PLOT
YEAR 6060. Tuluyan ng nawala ang Earth sa kalawakan. Wala ni isang tao ang naligtas. Kahit na mga halaman, establisyemento, hayop, bato, wala na. Bigla na lamang naglaho ang mundo dahil na din sa kapabayaan ng mga tao.
Sa makabagong mundo na tinatawag na Etudia isinilang ang mga bagong nilalang--ang mga Etudian. Ang Etudia ay isang mundo na kung saan nilikha upang pansamantalahang tirahan ng mundo oras na tuluyang masira na iyon. Ang mga naninirahan naman dito ay kawangis sa mga tao sa Earth ngunit hindi sila tao.
Ang mundo ng Etudia ay pinapagalaw ng mga bar codes. Maging ang buhay ng mga tao ay nakasalalay sa bar codes na makikita sa kanang palapulsuhan ng mga kamay nila. Ang mga bar codes na ito ang nagsisilbing buhay nila at daan para makatagal sa mundo ng Etudia. Bahay, pagkain, damit, alahas, pamilya, asawa, lahat makukuha sa pamamagitan ng mga bar codes na ito.
Ang Etudia ay nahahati sa limang paksyon. Ang mga Cipher, Acess, Tranquil, Meager at ang mga Brandless. Ang mga Cipherian ang pinaka makapangyarihan sa Etudia at syang namamahala at namumuno sa mundo ng Etudia. Ang mga Accessian naman ang mga katu-katulong nga Cipherian sa pamamahala sa Etudia. Ang mga Traquilian naman ay ang mayayamang negosyante. Ang mga Meager naman ang mga ordinaryong mamamayan at ang mga Brandless naman ang basura sa Etudia.
Ang mga Brandless ay walang kakayahang bumili ng mga bagay-bagay dahil sa wala silang mga bar code sa kamay nila. Limitado din ang kanilang mga buhay at sila ang mga tinuturing na "maling nalikha" ng mga Cipherian sa Etudia.
Sa nakalipas na maraming taon, nanatili sa dilim ang mga Brandless at tahimik na namamatay isa-isa. Wala ni isa sa apat na matataas na paksyon ang tumutulong sa kanila ayon na din sa nasasaad na batas. Dahil ang sino mang tumulong sa mga Brandless ay mawawalan ng bar code at mamatay.
Ngunit, isang babae ang hahamak na lumaban para sa kanyang buhay at para sa maling pamamahala ng mga Cipherian sa Etudia. Isang babae ang maglalakas-loob na sirain ang sistema at mga code na nagdidikta sa buhay nila.
Magawa kaya nyang kalabanin ang mga taong kayang tapusin ang kanyang buhay sa kahit anong oras na magustuhan ng mga ito? Magawa kaya nyang masira ang sistema na matagal ng nagpapagalaw sa kanila?
Isang babae. Isang apoy. Isang rebulusyong magpapabago sa mundo ng binibuhay ng mga datos.
The Code Series #1: Brandless
Copyright ⒸMaevelAnne
All Rights Reserved 5/16/2014
A/N: Matutulog na sana ako ng bigla kong maisip ang story na ito. Naisip ko na din ang ending at yung magiging flow sa Book 2 nito (yes, may series #2 'to!). Maaaring cliche na yung ganitong theme ng story since uso yung mga ganitong plots sa mga dystopian books. But, life is full of cliche. Pagandahan na lang ika-nga. LOL. First SCI-FI story ko 'to kaya sana masuportahan nyo? May romance ba 'to? Aba syempre! Ako pa ba? LOL.
LEAVE COMMENTS!
BINABASA MO ANG
Brandless (The Code Series Book 1)
Science FictionTaong 6060 nabuo ang makabagong mundo na tinatawag na Etudia. Ang mundo na kung saan ang bawat bagay at nilalang ay pinapagalaw ng mga bar codes. Ang mga Brandless, ang mga nilalang na walang bar code. Basura sa lipunan, mga maling nilikha, ang mga...