4 Which of Them?

52 5 20
                                    


Sleuth 4 - Which of Them?

Sa loob ng warehouse ay tahimik na nakaupo sa palibot ng tatlong mahahabang lamesa ang mga kabataang manggagawa. Tanging lagutok ng sapatos ang maririnig. Ang lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa lalaking matangkad at malusog na paroo't parito ang paglakad, isa-isang tinititigan nito ang mga menor de edad na trabahador. Kinikilatis.

Si Mr. Eddie Zam. Nasa late forties. Half-Japanese, half-Korean na nag-migrate sa bansa at naging naturalisadong Pilipino. Ito ang may-ari ng malaking pagawaan ng mga laruan sa bansa, na karamihan ng kliyente ay mga fast food chains at malls. Ngunit nakarating sa kaalaman ng Philippine National Police (PNP) na ang makapangyarihang negosyanteng ito ay may ilegal na gawain.

Ayon sa napagtagni-tagning report, gumagamit si Mr. Zam ng mga kabataang nasa edad katorse hanggang disi-siete upang palaganapin ang ilegal na droga.

At ito nga ang misyong nakapatong sa balikat ni Officer Symon Trillo.

"Sino sa inyo ang traidor?" Kalmado ang tinig ni Mr. Zam ngunit ang mga ngiti ay may panggigigil. "Paanong natunugan ng mga pulis na mayroong tinatrabaho sa warehouse na ito?" Muli ay hinagod nito ng tingin ang may lampas dalawampung pirasong bilang ng teenagers na naroroon. Hindi maikukubli ang takot na nakapinta sa kanilang mga mukha.

"Mabuti na lamang at maaasahan itong si Tula," patuloy ni Mr. Zam, sabay tapik nito sa balikat ni Poem. "Mabilis niya kayong naitago at ang mga natamnang laruan. Well done, bata."

Ngumisi si Poem. Tumango na may pagbibigay-galang sa kanilang amo. "Hindi ko rin magagawa iyon, Boss, kung 'di maagap si Bong."

"Tama, tama. Kaya bibigyan ko kayo ng gantimpala." Tumawa ang amo nila na tila pilit. "Ngayon, Tula, sabihin mo sa akin kung sino sa mga kasama mo rito ang pinaghihinalaan mong nagsuplong sa awtoridad?"

Diretsong tumingin si Poem dito. "Boss Zam, kung may pinaghihinalaan ako, hindi mo na 'ko kailangan pang tanungin. Ako mismo ang magsusumbong sa 'yo."

"Ibig mong sabihin, magaling magpanggap kung gayon. Kaya sa susunod, Tula, mas talasan mo pa ang pang-amoy mo." Sabay pisil nito sa balikat ni Poem na isang warning. "Ikaw, Bong, wala ka bang napuna?" baling ni Mr. Zam sa guward'ya.

"Wala, Boss. Pero malamang kung may paghihinalaan ako, 'yong bagong salta."

"Sino?"

Nilapitan ni Bong si Chubi na nakaupo sa may bandang dulo ng upuan malapit sa kanila

"Ito, Boss. Itong lokong 'to. Magaling 'to mam-bully, eh."

"Anong pangalan mo, bata?" tanong ni Mr. Zam.

"Ch-Chubi..." halos bulong nitong sagot. Ang dati'y maaliwalas at palangiti nitong mukha ay napalitan ng matinding pangamba.

"Ano ulit? Lakasan mo. Bingi ako, eh. Hindi ko marinig," nangingising sabi ni Mr. Zam.

"Ilakas mo ang boses mo!" pananakot dito ni Bong.

"Chubi po, Boss Zam," muling sagot nito.

"Chubi." Tumango-tango si Mr. Zam. "Ikaw ba ang informer? Ayoko ng paligoy-ligoy. Oo o hindi?"

Napalunok si Chubi. "Hindi... Boss."

"Hindi?" Umiling ang amo. "Oh, eh bakit ka kinakabahan?" Sabay dukot ng tabako at lighter mula sa bulsa ng suot nitong coat.

Yumuko si Chubi. Namuo ang pawis sa noo.

Sa isang panig naman, sina Peach at Toni ay nagpapalitan ng tingin habang magkatabing nakaupo sa kabilang lamesa.

SLEUTH: Which of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon