PROLOGUE: Amateur Sleuth Program

106 8 18
                                    

Yugto 1: Mission

Prologo

Isang kulob na silid. Tanging malamlam na ilaw ang tumatanglaw sa dalawang lalaking magkaharap na nakaupo sa magkabilang panig ng kuwadradong lamesa. Anim na ID badges ang nakalatag sa centerpiece na isang tapping scanner.

Phoenix ... Amidala... Captain Bard... Sir Doyle... G... The Invincible...

Iyon ang mga salitang naka-flash sa projection screen kasama ang profile ng nagmamay-ari ng bawat ID badge.

"Panahon na para tuparin ang kasabihang: 'Ang kabataan ay pag-asa ng bayan,'" umpisa ng isa sa dalawang naroroon sa silid. Siya si Symon Trillo. Parang kamakailan lang ay isang bagitong Pulis-Maynila: Matikas. Mestiso. Tsinito. Determinado. At ngayon ay isa nang Senior Officer.

"Sa kasalukuyang batas, imposible ang gusto mong mangyari, bata," sagot ng unipormadong kausap niya: Si Chief Inspector Bonifacio Malunday. Nasa mid-forties. Ang maamong mukha ay pinatapang ng mga gitla sa noo. Hayag sa seryosong mukha nito ang maraming labanang napagdaanan.

"Ang batas ay naghuhumiyaw ng pagbabago, Chief," tugon ni Symon.

"Ipinaaalala ko lang sa iyo, bata: Hindi tayo ang batas. Alagad lamang tayo ng batas. Nasa ilalim tayo ng batas, at tayo ay pinakikilos nito." Sinlamig ng bentilasyon ng silid na iyon ang tinig ni Chief Malunday.

"Kaya mo bang isugal ang ranggo at titulo mo para sa pagbabagong ipinapanukala mo?" patuloy nito.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Sandali silang nagsukatan ng tingin.

"Tatlo hanggang limang buwan," basag ni Chief Malunday. "Ito na lang ang palugit na hinihingi sa atin sa itaas. Kapag hindi natin nabingwit ang isdang ito, may ibang mamamalakayang dadawit. Mas makapangyarihan, mas malalakas. Iyan ang alon na tatawirin ninyo ng mga bata mo, Trillo. Paalala lang, hindi virtual game ang misyon na ito. Nasisiguro mo bang may malaking porsiyento na epektibo ang plano mo at kakayanin iyon ng mga bagitong tauhan mo?"

"Kung kaya ng mga kabataan ang magpagamit sa paghahasik ng krimen, kaya rin ng mga kabataan ang sugpuin iyon," matatag na sagot ni Symon. "Tatlo hanggang limang buwan, sisiguraduhin kong magagawa namin ito. Itinataya ko ang aking pangalan at ranggo sa misyong ito, Chief Malunday, sir."

Next: The Raid© Rainydusk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Next: The Raid
© Rainydusk

SLEUTH: Which of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon