Chapter 9
Shaine's
Matapos ko sampalin sa pisngi si Gareth ay parang bigla na naman akong tinubuan ng takot sa dibdib. Na co-confuse din ako kung paano ba kumalat yung tungkol sa halikan nayun? Lintek kang Aki ka, if I didn't know he must be the one who tell it to everybody on that damn party.
Pag-akyat ko sa room ko ay napansin ko si Luke na masayang nakikipag kuwentuhan sa isang babae na malamang ay classmate niya. Mabilis akong pumasok sa room ko bago pa niya ako makita, namula din yung pisngi ko sa sobrang inis.
Luke is my best friend, and actually ay bata pa lang kami magkasama na talaga kaming dalawa. Close kami as in sobra, but that was before I confessed to him of what I feel. Muntik na naman akong mapaiyak ng maisip na paulit-ulit na lang niya akong ni re-reject at sinasaktan sa pamamagitan ng pag patol niya sa kung sinu-sino na lang na mga babae.
At nasa ganuong kalugmukan ako ng makilala ko si Gareth two years ago, niligawan niya ako. At kahit wala akong nararamdaman sa kanya ay sinagot ko pa din siya sa pag-aakalang mag seselos si Luke at aagawin niya ako pabalik sa kanya. But that didn't happened, at halos isumpa ko din yung araw na sinabihan pa niya ako na wag na wag ng pakawalan pa si Gareth.
Until that stupid party came up. ...
*FLASHBACK*
-
-
-
-
-
-
HINDI ko isinama sa party ng isa sa mga classmate ko si Gareth dahil wala naman ito at hindi ko rin siya mahagilap. Balak ko pa namang isauli itong susi ng condo niya, ilang ulit ko na din siyang tinawagan but he didn't even bothered to answer it.
Masaya naman yung party at sa kalagitnaan ng gabi ay medyo nagiging wild na yung iba, nag kanda walaan na din yung ibang magkakasintahan. Pero wala akong pakialam sa kanila at tanging na kay Luke lang ang paningin ko sa buong duration ng party. I didn't expect to see him here in this party that's why I got surprised when I heard to one of my classmate that Luke Severino is coming together with his new girl.
Halos mabasag na ang hawak-hawak kong wine glass sa sobrang panggigigil ko sa nakikita ko. Nanduon si Luke kasama ng bagong hitad na napag alaman kong Carla ang name. Damn that wench!
"Shaine, are you okay?" narinig kong tanong ng isa sa mga kausap ko na kanina pa pala salita ng salita at tanong ng tanong sa akin pero tila naging bingi lang ako dito.
"H-huh? Yeah, I'm f-fine..."
"Sino bang tinitingnan mo diyan ta parang maiiyak ka na sa galit?"
Hindi ko na siya sinagot at saka ko inisang lagok yung wine na kanina ko pa pala hawak. Kumuha ulit ako ng bago at saka ko lang ulit inisang lagok yun, kailangan ko ng pam palakas loob, and I will just get that from this drinks.
Ng halos parang nag i-spin na yung paligid ko ay saka ako nag lakad papunta sa gawi ni Luke. Mukang nagulat din ito ng makita ako na papalapit sa kanya, huh! Hindi ba niya alam na kanina ko pa sila pinapanuod?!
Ng makalapit ako ay iniitsa ko palayo kay Luke yung braso nung babae na biglang nagulat sa ginawa ko kaya hindi siya nakapag handa. Nilingon ko si Luke at saka ako yumakap sa katawan niya, ang bango... namimiss ko na talaga ang lalaking ito at hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko!
BINABASA MO ANG
The cost of my VIRGINITY
RomancePaano kung yung gabi na inaakala mong magiging pinaka masayang part ng buhay mo ay siya ring wawasak sa simpleng pangarap mo?