Fast forward to our Christmas party. Ihahatid ako ni Papa ngayon kasi marami akong bitbit. Pero bago kami pumunta ng school, binili muna ako ni Papa ng food. Binili niya ako ng burger, fries at may doughnuts pa. On the way to school, kumain lang ako ng kumain hanggang sa makaramdam na ako ng kabusugan hahaha.
Pagkarating ko sa school, nagkiss na ako kina Mama at Papa at kinuha na lahat ng ipamimigay ko. Pumunta muna ako ng canteen kasi nandun lahat ng students at tsaka hinanap yung best friends ko. Nang mahanap ko na sila, binaba ko na yung gamit ko sa table at kumuha na ng ilang gifts para ipamigay sa mga pagbibigyan ko. Inuna ko yung teachers para hindi na magpahirapan maghanap later. After giving yung mga regalo ko sa half ng teachers na nasa list ko, tinawag na kaming lahat ng students and teachers for the paraliturgy sa gym. Tradition na ‘to sa school namin.
Nag-line up na ang lahat according to our sections. Nag-kumpul kumpol narin ang mga batches. Elementary will be at the left side of the gym. While, high school will be at the right side of the gym. Nagsiupuan na ang lahat. Students sa floor while teacher sa benches. The paraliturgy was all about the coming of Jesus, our savior. The usual topic. Not that I’m complaining, pero this is our topic every year which makes sense kasi Christmas is about the coming of Jesus.
Natapos din naman agad ang paraliturgy. Nagpuntahan na ang batches sa kani-kanilang spots. Ang Grade 7 ay pumunta sa left side ng canteen.
Our batch proceeded to the programs prepared by I don’t know who. Basta alam ko lang may mga games at mga performances ng batchmates namin. Ang daming games pero ni isa wala akong sinalihan. Ang boboring kasi. Pero si Abby, sinalihan na yata lahat ng games. Si Abby kasi game siya sa lahat kaya no doubts na sasali siya sa kahit anong game. Sa aming lima sa barkada, siya lang talaga yung naglaro.
Habang naglalaro batchmates ko, sinamantala ko na ang pagbibigay ng gifts sa mga friends at teachers ko. Dinala ko na yung bag ko para kung may magbigay man sakin ay hindi na ako mahirapan magbitbit. Sinamahan naman ako ng isa kong friend na si Gianna Cruz kasi sobrang boring din ng program para sa kanya. Inikot namin yung buong canteen at yung gym para lang maibigay na yung gifts. By the time na naibigay na namin, ibang game na nilalaro nila. Something related sa rubiks cube. Mas boring kasi not a fan of those, sorry.
Umupo lang ako sa table namin nang matapos na ang games and programs. Tapos naalala ko na mag-“dance mob” nga pala yung section namin. Yung iba nagsitayuan na sa chairs tulad ko. Yung iba naman kuntento na nakatayo lang at hindi masyadong kita. Tapos pinatugtog na yung song namin. Nakakahiya nga kasi parang walang nakanood at para bang walang nangyari. Pero okay narin, at least may dignidad at reputasyon pa akong natitira hahahahha.
Kainan na namin. Wala na akong kinain kasi sobrang nabusog talaga ako sa pinakain ng dad ko sakin. Then…
Inalok ako ni Vince ng Krispy Kreme. Alam niya kasi na FAVORITE ko ang doughnuts. Kahit anong flavour pa ‘yan basta doughnut kakainin ko. Pero tinanggihan ko sa sobrang kabusugan ko nun. Nasabi ko na bang wala kami gifts sa isa’t isa. ‘Di ko alam kung bakit. Hindi ko siya binilhan. Hindi niya ako binilhan. Ganun ka-simple. Though, nakakalungkot kasi BEST FRIENDS NGA KAMI PAULIT-ULIT, parang hindi kami ganun kasi kung umasta kami parang normal friends lang. Parang nothing special about each other. When the truth is, sobrang importante siya para sakin. Sobrang laki ng parte niya sa buhay ko. ‘Di ko lang alam kung ganun din ba ako sakanya.
After ko siyang tanggihan sa alok niya, kami nalang ni Mark ang nag-usap. I was really hoping na makikisingit siya pero it never happened. Inaasar pa nga niya kaming dalawa ni Mark. Sa totoo lang, si Vince naman talaga pinag-uusapan namin…
Me: Mark! Alam mo bang wala kaming gift ni Vince sa isa’t isa? Kainis!
Mark: Gaga ka kasi! Bakit ‘di mo binigyan?
Me: Natatakot ako kasi baka isipin niyang ang fc ko.
Mark: Gaga! Best friends kayo tapos fc ka? Gaguhan?
Me: Kasi he acts like hindi niya ako best friend! Sobrang nalilito nga ako kung best friend ba niya ako or not eh.
Mark: Syempre, best friend ka niyan! Diba best friends nga tayong tatlo?
Vince: HOY KAYO AHHHH YIIIIIIE!!!
Me and Mark: Shut up, Vince!
Vince: Sabay talaga?
Me: Gusto mo ng sapak?
Mark: HAHAHAHAH ano gusto mo, ha?!
Vince: De, yoko. Mag-usap na ngalang kayo diyan.
Me: Bakla talaga.
Mark: HAHAHAHAHAHAHA!!
Vince: Ano sabi mo?
Me: Merry Christmas, Vince! *smiles* Asan gift mo sakin?
Vince: Yung doughnut yung gift ko sa’yo hahaha.
Me: BAKIT ‘DI MO SINABI?!
Vince: Kailangan ko bang sabihin? Tsaka akala ko tatanggapin mo right away kasi nga doughnuts.
Me: Pinakain nga ako ng tatay ko! Akin na! Kakainin ko na!
Vince: AWWW QUALITY TIME TOGETHER !! *smiles*
Me: Shut up, Vince! Give me the doughnut!
Vince: Too bad, naubos na ng tropa.
Me: UGH BV! You could’ve told me earlier.
Vince: Well, sorry hahaha.
Me: By the way, anong gift mo kay Sam?
Sam Estrada. Hindi siya kabilang sa star section. Pero crush siya ni Vince last year pa lang. Nalaman ko lang nung pinakita niya yung grad picture ni Sam sa wallet niya noong August. Yes folks, matagal ko nang alam na crush ni Vince si Sam hindi ko lang maamin sa sarili ko kaya ngayon ko lang din sinabi sa inyo.
Vince: Secret! *winks*
Ugh!! Sobrang sakit lang.

BINABASA MO ANG
Twists and Turns
Storie d'amoreAng storyang ito ay isa sa mga ordinary "love stories". Si Alex de Ocampo, isang estudyante na na-inlove sa kanyang best friend. Ang hirap naman! Sabi nga ni Bugoy, "Bakit sa dinami-rami eh siya pa?" Ano kaya ang magiging reaksyon ni Vince, ang kan...