CODE 01

13.9K 505 133
                                    

CODE 01:  Xeron

          Isinilang kaming walang pangalan. Walang katauhan. Walang pagkakakilanlan.

          Isa kami sa mga maling nilikha. Basura sa marangyang lipunan.

          Walang pinagkaiba ang buhay at kamatayan sa mga uri namin. Mabubuhay ka para mamatay at mabubuhay ka para mamatay lamang muli.

          Kami ang tinatawag na Brandless, isa sa limang uri ng mamayan sa Etudia.

          Matapos mawasak ang mundo taong 3000, wala ni isa sa mga naninirahan doon ang natira. Lahat ay tuluyang nawasak at naging abo. Wala ni isang alaala sa mundo ng mga tao ang naiwan. Tao, hayop, bagay o kahit na alaala ng mundo ay nawala. Walang nakaligtas maliban sa mga siyentipiko na naninirahan sa ibang planeta.

          Matagal ng pinag-aaralan sa siyensya ang pagtira ng mga tao sa ibang planeta. At makalipas nga ng ilan pang taon, nakalikha ang ilang siyentipiko ng bagong mundo. At ito ang Etudia.

          Sa Etudia, ang bawat tao, bagay hayop, bahay, gusali, pangyayari at iba pa ay nililikha ng mga bar codes. Ang mga bar codes na ito ang nagsisilbing susi ng mga mamamayan sa Etudia upang mabuhay at makatagal sila sa mundo na ito.

          Walang bagay sa Etudia ang hindi nagagamitan ng bar codes. Maging ang hangin na hinihingaan ng mga nilalang dito ay gawa sa codes. Tanging ang lupang tinatapakan lang namin ang libre sa lugar na ito.

          Maging ang buhay ng mga nilalang sa Etudia ay magbabase sa dami ng numero na nakasulat sa bar code na matatagpuan sa kanang palapulsuhan nila.

          At kaming mga sawing palad at walang pagkakakilanlan na Brandless ay wala ni isang karapatan sa kahit anong bagay sa Etudia. Maging ang lupa na tinatapakan namin ay limitado sa uri namin. Isang linggo lamang ang pwede naming itagal sa lupa. Matapos noon, makukuryente kami at mamatay.

          Isang linggo lang ang tinataggal ng buhay ng Brandless. Isang linggo ng paghihirap, tag-gutom at paghahanap sa sarili. Isang linggong pagdurusa sa mundo na itinuturing kaming basura.

          "Oanna!"

          Marahan akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses ng aking ka-uri na si Xeron.

          Humahangos ito ng huminto sa harapan ko saka may inabot sa akin na isang maliit na kahon na napapaligiran ng maraming numero ang gilid.

          "Ano ito?" takang tanong ko matapos kong ipa-ikot-ikot sa kamay ko ang maliit na kahon ng numero na iyon.

          "Pumunta ako sa Accessia. Nakakuha ako ng pagkain."

          Mabilis kong inihagis sa lupa ang maliit na kahon iyon saka iyon umilaw at nagsigalawan ang mga numero na naka-ukit sa paligid nito saka iyon bumukas at naglabas ng ilang mamahaling pagkain.

          "Napakarami nito!" natutuwang sabi ko saka isa-isang nilanghap ang amoy ng mababangong pagkain na iyon na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko.

          "Mabuti kung ganoon. Mas hahaba pa ang oras natin."

          Naramdaman ko ang pag-upo ni Xeron sa tabi ko saka sya kumuha ng isang may mahabang hugis na tinapay saka iyon inamoy bago kinain.

          Ganito ang buhay naming Brandless. Napapahaba ng pagkain ang aming buhay. Ngunit kapag hindi kami nakakain sa loob ng isang araw sa maiksi naming buhay, mas lalong liliit ang buhay namin. Ang mga Brandless na hindi nakakakain ay nakakatagal lamang ng tatlong araw.

Brandless (The Code Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon