Simula ng maamin ko na sa sarili ko at sa mga kaibigan ko (bukod sakanya syempre!) na may “spark” nga ako para sakanya, gumaan ang pakiramdam ko at mas natutunan kong i-cherish ang friendship namin.
Livelihood na yung class namin. Bale, girls lang ang umaattend ng class na ‘to for 1st term. Ang topic namin ngayon ay yung calligraphy. Medyo mahirap para sakin kasi ‘di naman ako artistic pero sige lang. Kailangan kong makakuha ng mataas na grade dito kahit alam kong MEDYO impossible kasi ang papanget ng mga products na ginagawa ko huhu. Anyway, nagkataong meron akong monthly visitor ngayon. Red flag. Kung ano man term niyo dun. After 1 hour, tumayo ako. Tinanong ko rin si Abigail kung may tagos. Tapos nagulat siya, so nagulat din ako. May tagos daw kasi at malaki daw. Pero, sa sobrang katanggahan ko ay umupo nalang muna ako. Tas after 30 minutes, tumayo ulit ako then asked Abigail kung may tagos. Tas oo daw ulit, two big red spots! Saya! So, tinanong ko yung nasa likod ko na si Jen kung pwede niya akong tulungan at nagulat ako dahil willing naman niya akong tulungan kahit ‘di kami close. Inexcuse ko pa kaming dalawa kay Sir. Tinanong naman niya kung bakit. Sinabi ko naman na kasi may tagos ako at dali-dali naman siyang pumayag. Nagulat nalang ako kasi yung boys ay nasa labas ng classroom nila. So nag-panic ako! Pano kung makita nila? Or worse si Vince pa ang makakita huhu. Tumakbo kami ng sobrang bilis ni Jen. At nang makarating kami sa CR ay nilock naming agad ang door. Binaliktad ko na ang skirt ko para mabasa na yung spots. Biglang may kumatok sa door. At tinawag niya ang pangalan ko. I recognized him immediately because of his voice. He was Bryan Martinez. Isa sa mga ka-tropa ni Vince.

BINABASA MO ANG
Twists and Turns
RomanceAng storyang ito ay isa sa mga ordinary "love stories". Si Alex de Ocampo, isang estudyante na na-inlove sa kanyang best friend. Ang hirap naman! Sabi nga ni Bugoy, "Bakit sa dinami-rami eh siya pa?" Ano kaya ang magiging reaksyon ni Vince, ang kan...