Sorry sa matagaaaaaal ninyong paghihintay hahaha busy lang talaga sa bagay bagay hihihi
----------------------
MARCO uttered an oath under his breath. He had been so stupid. Nagpatalo siya sa takot. Dapat noon pang dinala niya si Jannah sa rooftop garden ay ipinagtapat na niya rito ang totoo niyang damdamin. But she pushed him away. At matindi ang selos niya dahil inamin nitong hindi mahirap mahalin si Ruben. Ang planong pagtatapat dito ay hindi natuloy. So he pretended to be her friend upang makasama lang ito.
Ito ang tinitibok ng puso niya mula pa noong araw na iniwan siya nito sa parking lot the first time they met. The first time he rescued her. Hindi niya lang pinakinggan kasi sa isip niya naroon pa ang alaala ni Karlyn.
But the other night, he literally panicked when he saw those unshed tears in her eyes nang ihatid nito si Karlyn sa Entree Restaurant. Dahil sa tuwing nasa ganoon itong ayos ay agad siyang natataranta. Agad niya itong ikinukulong sa kanyang mga bisig upang agad gumaan ang bigat ng dinadala nito. That's how a good friend should be. And he vowed to be her friend kahit pa higit na sa pagiging kaibigan nito ang sinisigaw ng kanyang puso.
Nang sabihin ni Karlyn na may dalang handcarry si Jannah ay labis siyang nag-alala. Mabilis niya itong pinuntahan sa bahay nito ngunit wala na ito doon. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito sa celphone nito ngunit palaging out of coverage iyon. Until a few hours ago.
It had always been her. Hindi lang siya nakasiguro sa simula dahil ang alam niya, si Karlyn ang babaeng para sa kanya. Iyon ang dinidikta ng kanyang isip.
So he failed to listen to the whispers of his heart. It had been hours since they last talked on the phone. Nais niyang matagpuan ito agad. Halos paliparin na niya ang sasakyan mula Davao hanggang sa Cagayan via Bukidnon just to find her. Iyon na ang pinakamabilis na daang alam niya. Dumiretso siya ng Misamis at ngayon nga ay nasa La Libertad na siya.
Bawat waiting shed na nadadaanan ay kanyang sinusuri, hoping for a sign of her. Kasisikat lang ng araw nang makita niya ang pigura ng isang babaeng natutulog sa isang waiting shed. Mabilis niyang nilapitan ito.
"Jannah? Wake up." Isang mahinang ungol lang ang isinagot nito. Muli niyang tinawag ang pangalan nito sabay haplos sa malambot at mahaba nitong buhok. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Diretso sa kanya ang titig nito.
"M-Marco," bulong nito sa pangalan niya at bahagyang ngumiti. Nahugot niya ang kanyang hininga. His name sounded so good coming from her lips. Tila iyon isang awit sa kanyang pandinig.
"A-are you alright?" tanong niya at inalalayan itong bumangon at maupo ng maayos.
"A-ano'ng ginagawa mo dito?" tila disoriented pa nitong tanong.
"Sinusundo ka. Okay ka lang ba?"
"H-ha? O-oo...okay na ngayong nandito kana...pero..." hindi nito itinuloy ang sasabihin. Sinulpayan nito ang nakaparada niyang sasakyan. Malungkot ang mga matang muling sinalubong nito ang titig niya. Tila mayroon pang namumuong luha sa mga iyon. Mabilis niyang ikinulong sa mga palad ang magandang mukha nito.
"H-hindi ka ba masaya na makita ako, Jan? You used to hug me whenever I would find you, remember?"
Nanginig ang mga labi nito ang before he could stop it, tuluyan nang nalaglag ang mga luha sa pisngi nito. Lihim siyang napamura. Ayaw niyang nakikita ito sa ganoong ayos. Ayaw niya itong nasasaktan.
"M-may karapatan pa ba akong yakapin ka, Marco? H-hindi ba pag-aari na ng iba ang mga bisig mo?"
"Jannah—"
BINABASA MO ANG
Until You Found Me [PHR]
ChickLit[FIRST PUBLISHED BY PRECIOUS PAGES CORP when I was still a freelancer] Southern Fever Band Book 2 Sequel to "Meant to Be My Hero" This is Marco and Jannah's story. "Every time you would need me, I'm sorely tempted to move heaven on earth just to be...