Chapter thirteen

46 3 1
                                    

 The characters and events in this story are fictitious; any relation to real life is coincidental. 

Copyright © Tinafern 2014 All Rights Reserved. No part of my works may be reproduced and copied without my consent.

Chapter thirteen

“A star as bright as you deserves a dress like this for the premiere night.”

-          your number fan

May nag-iwan nanaman ng kahon sa doorstep ko. Dapat pala nagkabit na ako ng cctv sa front door ko para malaman kung sino nga ba yung mga nag-iiwan ng regalo sa bahay ko.

My only clue was ‘your number one fan’ which leads me to Paul. Siya rin naman yung nagbigay sa akin ng notebook in the first place nung una pa kaming nagkita, so baka inipit lang niya doon yung sulat. Sinabi rin niya na siya nga yung mga nagpapadala ng mga regalo. Kung si Storm naman, possible pero mukhang hindi rin kasi sa mga kilos niya na pa cool lang sa set. Hindi man niya ako kinakamusta at parang wala siyang hints na binibigay na kung siya nga yung nagbibigay ng mga regalo at sulat. Nag-isip ako, malaki pa rin yung chances na ibang tao pa rin yung magbigay. Paano kung may binigay nga si Paul pero ibang tao naman yung nagbigay ng mga ibang gifts? Paano kung isang crew or fan pala yung responsible sa mga ito?

Tinignan ko yung bigay niya sa akin at muling namangha sa dress na nakapaloob sa box. Sikat na designer pa yung gumawa, siguro may kaya yung secret admirer ko. I ran my hands through the soft fabric of the dress, it was awesome.

Ang galing din makiramdam ng secret admirer ko na yun. Kakaisip ko lang kanina bago umuwi kung ano ba yung pwede kong isuot para sa premiere night, sakto may iniwan na siyang sagot sa tanong ko, right at my doorstep. He’s amazing, knows me so well.

Tumawag si Tita Heidi para sabihin kung ano yung mga gagawin namin bukas, maaga pa lang daw ay dapat gising na ako. pagdating ng hapon daw kami susunduin para makapunta sa appointment namin sa isang salon at doon na rin kami magbibihis.

Premiere night (day)…

“Tita, asan na po sila?” tanong ko pagpasok ko sa car ni tita Heidi. “Akala ko po sabay sabay kaming pupunta sa salon?”

“Nauna na sila, nasira kasi yung van kaya nag-offer si Ivan sa kotse niya.”

“Ah ganun ba…”

“Salamat, Gee. We couldn’t have done this without you na rin.” Napatingin ako kay tita habang nagddrive, nakangiti siya at mukhang naginhawaan compared sa itsura niya months before magawa itong movie na ito. Dati, kitang kita na stressed siya sa mga dapat asikasuhin sa production ng film, ngayon, parang nakahinga or nabunutan na rin siya ng tinik.

“Thank you rin po.” Sagot ko.

“Matagal na rin kitang hindi nakamusta bilang pamangkin ko. Masyado na tayong naging busy… kamusta na?” tanong niya sa akin. Sa sobrang dami ng pwede kong sabihin, from school to acting, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

“May namimigay po sa akin ng mga regalo.” I blurted out.

“Really? Nice naman, fan? They must like you!”

Natawa ako, “Opo, lagi na lang po. Nakakakilabot na rin po minsan tita, kasi sa bahay ko iniiwan.”

“Hm?! Sa bahay? Edi kung sa bahay niya iniiwan baka hindi mo fan yan. Baka kaibigan mo lang yan? Wala namang nakakaalam ng bahay mo.”

Oo nga noh. Never pa naman akong nakakita ng fan sa labas ng bahay ko. Isa pa, sobrang secured ng subdivision kung saan ako nakatira. Biglang may sudden rush of thoughts na pumasok sa utak ko, kasabay na rin nun syempre yung mabilis na pagtibok ng heart ko.

Loveteam of the yearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon