After that night, gumaan ang loob ko. Thanks to Vincent! Napangiti niya ako sa isang tawag. 7-minute call was all it took for me to be happy after what happened at the party. Fast forward tayo ng konti lang naman.
November na! Birth month na nina Kuya Kenji at Vince. At nakakatuwa ay, pareho sila ng birthday! November 20. Nakakatawa lang kasi dalawang importanteng tao sa buhay ko, pareho pa ng kaarawan. Pero let’s focus first on my kuya. He’s already turning 21. Eh diba 21 is like the “debut” for MEN, kung ano man tawag sa celebration na yun. Tamang tama kasi may book fair sa school namin. Maraming mga pambatang binebenta dun, so yay! I was planning to give kuya 21 items or toys for kids inside a box. Para makapag-reminisce siya sa kabataan days niya. Noong mga panahong immature pa siya at tatangga tangga pa sa ibang aspects ng life, tulad ko na tangga sa pag-ibig. Naging successful naman ang gift ko sakanya. Natawa rin naman siya kasi ang weird ko daw mag-isip. Well, at least unique diba! We ate at Zong, na naging instant favorite restaurant ko. Zong serves Chinese food, as far as I know. Matagal narin kasi kaming hindi nakakakain sa Zong kaya I totally forgot what their variation is and what we usually order. We celebrated with his girlfriend, and without our dad. Nasa hospital DAW. Tsss. If I know, nandun siya sa babae niya. Ay sorry, nasasabihan ko narin kayo ng mga hinanakit ko hahahaha. We watched a movie. Yun lang, but I guarantee that we were way happier without our dad.
Now, let’s focus on Vince. I didn’t give him any gift. Kasi I asked him what he wanted from the book fair narin para no hassle. He pointed the Almanac. Sabi ko, sige I’ll buy it basta he’ll get one na. Then, when we were near the cashier already….
Vince: Seryoso ka bang bibilhan mo ko nito?
Me: Mukha ba akong nagloloko?
Vince: Uy! Joke lang naman! Huwag mo na ‘to bilhin.
Me: Birthday gift ko na ‘yan eh! Sige na!
Vince: De wag na! Kahit huwag mo na akong bigyan.
Me: Hmmkay. Madali naman akong kausap.
Vince: Oh yun naman pala eh. Sige balik na ako kila Mark.
So, yun. Wala akong birthday gift sakanya. Well, he insisted so I did nothing. Baka mag-away lang kami ‘no, huwag nalang hahaha.
Abby, Abigail, Adalia, Talia and I were planning to watch Logan’s new movie. It’s about him being the typical shy high school student. Then, nakilala niya si Emma Watson and Ezra Miller tapos they became instant best friends. Basta, I read the book pagkalabas na pagkalabas sa book stores and it was amazing! I fell in love, I was happy when Charlie (Logan’s character) was happy, and I was devastated when he was such. So, I suggested that we’ll watch it. Pumayag naman sila but that’s not the best part, they wanted Vince to come with us. So, pumayag naman ako. AKO PA BA ANG TATANGGI EH SASAMA NA ANG CRUSH KO SAMIN?! Pero, knowing Vince, he won’t come if walang lalaki, kaya sinama ko si Sonny Paquet. Si Sonny Paquet ay close naming dalawa kaya he won’t have any problems fitting in. The plan was settled.
Then the day came. The day na matatawag kong unang gala namin ni Vince. Unang movie “date” namin ni Vince kahit na maraming sagabal. At kung ano-ano pang mga una na magaganap samin. Ako nalang ang wala, as usual. Pero 1 hour lang ako na-late this time, AT hindi lang ako ang late. Pati si Sonny kaya si Vince ang nahihirapan maki-fit in BWAHAHA! Pagkadating ko sa mall, I texted Talia immediately na nandun na ako. Sabi niya, wait lang daw. Pabababain niya si Vince para sunduin ako. EEEEEEKKKKKKKKK! KILIG! :”> Nag-okay naman ako at sinabi kong pakisabi kay Vince na bilisan. Hintay. Hintay. Hintay. 10 minutes na ang nakalipas, nandun parin ako, mukhang tangga kasi paikot-ikot sa kinatatayuan ko. Tinext ko agad si Talia, sabi niya akyat nalang daw ako sa Timezone. Pucha, naghintay ako para sa wala?! Ang magandang nilalang na katulad ko ay hindi pinahihintay para sa wala. Pero ano pa nga bang magagawa ko, instead naman na mag-ganda gandahan ako dito ay umakyat nalang ako. Nakabili na pala sila ng tickets naming lahat kaya no worries na. Pagkakita ko kay Vince, binatukan ko!
Vince: Aray! Bakit mo ginawa yun, ha?!
Me: GAGO KA BA?! SAMPUNG MINUTO AKO NAGHINTAY SA BABA KASI SABI NILA SUSUNDUIN MO DAW AKO TAPOS ANO? PAAKYATIN NILA AKO KASI AYAW MO DAW! GAGO!
Vince: Sorry na! Katamad eh!
Me: Kingina mo! Tatamad-tamad ka diyan! HOY KILOS KILOS DIN!
Vince: OO NA! OO NA! SORRY NA, MAHAL NA PRINSESA. ‘DI NA MAUULIT!
At nag-walk out ako. After nung convo ay tinext ko na si Sonny kung nasaan siya. Siya nalang kasi yung kulang.
Me: Son!! San ka na? :)
Sonny: Alex, sorry kung matagal ah! Kumain pa kasi kami nina Mama at Papa sa food court eh. :)
Me: Ah sige okay lang. Basta, nandito kami sa Timezone sa taas. Akyat ka nalang kapag tapos na kayo or whatever. :)
Sonny: Sige sige. Text nalang kita ‘pag nandyan na ako sa labas ng Timezone. Thanks, Alex! :)
End of conversation. Hindi kasi ako nagsasabi ng “You’re Welcome” for some reason. Wala lang, ‘di ko trip eh. So, nandito kami sa loob ng karaoke room. Unang kumanta si Talia. Sinabayan naman namin. Si Vince, nasa labas. Naglalaro ng Tekken… bahala siya sa buhay niya. Tapos sunod akong kumanta. Kinanta ko Love Song by Sara Bareilles na isa sa mga paborito ko. Tapos pumasok na si Vince. Sabi niya tinext na siya ni Sonny kung nasaan daw kami at sinabi niyang nasa karaoke room. Kaya dito nalang kami magkikita. Tapos after a few minutes, kumpleto na kami kaya nagsibabaan na kami para pumunta na sa movie house kasi 10 minutes nalang before magsstart yung movie. Pero, natira kami nila Sonny at Vince sa labas kasi bibili pa kami ng food. Bumili silang dalawa ng popcorn habang ako ay pumunta sa Starbucks. Ako yung natagalan ng sobra kaya naghintay pa sila ng medyo matagal.
Nung pumasok na kami sa movie house, kaka-start lang ng movie. Pumunta na sila sa left at ako sa right kasi hindi kami magkatabi. Sobrang na-enjoy ko yung movie. Tapos nung patapos na, umiyak ako. Kasi sobrang nakakaiyak yung scene ni Logan Lerman. Actually, kaming dalawa lang ni Adalia yung umiyak, hahahahaha. Anyway…
BINABASA MO ANG
Twists and Turns
RomanceAng storyang ito ay isa sa mga ordinary "love stories". Si Alex de Ocampo, isang estudyante na na-inlove sa kanyang best friend. Ang hirap naman! Sabi nga ni Bugoy, "Bakit sa dinami-rami eh siya pa?" Ano kaya ang magiging reaksyon ni Vince, ang kan...