4. The Sweetest Friend

6.1K 169 67
                                    

Warning: SPG (As In Sweetest Post Guaranteed) Bwahahahaha bleeeeh

-------------------------------

"ANG TANGA mo talaga, Jannah! Kung kailan ka tumanda, saka ka mawawalan ng pitaka!"

Pinagalitan ni Jannah ang sarili nang hindi niya mahagilap ang kanyang wallet pagbaba niya ng bus. Tulad nga ng plano niya nang nagdaang gabi, sumakay siya ng bus tungong Cagayan de Oro City upang makalimutan ang masakit na ala-ala ng Davao even just for a day. Ngunit hindi kasama sa plano niya na mawala ang wallet niya. Natatandaan pa niyang inilabas niya iyon upang kumuha ng barya pambili ng kendi sa tinderang naglalako ng mga kakanin. Natatandaan niyang bumili din ng kendi ang malaking mama na katabi niya sa upuan.

Hays. Mukhang nadale ata ng mandurukot ang wallet niya. 

Bumuntunghininga na lang siya at nagsimulang maglakad. May mga nadadaanan siyang karinderya. Agad kumalam ang kanyang sikmura nang maamoy niya ang nakakatakam na bango ng ulam. A reminder that she missed breakfast. At ngayon, mukhang hindi na naman siya kakain ng lunch. She was literally penniles.

Ngayon siya nagdududa kung tama ba ang ginawa niyang pagbiyahe. She was supposed to clear her mind. Hindi niya inaasahang ang dalang pera niya pala ang ma-clear sa kanya. Hindi pa naman niya naisip magdala ng ATM. Alam kasi niyang matutukso lang siyang magshopping kung alam niyang may dala siyang extra money.

Nagpatuloy pa siya sa paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Hanggang sa nakita niya ang isang plaza na may mga upuan. May mga puno roon na nagsilbing shade. Nagdesisyon siyang doon uupo at mag-isip ng solusyon sa kanyang problema.

God, bakit ba palagi siyang nalalagay sa alanganin? Huwag lang sanang umulan dahil hindi niya alam kung saan siya sisilong. Kumakalam ang sikmurang binuklat-buklat niya ang kanyang purse sa pagnanais na makahanap roon ng kahit anong barya ngunit wala siyang makita. Sa halip ay ang business card ni Marco ang nakita niya.

You'll never know, Lonely Eyes... naalala pa niyang banggit nito kahapon. 

Pinagtagis niya ang kanyang bagang. Hindi niya ito gustong makita uli ngunit mukhang wala siyang choice sa pagkakataong iyon.

Kaso, magagawa ba niyang lamunin ang kanyang pride at tawagan ito?

You have to. Otherwise, aabutin ka ng gabi sa lugar na ito, tila sambit ng kanyang isip. 

Napalunok siya habang nai-imagine ang maaaring mangyayari kapag umabot siya ng gabi sa lugar na iyon. Nilinga niya ang paligid. Mukhang tahimik naman. Tahimik pa rin kaya ang lugar na iyon kapag malalim na ang gabi? Quiet doesn't mean safe. Bahagya na siyang kinabahan sa kanyang naiisip.

Damn you, Marco! Makikita ko na naman ang gwapo mong mukha at matutukso na naman ako. Hmp. If I know baka kaya mo lang ako nilalapitan ay dahil kay Karlyn, lihim niyang kausap sa picure nito na nasa likod ng business card.

Kaso, kahit ilang beses niyang murahin ang larawan nito, hindi iyon makakatulong sa problema niya. Lalo na sa kumakalam niyang sikmura. Wala nga siyang choice kundi ilabas ang kanyang mumurahing celphone at i-dial ang numero nito.

"Hello?" boses ng nasakabilang linya. 

Hindi sinasadyang lumundag ang kanyang puso. Ang ganda pala ng boses nito sa telepono. It even sounded sexy.

"Hello? Anyone on the line?" ulit pa nito at muli ay lumundag ang kanyang puso.

"H-hello? M-Marco?" aniya nang sa wakas ay natagpuan niya ang tinig.

"Yes? How can I help you, sugar?" tanong nito. 

Sugar?! Sino naman ang malanding babaeng 'yan?! 

Until You Found Me [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon