Chapter one

244 11 23
                                    

Chapter one.

"Baby kong si Luigee...Imagine the garden, imagine gumamelas! Imagine butterflies.... Be the butterfly, fly like a butterfly!"

Yan yung bulong sakin ng Tita Heidi ko nung grade 3 pa ako. May play kami nun sa school tapos ako yung butterfly. Extra lang ako pero cinareer ko na pag arte ko dun, may plus daw kasi sa grade sa arts and English subject pag ginalingan namin sa pag arte sabi ng teacher namin, tutal siya naman adviser namin. From then on, naging active na rin ako sa mga school play namin. Hindi na ako extra, nagiging lead role na rin ako, tapos makalaunan, medyo nagdevelop na skills ko at nakakapagsulat na ako ng mga script at minsan ako na rin nagdidirect ng mga drama namin. Putok sa buho ako kung tutuusin kasi yung magulang ko wala silang hilig sa mga acting- acting (mga doctor sila sa ibang bansa), hindi ko sila kamukha, at iba talaga kami ng mga hilig.

Actually, hindi nga nila alam na minsan nabebenta ko yung iba kong mga script. Higit pa dun, na feature na rin sa local theatre yung iba. Hindi ko na lang bini-big deal sa kanila kasi wala lang sa kanila yun, hindi nila naiintindihan kung gaano ka importante sa akin yung theatre arts. I just love it. Buti, si Tita Heidi (second cousin ng papa ko) siya yung nag-iisang relative ko na todo support sa passion ko. Ang maganda pa dun is nagtatrabaho siya sa isang entertainment agency na sikat. Kung tutuusin, yung iba kong mga stories and script ay nabenta ko sa kanila.

Ipapasok na sana ako ni tita Heidi sa acting agency pagdating ko ng 15 years old, pero kumontra magulang ko kasi iprioritize ko na lang daw ang pag-aaral ko. Ngayon, 20 na ako at may isang taon pa ako sa college.

By the way, ako nga pala si Luigee, babae ako at pinangalan ako sa kapatid ni Mario na si Luigi (yung palaging naka green). Uso daw kasi yung Super Mario nung buntis si mama sa akin. Ayoko ng name ko kasi parang ang awkward. "Gee" na lang ang pinapatawag ko sa akin kahit di ko pa rin type. Wala na ako magagawa, name ko yun eh, baka ikasikat ko pa yun.

Heto ako ngayon, medyo nag li-low na sa pagsusulat at pagsali sa plays. Last performance ko was before I graduated from highschool (approx. 4 years ago) and the only mode of writing I am in now is through random, unused tissue papers and my planner. Siguro naging busy na rin ako sa school at malayo na rin yung course ko sa hilig ko (science course kasi ako).

Natatakot na rin ako kasi baka nangangalawang na ako sa talent ko, pero pangako ko sa sarili ko na paggraduate ko, as in yung moment na pagyapak ko sa labas ng PICC, tatawagan ko na si tita Heidi at papasok na ako sa industry kung asan siya... that is, sana tanggapin pa niya ako kasi ilang taon na rin since last kami nag usap.

"Gee! Nanood ka ba ng talk show kagabi? Nandun si Storm! Waaah!!" sigaw ni Mandy (kaklase ko) sakin pagpasok ko sa classroom. "Sige na Gee... pakilala mo na sarili mo kay Storm."

"bakit ko naman papakilala ko sarili ko kay Storm? Random ah."

"Kwento kasi nila sakin yung tita mo daw, nagtatrabaho dun sa industry kung saan maraming artista."

"Ah. Oo nga pero hindi ako nagpapalakad sa tita ko kahit crush ko na yung artista. Nakakahiya kasi. May star complex pa yung mga yun."

Kilig na kilig sila oh. Pati rin ako nahahawa sa kilig.

Pero sa totoo, crush ko talaga si Storm. Actually, nung unang lumabas siya sa t.v medyo naging crush ko na siya pero ayoko lang seryosohin kasi ayoko mabaliw sa isang artista. But lately, nung sumisikat nanaman siya hindi ko mapigilan sarili ko na kiligin pag nakikita siya sa commercials, billboards, at pag naririnig ko siya sa jeep pag pinapatugtog mga kanta niya. Hindi talaga maiwasan eh. Automatic na mapapangiti ako ng onti, medyo weird, I know, nakakahiya.

"Pero pano nga pag naging kami ni Storm?" tanong ko kay Denise (friend ko), na walang ginawa kung hindi tumawa at tignan ako ng masama.

"In your dreams." Sagot niya.

Loveteam of the yearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon