Chapter 1

84 0 0
                                    

Ako si Alex de Ocampo. 14 years old at medyo panlalaki man ang pangalan ay babae ako. Nagsimula ang lahat noong June 13, 2012. 1st day of school at first day din namin sa high school pero balewala rin ang “high school” kasi Grade 7 kami- ang pioneer ng K-12 program. Pinapaupo na kami ni Sir, at nagkataong nakaupo ako sa likod niya- si Vince Mitchells. Nasa right ko naman ang top 1 sa batch namin, si Hannah Tan. Oo, kabilang ako sa star section, taray ng lola niyo! Kung may hindi nakakaalam sa star section, ito yung section na kinabibilangan ng top 40 students sa buong batch niyo. Anyway, napapunta kami ni Vince sa pinaka-left kung saan nakikita namin ang labas ng aming school. Nagulat ako nang bigla niya akong kausapin. Hindi ko na matandaan kung ano ang sinabi niya basta ang alam ko natawa ako.

  Lumipas ang ilang linggo, naging close kami ni Vince. Sobrang close! Parang inseparable na nga kami eh, pero syempre, ako lang nag-iisip ng ganun. Tas pinalipat pa ni Sir sa likod ko best friend niya, si Mark Lee. Kaming tatlo, naging mga loko-loko kami. Hindi naman loko-loko as in, pabaya o ‘di kaya may masamang bisyo or whatsoever. Loko-loko dahil green ang mga utak, lam niyo na yun hahaha!! Madalas mantrip sa isa’t isa, pero ako ang pinagttripan ng dalawang yun MOST OF THE TIME. Kaka-frustrate din. Pero wala eh, best friends eh! Sa kanilang dalawa rin akong natuto mag-appreciate ng fliptop at ng OPM. Kasi etong si Mark, sinuggest niya samin yung XGF ng Spongecola. Three days after he suggested pa nga before I listened to it, kasi the two of them were always singing it. Syempre, naki-fit in lola niyo. Ayun, LSS kaming tatlo. Ilang linggo din yun. HAHAHAHA! Tas palagi rin nila pinag-uusapan yung fliptop at kung ano man ang mga nakakatawang hirit ng mga nag-ffliptop. Sinubukan kong panoorin ang samutsaring fliptop at sa ‘di inaasahan ay nagustuhan ko. Kasi “boyish” ako. Pero marami ring nagsasabing “girly” ako. So yun, weird lang ahhahaha. Pero aaminin ko, first few months namin as Grade 7 students or should I say Freshmen, sobrang saya dahil sa dalawang yun.

Twists and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon