chapter 10: Lies and painful ending ✔️

64.8K 830 11
                                    

Chapter 10


Shayphan's



Andito si Pichie sa condo ko, nagulat siya nung sabihin ko na uuwi muna ako sa States kasama ni Mommy. Pero hindi ko pa ring magawang sabihin yung tungkol sa kalagayan ko. Natatakot kasi ako na baka ipaalam niya kay Gareth ang tungkol dito.

Kilala ko si Pichie, ayaw niyang naaagrabyado ako. Na pag desisyunan ko na ding palakihin na lang ng mag-isa ang baby ko. Ayokong ipaako na lang ng ganun kay Gareth ang pangangalaga sa bata kung sa una pa lang alam ko na na hinding-hindi niya maiiwanan yung girlfriend niya.

Kahit masakit ay pinilit kong panindigan iyon. Just for my baby's sake.

"Umamin ka nga Phannie, anong nakain mo at uuwi ka na lang bigla-bigla sa nanay mo? For pete's sake! One month na lang graduation day na din natin! Bat di mo na lang ipag paliban iyan?"

"A-ayoko na kasi dito, don't get me wrong Pichie pero ayoko din sanang mahiwalay sa iyo. Kaya lang na miss ko na kasi agad si Mommy. Matagal ko na din siyang hindi nakikita. Sana naman maintindihan mo iyon"

Hindi na sumagot si Piichie pero rinig na rinig ko pa rin yung pag buntong-hininga niya.

Kasalukuyan kasi akong nag liligpit ng mga gamit ko ngayon. At pilit ko mang itago pero ngayon pa lang ay nalulungkot na ako sa kaisipang iiwan ko si Pichie.

"Friend naman, wag ka namang ganyan. Hindi mo ba ako ma-mimiss?"

"Ano ka ba?! Mamimiss kita nuh, at tsaka may Skype naman di ba? may Fb at Twitter pa!" tinabihan ko na siya sa sofa at saka inakbayan.

"Ilang dekada ka naman titira sa malayong lugar na iyon?" nakabusangot pa ring sabi niya.

"Saglit lag naman, mga two or three years lang"

"Whaaat?! Lintek, akala ko two months ka lang dun, ano bang problema mo? May pinagtataguan ka ba?"

Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Kahit best friend ko siya ay dapat siguro sa susunod ko na lang aaminin ang bagay na ito.

"W-wala nuh!" hinampas ko pa yung braso niya ng mahina.

"Ay naku, baka naman na broken hearted ka?''

"Haller! Mas lalong hindi, na miss ko lang talaga si Mommy that's all as in period"

"Okay, pero wag mo akong kakalimutan huh?! Mag chat tau palagi"

"Ay, oo naman ikaw pa"

"Tama, ako pa"

"Tulungan mo na lang akong magligpit Pichie para may pakinabang ka"

"Okay, fine!"

Pagkatapos namin magligpit ay siya namang pagdating ni Carl sa condo at tila maging ito ay nagulat sa naging pasya ko. Natuwa naman ako kasi ngumiti lang siya at saka sinabing dadalaw-dalawin na lang niya ako sa States kapag may free time siya.

Nilantakan namin ni Pichie yung mga fruits na dala-dala ni Carl na pabulong namang sinabi sa akin ni loko na para daw yun kay baby. Haayyy, kung sana ay si Carl na lang ang ama ng magiging anak ko eh di bongga! Baka siya pa ang mag demand ng responsibilidad para sa bata.

Eh kaso,

Hindi...

Yun yung masakit dun...


Gareth's

Hindi ko na ata nakikita pa sa eskwelahan si Phannie. Nung huling kita ko sa kanya ay yun pa nung may lalaking buhat-buhat siya. May sakit kaya siya? Pero bakit ko ba masyadong pinag-iisip yung isang iyon, for sure ay tinatamad lang pumasok yun.

The cost of my VIRGINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon