"SANDALI lang!" sigaw ni Jannah at mabilis na tinungo ang gate upang pagbuksan taong ang kanina pa nagdo-doorbell sa gate ng bahay.
Hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang nasa labas. Nasa abroad na ang mga kaibigan niya na madalas niyang panauhin noon. Wala rin siyang natatandaang kausap ng araw na iyon.
Hindi niya inaasahang ang nakangiting gwapong mukha ni Marco ang bubungad sa kanya pagkabukas niya ng gate.
"What do you want?" tanong niya.
Hindi niya gustong pagtaasan ito ng boses ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit bigla na lang itong sumulpot sa bahay niya. Wala naman siyang natatandaang inimbita niya ito. Akala niya ay tapos na siyang nagbayad sa pagkakaabala niya rito noong na-stranded siya sa ulan. Kaso, heto na naman ito at guguluhin uli ang nananahimik niyang mundo.
Umangat ang isang kilay nito ngunit hindi pa rin nabubura ang ngiti. Kung hindi lang ito gwapo ay pagsasarhan na niya ito ng gate.
"Mukhang masama ang gising mo," puna nito at naghalukipkip.
Bumuntunghininga siya. " Sorry, nagulat lang ako," palusot niya at pilit pinakalma ang sarili.
Ngunit nagkamali si Marco ng tanong sa kanya. Hindi masama ang gising niya. Paano magiging masama eh hindi na siya natulog mula nang umalis ito kagabi? And it's his fault. Kung hindi ba naman ginugulo ng guwapo nitong mukha ang isip niya ay hindi siya mahihirapang matulog kagabi. She wouldn't see his handsome face everytime she would close her eyes. Tapos nandito na naman ito sa harap niya. Tiyak panibagong pagdurusa na naman ang dadanasin niya mamaya sa pagtulog. Mamamaga na naman ang eyebags niya kinabukasan katulad na lang ngayon.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Natutuwa siya dahil nasa harap niya ang lalaking laman ng utak niya magdamag. Yet at the same time ay naiinis siya dahil sa reaksiyon niya dito. Kelan pa siya nagkaroon ng matinding urge na magpakulong sa yakap ng isang lalaki, particularly as handsome and as charming as Marco?
Napakurap-kurap siya nang tumikhim ito. Saka lang niya napagtantong kanina pa pala niya ito tinititigan. Agad siyang nagbaba ng tingin. Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha.
"A-ahm, t-tuloy ka," alok niya at binuksan pa lalo ang gate upang makapasok ito.
"May kasama ako," anito. Kumirot ang dibdib niya sa hindi malamang kadahilanan.
"K-kasama? S-saan?"
He grinned at her boyishly sabay hila ng kung anong tali na hawak nito. Ngayon lang niya napansin iyon. It turned out isang malaking aso pala ang kasama nito. Kasingkulay iyon ng mga mata nito.
"Meet Shadow," pagpapakilala nito sa kanya. Bago pa siya makakilos ay lumapit ito sa kanya at ang libreng kamay nito ay umakbay sa kanya. "Shadow, this is Jannah. She's a friend okay?" pagpapakilala nito sa aso na para bang nakakaintindi iyon. Hindi umimik ang aso, nakaupo lang ito sa harap niya at tiningala siya. Parang pinag-aaralan siya nito.
Bumaling siya kay Marco. "Naiintindihan ka ba niya?"
"He's had training of some sort," sagot nito. "He's a pure-bred Labrador and he's behaved pwera na lang kung may intruder dito sa bahay mo."
"B-bahay ko?"
"Ipapahiram ko siya sa'yo para may makasama ka dito. He will protect you when I couldn't," sagot nito. Maang siyang napatitig sa mukha nito.
"I can't remember telling anyone I need protection—"
"You don't have to."
"B-but—"
BINABASA MO ANG
Until You Found Me [PHR]
ChickLit[FIRST PUBLISHED BY PRECIOUS PAGES CORP when I was still a freelancer] Southern Fever Band Book 2 Sequel to "Meant to Be My Hero" This is Marco and Jannah's story. "Every time you would need me, I'm sorely tempted to move heaven on earth just to be...