma Maqui mo." Suway niya sa anak.

"No, no. It's fine." Sambit ng lalaki at mas lalong ini-ayos ang pagkakakarga sa bata. Napatikhim nalang si Julie.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila nang biglang magsalita si Soleil.

"Nanay, can I call Tito Elmo, Dadda nalang? Because I call Momma Maqui, Momma naman. Eh 'di ba they are siblings? Can I call him that, Nanay? Momma?" Pagpapaalam nito sa dalawang babae.

"Soleil Bella!" Suway nito sa anak. "That's rude, anak."

"Oh. I'm sorry..." Malungkot na sabi nito at bumaba na sa pagkakababa kay Elmo at muling umupo sa pinanggalingan.

Sasabihin na sana ni Elmo na ayos lang nang may tumawag kay Maqui. Isa ito sa investors nila at niyaya para sa isang pagu-usap. Wala namang ibang nagawa si Maqui kung hindi ang iwan sina Elmo at Julie kasama si Soleil.

Rough Skies (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon