Chapter nine

63 6 5
                                    

Chapter nine

Sa Batangas napili ni Ivan magcelebrate ng birthday with fans. Sinama na rin niya yung mga crew at cast, tutal, kanila naman yung resort kung saan kami magstay. Para kaming magbarkada, ramdam na ramdam yung excitement sa van at wala nang kaming iba pang ginawa kung hindi tumawa, kumanta sa music, at matulog. Nirerecord pa nga namin yung paghilik ni Ivan kasi sobrang lakas.

“So, pano nagwowork itong fans day?” tanong ko kay Celine na busyng busy sa pagreretouch.

“Wala tayong restrictions dapat sa kanila, treat lang natin sila as friends. Papicture kung gusto nila ng picture, wag mo lang ibibigay yung personal info mo like cellphone number, email blablabla..”

“You can do it Gee, mabait ka naman eh. Excited nga ako tignan kung paano magreact si Yvanna mamaya pag nilapitan siya ng mga fans.” Dagdag ni Sharmaine.

“I would pay just about anything, makita ko lang na makihalubilo yung Yvanna na yun sa fans niya.” sabi ni Celine. Nagtaka naman ako, paano nagkaroon ng fans si Yvanna kung hindi siya in touch sa kanila? Itatanong ko pa lang yun nang biglang sinagot na ni Sharmaine yung tanong ko. “She’s always letting her assistant do all the P.Rs. In short, yung kausap ng mga fans niya ay yung P.A niya, as in, all the time.”

Just at that moment, tumigil na yung van at nagtinginan na kaming lahat. “Nandito na tayo?!” tanong ko. Para kaming mga batang sabik na sabik sa candy nung bumaba kami sa van at manghang mangha sa tumambad na resort sa amin, napakalakas rin ng simoy ng hangin kaya feel na feel namin ang ‘little vacation’ na ito (kahit ni minsan ay hindi siya tinawag na vacation).

“Happy birthday, Ivan!” biglang sabi ni Storm habang tumatakbo na papasok sa hotel. Sumunod na rin kami sa pagtakbo habang binabati si Ivan nang hindi man lang siya tinignan sa mata. Alam kasi namin na ang mauna sa receptionist ang makakakuha ng magandang room sa hotel.

“Tignan mo nga naman, mahal na mahal nila ako.” Sabi ni Ivan sa sarili niya.

Si Storm and Celine yung mga nakakuha ng mga solo na room, kami ni Sharmaine ay mag roommates at syempre solo na rin si Ivan, given na yun. Maya maya pa, dumating na yung kotse ng mga fans club. Nagdala pa sila ng mga tarp nila at tuwang tuwa nung nakita kami, naghiyawan at tumakbo kaagad sila sa amin para bumati at magpapicture.

“Ate Lugiee!! Ang ganda ganda mo po!!” sabi ng isang babaeng kaagad na yumakap sa akin.

“Opo! Finofollow po kita online!” sabi naman ng isa.

Kilig na kilig din yung mga babaeng dumagsa kela Ivan and Storm. Hindi ko na nga sila makita sa sobrang daming taong nakapaligid sa kanila eh. Natawa na rin ako, at the same time, hindi ko mawari yung nararamdaman ko. Overwhelmed na siguro ako nun, medyo kinilabutan na rin ako sa tuwa at bagong feeling na ito.

“So, saan mo gusto matulog? Sa bed na malapit sa balcony, o sa bed na katapat ng t.v?” tanong sa akin ni Sharmaine the moment na nilapag namin yung mga bag namin sa floor ng room. Napakabango at refreshing ng dating ng place namin, almost everything was in white. The sheets are white, the sofa, the flowy curtains, and even the walls. Amoy na amoy ang bakasyon.

Pinili ko yung bed sa tabi ng balcony para kita ko yung sunrise bukas ng umaga. Corny, pero there’s something about nature that amazes me. Tinignan ko yung orasan sa kwarto, 3pm na pero hindi pa kami naglulunch. Mukhang wala na ring balak kumain yung mga kasama ko dahil excited na sila sa fans party.

Kumatok sila Ivan and Celine sa room namin at niyaya kami lumabas “San ba tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad kami sa hallway. “Basta, wag kayo maingay.” Sagot ni Ivan habang kinukuha yung masterkey sa bulsa niya. Nagstop kami sa room na pinaghihinalaan kong kay Storm. Dahan dahang binuksan ni Ivan yung pinto.

Loveteam of the yearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon