Kailangan kong ilabas ito,
mahirap isarili kailangan ko talagang mailabas
paano?
Ang unang tanong ko sa sarili ko
Sa tagal nating hindi nag uusap, paano?
paano ito nagsimula?
Ang alam ko, wala akong pag-asa sayo.
Malabong maging tayo
Hindi mo ma-iwawala sa akin na mag isip at magkumpara sa iyong dating minahal
Mahal na mahal niyo ang isa't-isa
lubos kayong nagmamahalan
nakikita ko pa sa mga posts mo ay inlove na inlove ka
Nasisiyahan akong nakikitang masaya ka
Hindi ko lang lubos maisip na mahuhulog ako sayo
at ikaw ay parehas din ang nadarama
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala
Kung paano tayo nagsimula
Alam mo bakit ko ito naisulat?
Kasi nakita ko mga dating litrato ng ex mo sa profile mo sa fb.
Kasalanan ko din kasi tinignan ko
habang pinagmamasdan ko iyon,
napansin ko ay ikaw ay lubusang minahal siya.
Hindi mawala sa akin ang magkumpara
Parang iba, iba na ba talaga ang qualification ng pag ibig ngayon?
kumbaga, first love hard to break diba?
ayun, so, nalungkot ako bigla
pero iniisip ko, mali ito
Kung naging masaya silang dalawa, bakit sila naghiwalay?
dapat ay sila pa ngayon at nagmamahalan pa
Hindi sana umabot kami sa ganito
I know, alam ko medyo napaka unexpected talaga ng pagkakataon na ito
biruin mo, malayo kami sa isa't isa at kami na.
Hindi pa kami nagkikita pagkatapos nung highschool.
7 years ang nakakaraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/130746627-288-k119862.jpg)