CODE 03: Frolonia
"23464582719."
Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong sinabi ng lalaking may hawak sa akin ngayon pero matapos niya banggitin ang mga numerong iyon ay bigla na lamang bumuka ang lupa sa lugar kung saan kami huminto, ilang metro ang layo sa Boarder, saka iyon naglabas ng isang mahabang hagdan papasok sa ilalaim ng lupa.
"Halika na."
Pinilit hilain ng lalaking iyon ang kamay ko papasok sa butas ngunit hindi ako sumama. Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
"Ayoko ko sumama sa iyo!" sabi ko sa lalaking hindi ko pa din makita ang mukha. "Sino ka ba at bakit mo ako dinala sa lugar na ito? Anong kailangan mo sa akin?"
Marahas na binitawan ng lalaking iyon ang aking kamay saka humarap sa akin at inalis ang parte ng damit nito na tumatabing sa mukha nito.
At hindi ko mapigilan ang mamangha nang makita ko ang kanyang mukha.
Isang mukha na walang sino mang nilalang ang maihahambing sa ganda. Isang mukhang naglalabas ng kakaibang aura na tanging mga Sipher at Cipherian lamang ang nagtataglay.
Isang mukha ng mandirigma.
"Wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang sumama sa akin, binibini." sabi ng malalim na boses nito.
Binibini? Tinawag niya akong binibini?
"Nagkakamali ka sa iyong tinawag sa akin. Hindi ako isang binibini."
Dito sa Etudia, ang binibini at ginoo ang tawag sa mga nilalang na may matataas na ranggo sa Etudia gaya na lamang ng mga nasa paksyon ng Cipheria, Accessia at Tranquilia. Ang tatlong pakyon na ito ang may hawak ng kapangyarihan at mga bagay na kayang magpabago sa Etudia.
"Isa kang babaeng nilikha hindi ba?" tanong niya matapos niya akong suriin mula ulo hanggang paa. "Kaya para sa akin, isa kang binibini."
"Ngunit..."
"Wala na tayong panahon!" sabi niya saka tiningnan ang aking likuran. "Masusundan tayo ng mga kalaban!"
Hindi pa ako nakakapagsalita sa mga sinabi niya nang bigla na lamang niyang kunin ang aking kamay muli saka ako hinila pababa sa hagdan na iyon.
"6749609384."
Napatingin ako sa taas kung saan kami nanggaling saka ko nakita ang unti-unting pagsara muli ng lupa at ilang sandali pa ay tuluyan na kaming nilamon ng kadiliman.
Bilang nanginig ng aking buong katawan at kalamnan nang balutin kami ng dilim. Ayoko ko sa madidilim na lugar.
"Wag kang mag-alala. Hindi kita bibitawan. Hindi kita iiwanan."
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga salitang iyon pero mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa kanya saka ako nakahinga ng maluwag. Mahigpit niya ding hinawakan ang kamay ko saka niya ako hinila pababa sa ilalim ng lupa.
Hindi ko tiyak kung ilang minuto o oras na kami naglalakad pababa sa mahabang hagdan na ito. Hindi ko din alam kung gaano pa kalayo ang lalakarin namin bago namin marating ang aming patutunguhan.
Ngunit habang bumababa kami at habang mas lumalalim ang aming nilalakaran, may naririnig akong mga ingay at mas lalo iyong lumalakas sa aking pandinig habang bumababa kami.
BINABASA MO ANG
Brandless (The Code Series Book 1)
Science FictionTaong 6060 nabuo ang makabagong mundo na tinatawag na Etudia. Ang mundo na kung saan ang bawat bagay at nilalang ay pinapagalaw ng mga bar codes. Ang mga Brandless, ang mga nilalang na walang bar code. Basura sa lipunan, mga maling nilikha, ang mga...