Chapter 7
Shayphan's
"Phannie, ano ba? Bumangon ka na diyan, di na kita hahayaan pang umabsent na naman sa klase mo. Alam mo bang two consecutives absent na ang nagagawa mo sa ilan sa mga major subjects mo? Urghf!"
"Five minutes" bulong ko habang tila hirap na hirap akong ibuka yung mga mata ko.
"Friend naman, maligo ka na. Sabay na din tayong pumasok"
Naiiritang pinilit ko na lang na bumangon at saka mabilis na tumayo sa kama. Napasobra siguro yung impact o yung force ng ginawa kong pagtayo dahil paglapat ng mga paa ko sa sahig ng kuwarto ko ay parang biglang umikot yung mundo ko at napaupo na naman ako sa kama.
"Are you okay, Phannie?" napahawak tuloy sa braso ko si Pichie kasi akala ata niya tutumba ako, well oo nga pero sa kama naman ako napaupo.
"I'm fine" tiningnan ko na lang yung hitsura ni Pichie, bihis na pala ito at mukang ready ng pumasok. Malamang na napadaan na naman siya sa condo ko kaya napag desisyunan na ding sunduin ako.
Tama siya, two days na akong absent sa school. Tinatamad kasi akong pumasok, tinatamad akong bumangon sa umaga, tinatamad na nga rin akong kumain eh! Basta nakakatamad talaga, lalo na sa tuwing iniisip ko kung bakit ba kailangan ko pang mag-aral samantalang makapagtapos man ako o hindi eh, mapapalago ko pa din yung resort ko.
Pero sayang nga din kasi ilang buwan na lang din naman at ga-graduate na kami.
"M-maliligo lang muna ako Pichie, saglit lang ito"
Tumango na lang si Pichie at saka lumabas ng kuwarto ko.
Pumasok ako sa banyo at saka naligo, quick shower lang ang ginawa ko dahil baka mainip na si Pichie. Nakakahiya na talaga sa best friend kong iyon.
Isang micro mini short kaagad ang nabungaran ko sa closet ko kaya yung na lang ang hinatak ko at isinuot, tinernuhan ko na lang iyon ng see-through na long sleeve may tube naman ako na pangloob kaya ayos lang na ito ang suotin ko. Kaso medyo kita ata yung tummy ko kasi ang ikli lang nung tube, pero ayos na din kasi nga di masyado maaaninag ng malinaw yun dahil sa design ng damit ko.
Nag foundation lang ako at saka nag lagay ng red lipstick, hindi ko na din sinuklay yung buhok ko. Yung kamay ko na lang ang ipinangsuklay ko para medyo maangas tingnan. Pag lapit ko sa door ay hinatak ko sa shoe rack yung red stiletto ko.
Bakit parang tinatamad nanaman ako pumasok?! Ang hirap talaga pag walang inspiration, nakakasawa na din.
Pag labas ko ng living room ay nasa dining table si Piichie at kumakain ng fried egg, pinapalaman niya yung sa tasty bread. Eeww, kahit kailan talaga I hate egg. Except to Garteh's eg—.
BASTOS!
Ang utak hane?
"Pichie! Let's go at baka ma late ka pa sa klase mo"
"At talagang ako lang ang iniisip mong malelate nuh? Samantalang ikaw di mo man lang inaayos yang pag-aaral mo" sabi niya at saka hinatak yung shoulder bag niya.
"Ganun kita kamahal"
"Aysows!"
Pagdating sa parking lot ay inihagis ko na lang basta-basta yung bag ko sa back seat at saka pinaharurot iyon ng mas mabilis pa sa karaniwang pag dadrive ko.
"Mare, mahal ko pa buhay ko. Pwede naman bagalan di ba?"
Hindi ko pinansin si Pichie at sa halip ay ipinag patuloy ko lang yung pagmamaneho ko.
BINABASA MO ANG
The cost of my VIRGINITY
RomancePaano kung yung gabi na inaakala mong magiging pinaka masayang part ng buhay mo ay siya ring wawasak sa simpleng pangarap mo?