CODE 06

5.7K 232 87
                                    

Code 06: Weapon

          Tila isang malaking piging ang inihain sa akin ng mga nilalang sa Frolonia matapos kong ideklara kanila Fistto at Xeron ang pagnanais kong maging isa sa kanila. Gusto kong makianib sa kanila upang maibalik ko ang mga tulong na naibigay sa akin ni Xeron at para patunayan sa Fistto na iyon na hindi nagkamali si Xeron sa pagligtas sa buhay ko.

          Malaki ang utang na loob ko kay Xeron. Kung hindi ko siya nakilala magmula nang ipataon ako sa Boarder, wala sana ako sa kinalalagyan ko ngayon. Wala sana ako sa Etudia. At hindi sana ako mkakarating sa Frolonia na isa palang lihim na mundo sa ilalim ng Etudia.

          Ilang araw na akong naninirahan sa Frolonia at magpahanggang ngayon ay tila bago pa rin sa akin ang mga bagay-bagay.

          Sinabi sa akin ni Xeron na unti-unti rin akong masasanay sa pamumuhay ng mga tulad namin sa Frolonia maging ang mga kalakaran na kailangang sundin sa mundong ito.

          Matapos nang araw na iyon, walang araw na hindi pinupunan ang bibig ko ng mga masasarap na pagkain na siyang may kakayahang magpatagal pa sa pananatili ko sa Frolonia.

          Muli kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Xeron kahapon sa bulwagan ng kanilang lihim na pinagsasanayan.

          "Mahalaga ang kumain sa mga tulad natin Oanna kahit na wala na tayo sa ibabaw ng Etudia."

          "Hindi ba at nasabi mong wala ng bayad ang lupa dito sa Frolonia? Bakit ko pa kailangang kumain? Hindi kaya nagsasayang ka lamang ng pagkain para sa akin? Mamaya mas lalo lang magalit si Fistto sa mga ginagawa mo para sa akin."

          Marahan siyang umiling bago tumingin sa akin. "Kahit na nasa Frolonia na tayo, hindi pa rin natin hawak ang buhay natin dito, Oanna. Masakit mang isipin pero hawak pa rin ng mga Cipherian ang buhay natin. Ang limitadong buhay na binigay nila sa atin ay nananatiling limitado kahit dito sa ibabaw ng lupa."

          "Ganoon ba?"

          "Oo. Kaya kumain ka ng marami. Kakailanganin mo 'yan sa mga magiging pagsasanay mo sa mga susunod na araw."

          Halos mapuno na ng masasarap na hain ang tiyan ko pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagkain.

          Gaya nga ng nasabi ni Xeron, kakailangan ko ang mga pagkain na ito para maging malakas. Upang makalaban at makapaghanda sa darating na digmaan.

          Muli kong naalala ang huling sinasabi sa akin ni Xeron.

          "Ilang araw linggo mula ngayon ay babalik na tayo sa taas, Oanna. Papasukin natin ang kuta ng mga kalaban isa-isa bago natin tuluyang mapabagsak ang Etudia."

          Bigla akong natigil sa pagkain sa naalala ko.

          Dahan-dahan kong inilapag sa harapan ko ang tinapay na binigay nila sa akin ngayong araw kahit hindi ko pa iyon nauubos.

          Malaking krimen sa Frolonia ang hindi pag-ubos sa pagkain. Pero tila hindi ko na yata magawa pang kumain ngayon dahil sa kakaibang pakiramdam na bumabalot sa buong katauhan ko.

          Bigla kong naisip na marahil tama nga si Fistto. Na magiging pabigat lang ako sa kanila. Na magiging alalahanin lang ako ni Xeron. Na mahina lang ako at wala akong maitutulong sa laban.

          "Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo ngayong araw."

          Bigla akong napalingon nang marinig ako ang pamilyar na boses na iyon saka ko nakita si Xeron na nakatayo sa may likuran ko.

Brandless (The Code Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon