1. When I Met You

9.2K 184 4
                                    


"RELAX, Kristoff! Pauwi na ako ng Davao. I'll sing that song with my last breath, dammit!"

Padabog na binagsak ni Marco ang celphone sa passenger seat ng minamanehong Landcruiser. Kagagaling lang niya sa kanyang farm sa Manai, Davao Oriental. Tumawag noong isang araw ang caretaker niya at sinabing nagkakaproblema sila sa pananim na niyog. Hindi na niya nasabi sa kasamahan niya sa banda ang tungkol sa problema sa kanyang pananin. Kaya ngayon, nagmamadali siya upang maabutan ang rehearsal ng banda para sa performance nila sa Kai's Bar and Grill ngayong weekend.

Kabilang siya sa bandang Southern Fever. Nasa isang business conferrence ngayon ang vocalist nilang si Bryan kaya siya ang papalit dito bilang bokalista. Madalas ay ganoon ang nangyayari kapag wala si Bryan at dahil biniyayaan din naman siya ng magandang boses ay pinagbibigyan na niya ang mga kabanda. Katunayan siya ang backup vocalist nila.

"Shit!" bulalas niya nang bigla ay bumuhos ang napakalakas na ulan.

Napilitan siyang bagalan ng kaunti ang takbo ng minamanehong sasakyan. Somehow, nagpapasalamat siya sa pagdating ng ulan. Isa iyong solusyon sa problema niya sa kanilang pananim. Ngunit nangangahulugan din iyon ng pagkaantala ng kanyang biyahe. Napabuntunghininga na lang siya at sinikap ituon sa daan ang kanyang paningin. Mahigit apat na oras pa ang biyahe mula Davao Oriental hanggang Davao City. At dahil sa lakas ng buhos ng ulan, mas matatagalan pa iyon.

Kristoff, their bass guitar player, will surely panic kapag na-delay siya ng dating. Dito kasi ipinagkatiwala ni Bryan ang success ng performance nila sa linggong iyon.

"What the—" 

Agad niyang tinapakan ang preno ng may babaeng bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Pinara pa siya nito sa gitna ng ulan.  Habol-habol niya ang hininga. Muntik pa niya itong mabangga. 

Ano ba ang nakain nito at nagpapaulan ito sa ganoong ayos?  Tinignan niya itong mabuti. Yes, it was a girl. Maputi at mahaba ang buhok. Naka-minidress ito na kulay dilaw. Hindi niya maaninag ng husto ang mukha nito dahil sa ulan. Ilang sandali siyang hindi kumilos at pinagmasdan lamang ito. Basa na sa ulan ang damit nito. Nilinga niya ang paligid. Walang bahay na nakatayo doon. Sa pagkakaalam niya ay matagal ng walang dumadalaw sa lupaing kinatatayuan ng babae. Madalas pa ngang nagiging ambush site ng mga rebelde ang lugar na iyon.

But who is this woman and why is she standing in the rain? Hindi niya mapagdesisyunan kung pagbubuksan ba niya ito ng pinto o iiwanan. Ngunit parang hindi makayanan ng konsensiya niya na iwan ito. Ngunit paano kung may mga rebelde itong kasama at naghihintay lang ng tamang tiyempo upang i-ambush siya?

Damn!

Atubiling ibinaba niya ang bintana ng salamin sa passenger side at pinagmasdan itong mabuti. Nahugot niya ang kanyang hininga nang sa wakas ay malinaw na ang mukha nito. 

Standing in the rain is a very beautiful woman. Napawi agad ang inis na naramdaman niya kanina dahil sa napakalungkot na mga mata nito. 

"P-pwedeng p-pong m-makisakay?" nanginginig ang boses na tanong nito. 

She was soaked to her skin. She looked like she had no idea how she could affect him with the way her eyes seemed pleading him to take her away. Pati katawan nito ay nanginginig na rin dahil sa lamig at ang itim na bra na suot nito ay bumakat sa basang damit.

Hindi niya alam kung bakit siya napatango. He couln't even utter a word. Mabilis niyang binuksan ang automatic lock ng passenger's door ngunit pumuwesto ito sa bandang likuran. Wala siyang magawa kundi buksan ang lock ng pinto sa likod. Pumasok ito at mabilis na niyakap ang sarili dahil sa lamig. Itinaas niyang muli ang salamin ng upuang nasa tabi niya at pinatay din ang aircon. 

Until You Found Me [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon