chapter 8: Hello mommy ✔️

65.5K 827 13
                                    

Chapter 8



Shayphan's



Anong on the way?

Napatingin pa ako kay Carl na mukang namumuti sa sobrang pagkagulat, naka nganga pa siya. Tapos lumingon siya sa gawi ko at napasulyap sa tiyan ko na ikinapagtaka ko pa ng sobra-sobra.

"You're pregnant Phannie?" Carl murmured afterwards.

PREGNANT?

Ngayon ay parang ako naman ang napanganga sa sinabi nito. B-buntis ako? Pero paano?! Hindi pupwede, kapag nagkataon kay Gareth ang batang ito.

"Mister, wag masyadong bibigyan ng stress itong girlfriend mo at dapat ay mahaba ang pasensya mo dahil sa ganyan talagang buwan o weeks lumalabas yung cravings nila o paglilihi ika-nga nila" patuloy na sabi nung doktor habang nakatungo at may kung anong isinusulat sa papel.

Pagkatapos niya magsulat ay iniabot naman niya iyon kay Carl na mukang mas na shock pa ata sa kaalamang napag kamalian siya ang ama ng dinadala ko. Hala ka! Patay talaga ako ngayon‼

Tahimik lang ako sa buong duration habang si Carl ang tila umiintindi sa mga pinag sasabi ng doktor. Pagkatapos ay lumabas na din kami at saka sumakay sa kotse ni Carl, naiwan kasi namin sa school yung car ko.

Parang lumulutang pa din ang pakiramdam ko, di ko alam kung ano ang sasabihin ko, ang mararamdaman ko, at kung ano ang gagawin ko.

Pero bigla akong napapiksi ng hawakan ni Carl yung kaliwang kamay ko na para bang sinasabi niyang kaya ko to. Kaya hayun! Napaiyak nanaman ako. Tapos niyakap ako ni Carl.

"What am I gonna do? A-ang tanga-tanga ko talaga!" patuloy lang ako sa pag-iyak, pero si Carl tahimik lang.

"T-tulungan mo ako, Carl. Di ko alam ang gagawin ko"

"O-okay, pero Phannie, sana tulungan mo din ang sarili mo. At kung kailangan mo ng makakasama palagi lang akong nandidito. Wg mo sanang kakalimutan iyan"

Tumango lang ako at saka patuloy na umiyak, di ko kasi alam kung sasabihin ko ba kay Gareth ang tungkol dito. Matatanggap niya kaya?

Hinatid na lang muna ako pauwi ni Carl sa condo ko at saka niya hiningi yung susi ng kotse ko, siya na daw ang bahalang mag-uwi nun pabalik dito. Wala pa rin sa sarili na tumango na lang ako at saka nahiga sa kama ko.

Hinahatak nanaman kasi ako ng antok. Siguro dahil din sa baby kaya palagi akong inaantok at tinatamad ngayon. Napangiti na lang ako ng lihim ng maisip na baka maging tamad din yung magiging baby ko pag nagkataon.

Ipinikit ko na lang yung mga mata ko at saka mahimbing na natulog.

Gareth's

Pagkaalis ng kotse ni Phannie ay naiwan akong hungkag at nanggagalaiti sa galit. Anong ibig niyang sabihin tungkol sa pakikipag halikan ni Shaine kay Aki? Nilingon ko si Shaine na tila gulat na gulat na ewan habang nakatulala pa din sa kawalan.

Hinatak ko na siya papasok ng kotse ko at saka tahimik na nag drive papunta sa school, wala na din akong pakialam kung ma late man ako ngayon dahil gusto ko na talagang makausap si Aki. Pagka park ko ng kotse ay lalabas na sana ako pero pinigilan nanaman ako ni Shaine sa braso.

"S-sino siya, Gareth?" mahinang tanong ni Shaine habang nakatingin sa unahan ng kotse.

Ano bang klaseng tanong iyon?

"Di ko siya kilala" naiinis na sagot ko na lang dito.

"Are you sure? Di mo nga ba talaga kilala si Shayphan Edrillan Cheng?"

"Para saan ba ang question and answer portion na ito?!" nag-iinit na talaga ang ulo ko, at kagagawan nanaman ni Phannie ito!

"Galit siya sa iyo,at di niya gagawin ang ginawa niya kanina kung wala kang atraso sa kanya. What happened Gareth?"

Napakunot noo ako sa mga pinag sasabi niya, idina-divert ba niya ang topic sa tungkol sa amin ni Phannie? Eh, yung kissing scene nila ni Aki, bat parang hindi niya pinoproblema samantalang pakiramdam ko ay kalat na kalat na iyon sa buong campus.

"Di ko siya kilala, at wala akong atraso kanino man! Eh, yung tungkol dun sa sinabi niya, di ka ba nababahala dun? It seems that she know something fishy. At maging kay Aki ay nalalanghap ko iyon" bigla akong nagulat ng lumipad sa pisngi ko yung palad ni Shaine at saka niya ako tiningnan na puno ng hinanakit.

"How dare you Gareth! Naniniwala ka ba sa mga pinag sasabi nila? Ginagawa lang nila iyon para siraan ako, para magkasira tayo‼"

Agad niyang binuksan yung pinto ng kotse at agad na lumabas dun.

Susundan ko sana siya pero agad ding nagbago ang isip ko ng makita ko ang isang lalaki na may buhat buhat na babaple, at kung hindi ako nagkakamali ay si Phannie iyon. Ano nanamang drama ito? At sino ang lalaking may buhat sa kanya? Boyfriend niya?

Bakit pa ba ako nag-alala sa babaeng iyon samantalang sa dami ng lalaking humahabol diyan ay malamang na marami pa ring tatanggap sa kanya kahit sabihin pa nilang ako na nag nakauna sa kanya.

Lumabas na ako ng kotse ko at sumandal lang sa pintuan niyon. Inilabas ko din yung sigarilyo at lighter ko sa bulsa, di ko alam kung bakit pero na te-tenssed ako. Habang tila nag-iinit yung ulo ko sa nasaksihan. Nakita ko na ipinasok nung lalaki si Phannie sa isang kotse na kulay maroon, at nag mamadaling umarangkada ang sasakyan niya papaalis.

Nakakapang-init ng ulo na makitang may ibang lalaki na naka hawak sa kanya, pero ano bang karapatan ko para maramdaman ito? She's not even my type for pete's sake!

Hinagis ko na lang ulit yung sigarilyo sa lupa at saka iyon inapakan para mamatay yung upos.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa likod ng eskwelahan wala na akong balak pang pasukan yung mga klase ko.

May ilang estudyante akong nakita na nagkalat sa likod ng school, mga nakatambay din sila duon. Naupo na lang ako sa isang bench at saka ko inilabas yung laptop ko para mag surf. Ang boring kasi.

"Pareng Gareth!" napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin.

Si Luke, ka team-mate ko din sa basketball slash close friend ni Shaine.

"Si Shaine?" tanong niya kapag kuwan.

"Nasa room na niya"

"How is she?" seryosong saad nito.

"Good" anong klaseng tanong iyon? Nagkikita naman sila ahh..

"Mabuti naman"

"Bakit?"

Di siya sumagot, ngumiti lang at saka na din nagpaalam dahil may pasok pa daw siya. Ang gulo din naman ng isang iyon. Nakakapanibago.

Ng wala na akong maisip gawin ay tumayo na din ako at saka ko na lang inabangan sa tapat ng kotse ko si Shaine. Half day lang kasi ang pasok niya sa tuwing ganitong araw. Pero halos ilang minuto pa lang ako sa kinatatayuan ko ay napansin ko nanaman yung lalaking may buhat kay Phannie kanina. May kinausap lang siyang isang lalaki at maya-maya pa ay bumalik na ulit siya sa loob ng sasakyan. But this time yung kotse naman ni Phannie yung sinakyan niya paalis.

Nasan naman kaya yung bababeng iyon?

Aish.. ba't ko ba hinahanp?

Ang gulo ko din eh.

The cost of my VIRGINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon