9. Saying Goodbye

5.7K 131 119
                                    

"MARCO, I just called to say thank you for...for last night," sambit ni Jannah nang tawagan niya si Marco kinabukasan.

Nang ihatid siya nito sa bahay niya kaninang umaga ay mahigpit niya itong niyakap. Gumanti naman ito at sinabing kung hindi lang daw sa nakaschedule nitong recording ay hindi ito aalis sa tabi niya. Matindi ang pagpipigil niya na hindi mapaiyak sa bisig nito. Last night with him was so perfect. Hindi man niya maisatinig ang nararamdaman niya para dito, umaasa siyang sana sa bawat yakap niya rito ay dama nito ang tunay na bulong ng puso niya. Pero ito na ang tamang panahon para palayain ang sarili sa pag-ibig na hindi para sa kanya. Dahil nakalaan na ito para sa iba. 

"No problem, Jan. Basta magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong, okay?"

"Ahm...Marco, pwede ka bang yayaing magdinner mamaya? Entree Resaurant ng Apo View Hotel at 6pm?" she crossed her fingers habang kausap ito sa telepono.

Napigil niya ang hininga habang hinihintay ang sagot nito.  Umaasa siyang tumanggi ito o kaya ay may naka-schedule itong gig, photoshoot o kaya ay interview.

"Dinner? What for?" 

"W-wala. I-I have a s-surprise for you." Sana hindi nito narinig ang panginginig ng boses niya dahil sa pagpipigil na maiyak. 

"Wow! You have a surprise for me? Sige, count on me Jan. I'll be there. I love surprises. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako," sabi nito. Alam niyang nakangiti ito ngayon.

"Sige, Marco. See you tonight," paalam niya sa pilit pinasiglang boses.

"Hindi ka ba magpapasundo?"

"N-no. Not tonight," sagot niya. Not ever. Dahil mula sa gabing iyon, mag-iisa na uli siya. Nang magpaalam ito ay saka niya pinakawalan ang luhang kanina pa pinigilan.

Kaya mo ito, Jannah. Nakaya mo nga noon, diba? Anang isip niya.

I had Marco before kaya ko nalagpasan ang pagsubok. I have no one now, sagot niya.

Don't stop living. Do the things you usually do.

Like what? Tanong niya sa sarili.

Travel. Go somewhere. Clear your mind

No more Marco to pick me up when I lose my way this time.

So?

Sandali siyang natigilan. Oo nga. Kailangan niya ng bagong environment. Kailangan niyang kalimutan ang kabiguan.

Alam na niya kung saan siya pupunta. Mabilis siyang nag-empake. Noon din ay nagdesisyon siyang tutuloy siya sa terminal ng bus pagkatapos niyang ihatid si Karlyn sa Apo View Hotel nang gabing iyon. Sasakay siya ng bus papuntang Cagayan de Oro City. But she will not stop there. Sasakay pa uli saya ng isa pang bus papuntang Plaridel, Misamis Occidental. Mula roon ay sasakay siya ng barko papuntang Siquijor.

She will visit that mystical island. Baka sakaling naroon ang kasagutan kung bakit lagi na lang siyang sawi sa pag-ibig. Who knows? Baka nga totoong may love potion roon na pwede niyang gamitin. Hindi na siya maliligaw dahil may dala siyang mapa. At may extra cash din siya kasama na ang kanyang ATM.

She will take the longest route to Cagayan de Oro City this time. Via Butuan ang pipiliin niyang ruta upang tumagal pa ng labintatlong oras ang biyahe niya at mas mahaba ang panahon niyang mag-isip. She had it all covered.

Kailangan na lang niyang kumbinsihin ang kanyang puso na sumama sa kanya sa halip na magpaiwan sa Davao. Magpaiwan kay Marco.

Muli niyang pinahid ang luhang nakatakas sa kanyang mga mata. Batid niyang matatagalan bago tuluyang makalimutan ang masasayang alaala nila ni Marco. Ngunit kailangan niyang tuparin ang wish nito. At iyon ay ang makasama ang babaeng matagal na nitong hinahanap. Si Karlyn. Ang babaeng tunay nitong minamahal. 

Until You Found Me [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon