Chapter 22

13 0 0
                                    

SUMMER NA!!!!! Swimming lang kami ng swimming ng family ko. Sobrang saya nga eh! Pero 2 weeks lang summer namin dahil sa summer classes. Ganunpaman, sobrang saya parin ng summer kasi kumain kami sa farm na first time kong nagawa, nag-swimming kami, tapos tumayo kami sa “cliff” at pinagmasdan yung sobrang gandang beach. Basta, masaya. Siguro, another reason kung bakit masaya ‘tong summer na ‘to ay dahil separate na kami ni Papa. Kumbaga, nasa bahay namin siya tapos kami nila Mama, Kuya Kenji, Kuya Carlito, lola namin, yung yaya namin tsaka yung aso namin ay lumipat na ng ibang bahay. Kaya sobrang peaceful na ng buhay namin.

One week nalang, summer na. Ginawa ko na yung mga kailangan kong gawin. Nagpagupit na ako. Nagpa-braces na ako. Nag-shopping for school na kami.

6 days.

5 days.

4 days.

3 days.

2 days.

1 day.

Ang pinaka-ayokong araw. Pasukan na naman. Grabe, ‘di ko talaga namiss ‘tong lugar na ‘to. Ang nakapagpapasaya lang naman kasi sa school ay ang mga kaibigan ko at yung mga masasayang teachers.

Grade 9 na kaming lahat. Kami ang “pioneer” netong system na ‘to. I don’t even know kung good thing ba yun or not kasi hindi pa prepared ang generation namin para sa ganitong system tapos sobrang binigla kami ng admin ng school namin kaya nga sobrang daming lumipat na batchmates namin eh.

First day of school. Kamustahan ang mga magkakaibigan. Tinatanong kung ano nangyari sa summer. Kung may exciting ba or wala at kung ano-ano pa.

Magkikita nanaman kami ni Vince.

Pero, wala na talaga si Mark…

Pero, the thing I like about this year’s first day of school is nalaman namin ni Abby na pareho na kaming may braces at on the same day kami nagpalagay.

Pagkakita sakin ni Vince…

Vince: TANGINA ALEX HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAH

Me: Problema mo?

Vince: ANG PANGET MO HAHAHAHAHAHHAHA

Me: Gusto mo ng sapak?!

Vince: ANG PANGET MO TALAGA HAHAHAHAHA

Sa totoo lang, ‘di ko talaga alam kung bakit ko best friend si Vince eh. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ko siya crush eh ang sama sama niya hahahahaha.

Me: Pero wala naman mas papanget pa sayo.

Vince: Eto naman, joke lang! Bagay sayo! Sobra.

Me: Huwag mo akong daanin sa ganyan mo kundi bibigwasan kita.

Vince: EH ANO BA GUSTO MONG SABIHIN KO?!

Me: May sinabi ba akong kausapin mo ako?

Vince: Sabi ko nga.

At umalis na rin si Vince. Kahit na crush ko kasi siya, sobrang mean ko sakanya at hindi ko alam kung bakit. Siguro, kasi maldita talaga ako. Pero, crush ko parin si Vince. Baka nga something deeper na eh…

Pagkarating namin sa classroom, nagtabi tabi kami nila Talia, Adalia, Abby at Abigail. Si Vince naman nasa likod ko tapos sa right side.

Tsaka kami nagpakilala sa isa’t isa. Ang dami palang nakapasok sa star sec. 4 students bale. And yes, madami na yun.

Ang isa sakanila, si Jenny Furthen.

Twists and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon