Shayphan's
Bigla akong napabangon sa higaan ko ng marinig yug pagpalahaw ni Grapes mula sa nursery room niya. May connecting door yung nursery sa kuwarto ko kaya agad din akong nakarating sa kuna niya at saka siya binuhat-buhat.
Napalingon ako sa wall clock na Winnie tha pooh at saka pa ako napaungol ng makitang ala's kuwatro pa lang ng madaling araw. Six months na ding ganito si Grapes mula ng ipanganak ko siya kaya medyo sanay na din ako sa pag ta-tantrums niya sa madaling araw.
Tiningnan ko yung muka ni Grapes. Nakapikit na ulit ito, mukang namiss lang na naman ako ng isang ito. Kinapa ko din yung pampers niya, medyo puno na din ng wee-wee. Maya-maya ko na lang siguro papalitan pag nagising na talaga siya sa umaga.
Ilang ulit ko pa siyang inugoy-ugoy sa braso ko bago ko napagdesisyunan na ibalik na siya sa crib niya. Pero yung likod pa lang niya ang nailalapat ko sa higaan ay umungot nanaman ito ng iyak. Kaya hayun, binuhat ko nanaman siya.
Bigla akong napapitlag ng biglang bumukas yung ilaw ng kuwarto ni Grapes at pumasok sa maindoor niyon si Mommy habang itinatali pa yung sash ng robe niya.
"What's wrong with your baby, honey?" tanong niya pagkalapit sa amin. Ipinasa ko sa kanya si Grapes.
"Maybe she's just looking for me.Did she wakes you up when she cried?"
"Yeah, but its okay honey. You can go back to your sleep now, and leave this naughty girl to me. Don't worry I will take care of her" nakangiting sabi ni Mommy. Pero nahihiya naman ako kaya tumanggi na lang ako at saka siya niyaya na humiga muna sa bed ni Grapes para makapag kuwentuhan tutal di na din naman ako inaantok pa.
"How's your work?" kapagkuwan ay tanong ni Mommy habang pinapatulog pa din si Grapes na half asleep pa lang.
"Good, kaya lang medyo na mimiss ko na din yung pamamalakad ko sa resort ko. I think maybe I should go back there now"
Mukang nagulat si Mommy sa sinabi ko pero maya-maya pa ay lumabot na ulit yung expression nito at saka ngumiti sa akin. "Maybe you're right, but I'm going to miss this little creature over there if you both go back in Philippines" hinalikan pa niya sa noo si Grapes.
"We're going to miss you too Mommy" niyakap ko siya at saka ko isinandal yung ulo ko sa balikat niya.
"Pero paano mo naman sasabihin sa ama ni Grapes ang tungkol sa kanya"
Napapiksi ako sa tinuran nito. Hanggang ngayon kasi ay wala pa din talaga akong balak na ipaalam kay Gareth ang tungkol dito. Baka nga may-asawa na din yun ngayon lalo pa at mahal na mahal niya si Shaine.
"Di ko po alam" that's true, di ko talaga alam. Siguro sasarilinin ko na lang si Grapes forever. Kahit alam kong napaka unfair nun para sa anak ko.
Hindi na ako nangangamba pa sa magiging reaction ni Pichie dahil nuon pa niya nalaman yun every Friday kasi ay palagi kaming magka chat at duon ko nga lang sinabi yung dahilan ko ng paglayo. Nagulat din siya ng malamang si Gareth ang ama, halos himatayin pa nga siya eh. Pero na excite siya nung nanganak ako kasi palagi kong ipinapakita sa kanya si Grapes.
Tapos si Carl naman now and then ay palagi siyang bumibisita sa aming mag-ina. Nag tapat na din siya sa akin ng tunay na nararamdaman niya. Ine-expect ko na yun nung una pa lang at natuwa pa nga ako ng sabihin niyang willing siyang maghintay at handa din daw siya magpaka ama kay Grapes.
Familiar na nga din si Grapes kay Carl at natawa pa ako nung vinedeohan ni Carl si Grapes habang tinatawag ni Grapes na 'dah-dah' si Carl. Close din silang dalawa kasi nga more on na mga business transactions ni Carl ay dito niya sa States isinasagawa. May family business kasi sila at nandito sa Sates yung main branch niyon.
Kaya lang next week ay uuwi na ng Pilipinas si Carl kaya nga bigla kong naisip din na bumalik na dun.
Idinaan ko na lang sa buntong hininga ang gumugulo sa isip.
BINABASA MO ANG
The cost of my VIRGINITY
عاطفيةPaano kung yung gabi na inaakala mong magiging pinaka masayang part ng buhay mo ay siya ring wawasak sa simpleng pangarap mo?