"»" means fastforward
—
i.
hoonie 💎
08:07 AM
coupie
good morning hoonie! i just wanted to say, please go to the park near your house. yung palagi nating pinupuntahan. be there at exactly 11AM. sige ka, kapag hindi ka dumating ng sakto, wala kang matatanggap na kiss saakin for 1 month. i'm sorry for disturbing you beauty sleep :)
09:36 AM
hoonie 💎
what the hell? ngayon lang ako nagising
hoonie 💎
anong kalokohan nanaman yang gagawin mo, choi seungcheol?
hoonie 💎
hayst. hayaan mo na nga, mag-aayos na ko. see you ❤️
ii.
habang naglalakad si jihoon papunta sa park, may biglang pumasok sa isip niya,
3 years na silang magkasama ni seungcheol, kelan ba siya mag p-propose?
elang minuto nang nasa isip ni jihoon ang tanong na iyon, hindi niya namalayan na nasa park niya siya
wala namang tao, pinagloloko ba siya ni seungcheol? baka isa nanaman 'to sa mga 'prank' niya
pero parang seryoso yung message niya eh, hindi kagaya nung may mga madaming smiley na emoji's
nung mga limang minuto na siya naghintay, naisipan na niyang umalis
"sandali lang" demanda ng pamilyar na boses
"seungcheol? t–teka— bakit ka naka suot ng ganyan? may pupuntahan ka ba? sige, umalis ka na, kahit sa text ka nalang naman nag paalam eh. 'di na kailangan personal"
"hayst. jihoon, wala akong pupuntahan" sagot ni seungcheol habang naka yuko. parang kinakabahan ata siya?
"uy, ano ba nangyayari sayo? 'bat parang hindi si seungcheol yung nakikita ko ngayon. yung kilala kong seungcheol palagi masaya" sabi ni jihoon at itinaas ang ulo ni seungcheol
"e–eh kasi, natatakot ako sa magiging reaksyon mo sa gagawin ko. baka kasi magalit ka saakin eh" mahinang sagot ni seungcheol at pinaglalaruan ang mga daliri niya
"hyung! 'wag ka ngang duwag! ikaw nag-plano neto eh!" sigaw ng isa pang pamilyar na boses
"si mingyu ba 'yun? 'bat nandito siya?" tanong niya kay seungcheol
"h–hah? hindi si mingyu 'yun, baka multo lang, hehe" kinakabahang sagot ni seungcheol
"bilisan mo, may gagawin pa 'ko sa opisina" sabi ni jihoon habang tumitingin sa orasan niya
"okay, huminga ka ng malalim seungcheol. this is the moment you've been waiting for" bulong ni seungcheol sa sarili and somehow narinig ni jihoon
nagulat nalang si jihoon na biglang sumigaw si seungcheol
"GWAPO SI MINGYU!"
nung sinabi niya ang mga salita na iyon, may mga taong lumabas sa mga tinataguan nila. lahat ng mga barkada nila, himala, kumpleto silang lahat
may tig-isang hawak silang balloon na mga letra, binasa ni jihoon yun at parang tumigil ang ang pag-tibok ng puso niya
'WILL YOU TAKE MY HEART FOREVER, LEE JIHOON?'
pagkayuko niya, nakita niya si seungcheol na naka-luhod na, may naka lagay din na jar sa harapan niya, parang puno ng mga papel
"s–seungie, ano 'to?" gulat na tanong jihoon
"ano pa ba? edi nag p–propose na 'ko sayo, pasalamat ka kay mingyu. siya yung nag bigay-lakas saakin para gawin 'to ng maaga" sabi ni seungcheol at binuksan ang dark blue na box na hawak niya kanina pa
"so, will you marry me, lee jihoon?" tanong ni seungcheol habang tumitingin sa mga mata ni jihoon
"sa tingin mo ano sagot ko? syempre yes!" masayang sagot ni jihoon na niyakap ni seungcheol ng mahigpit
"i knew you will say yes" huling sinabi ni seungcheol at pinaglapit ang mga labi nila
onti nalang sana eh, pero may umepal
"hoy hoy! mamaya na yan! baka may mangyari pa sa harapan ng mga inosenteng mata namin! sa sogo niyo na ituloy yan!" biglang sigaw ni mingyu dahilan ng pagtawa ng iba nilang kabarkada
"o, narinig mo sinabi ni mingyu? halika, punta na tayo sogo" pagaya ni seungcheol
"gago! hindi pa nga tayo kasal!" sigaw ni jihoon at hinampas si seungcheol sa braso ng malakas
"oo na! halika, kain na tayo, siguradong gutom na yu— mga ulupong! hindi niyo manlang kami tinirhan!" galit na sigaw ni seungcheol habang naglalakad pa punta sakanila mingyu
"eh tha guthom na kami eh! ang thagal yo kashi!" punong-bibig na sinabi ni seungkwan
"hayst, ang bababoy niyo" sabi ni seungcheol habang kinakamot ang likod ng ulo
"hayaan mo na, kain nalang tayo sa bahay. magluluto ako"
"wag na, ikaw lang sapat na" sabi ni seungcheol with matching kindat pa
"putangina manahimik ka" sabi ni jihoon habang naglalakad paalis
"sandali! joke lang yun!" sigaw niya habang hinahabol si jihoon
"yan kasi, HAHAHAHA" natatawang sigaw ng mga kabarkada nila, hindi nalang pinansin ni seungcheol 'yon.
—
last chapter next :) dejk hindi ko pa sure. thanks for 1K! ✨
YOU ARE READING
unexpected. | jicheol
Fanfictionin which jihoon doesn't know his ultimate crush was his stalker. // greenminded series #4