Chapter 11
Shayphan's
"How's my baby, huh? Did you sleep well Honey?" binuhat ko mula sa crib niya si Grapes at saka pinugpog ng halik sa pisngi. Sige naman siya sa pagtawa na ikinasasaya ng puso ko. Mararamdaman ko kaya ito kung itinuloy ko dati yung plano kong pagpapalaglag?
Bigla na lang parang namuo yung luha sa mga mata ko habang tinititigan ang walang muwang na baby ko. Pero ang mas nakakainis pa dito ay halos puro ang genes ni Gareth ang nakuha ni baby Grapes, it's so unfair just imagine na ako yung nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan pero parang wala man lang siyang nakuha na kahit na ano galing sa akin?
Sigh.
"Mah-mah.. mah-mah..mah-mah"
Bumalik nanaman yung sigla ko ng marinig yung sinasabi ni baby Grapes habang yung isang kamay niya ay isinusubo sa bibig, aalisin at isusubo ulit.
"Yes baby, Mommy's here"
"Ate Phannie!" napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ng marinig yung matinis na boses ni Charrie. Tumakbo ito sa gawi ko at saka tumabi sa kama ni Grapes ng mailapag ko na ang huli.
"What's that Charrie?
"Uncle Carl is here, and I just told him to come up here"
"Really?'' pero bago pa ako makagalaw para sana puntahan sa ibaba si Carl ay may dalawa ng kamay ang agad na tumakip sa mga mata ko.
Kinapa ko yung kamay habang pilit na tinatanggal iyon. "Hey Carl, I know it's you. I can smell your scent"
"My scent huh?" ang nakangiti niyang muka ang agad na sumalubong sa akin ng tanggalin niya yung mga kamay niya. One week na din pala nung huli siyang dumalaw dito, and frankly I missed this guy.
Hinalikan niya ako sa pisngi at saka naman tumabi ulit sa kabila namang side ni baby Grapes habang ako ay nandito lang sa paanan ng baby ko.
"Hey fruitcake, did you missed your dah-dah?" napatingin sa kanya si Grapes at ng makita siya ay agad itong tumawa at nag papadyak. Ang landi ng loka, mukang na miss nga si loko.
"Dah-dah.." puro ganun lang yung sinasabi ni Grapes habang pilit na inaabot yung muka ni Carl. Mukang hindi rin naman nakatiis si Carl at binuhat na din si Grapes. Ang cute lang nila tingnan, para talaga silang mag-ama.
Parang biglang umurong yung ngiti ko ng maalala nanaman yung nangyari noon, kung paanong parang halos nawalan na ako ng pag-asa at makakapitan bukod sa lalaking ito na nasa harap ko ngayon. Maging si Pichie ay hindi malaman ang gagawin sa akin nun, pero wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari lalo na at kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ko lalo na ng dumating si baby Shey Gretchen.
* PAST*
I got out of balance that's why I almost fell down when I get out from my car. By everyday, my morning sickness got worse and worse, kaya naman halos nahihirapan na din akong pumasok sa eskwelahan. Si Pichie nagtataka na sa mga nararamdaman ko, sinabihan na niya din akong magpakonsulta sa doktor. At sa tuwina ay nahihiya ako sa kaisipang hindi ko maamin-amin sa bestfriend ko ang tunay na kalagayan ko.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay nakasalubong ko na kaagad si Carl. Nginitian niya ako at saka kinuha kaagad ng walang paalam yung shoulder bag ko at ilang books na dala-dala ko.
"Are you sure na kaya mo pang pumasok sa klase mo?" tanog nito kapag-kuwan habang puno ng pag-aalala ang muka niya.
Tumango ako kahit ang totoo ay pakiramdam ko'y susuka na lang ako bigla-bigla sa kung saan. Medyo nahihilo din ako. Pero maya-maya lang mawawala na din naman itong nararamdaman ko kaya sayang naman kung aabsent nanaman ako.
BINABASA MO ANG
The cost of my VIRGINITY
RomancePaano kung yung gabi na inaakala mong magiging pinaka masayang part ng buhay mo ay siya ring wawasak sa simpleng pangarap mo?