Chapter three
So, ayun. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung puso ko na nagbbreak.
Ok, that was corny.
But that was how it really felt. Akala ko may chance pa naman ako (kahit onti, like one in a million) kay Storm. Sabi ko na nga ba eh, yung mga lalaki na katulad niya ay imposibleng walang girlfriend. At dahil nanaman sa pag-eexpect ko, ayan tuloy, nasaktan ako.
Nawalan tuloy ako ng drive na pumasok sa set everyday.
I knew that this was too good to be true. A few days ago sa shooting, nakita ko nanaman sila sa hallway nung breaktime. As always, pinagmasdan ko si Storm, inaalagaan niya talaga si Kate. Kumukuha siya ng snacks and drinks para sa kaniya. Siya pa nga yung nagbubukas ng chips at nagtutusok ng straw sa tetra pack na binigay niya kay Kate eh. Kulang na lang paypayan niya at punasan niya ng pawis ang girlfriend niya. Pero hindi naman ata pinagpapawisan si Kate, ang bango pa niya. Sa susunod, makapagresearch nga kung ano ang secret sa pagiging pawis free and ‘amoy araw’ free in a tropical country.
“Oh, dahan dahan. Baka matunaw.” Bulong ni Ivan, galing siya sa likod ko.
“Ang ganda niya noh?” sabi ko.
“Hm?” nagtaas nanaman ng kilay si Ivan. Pinag isipan nanaman niya ang magiging sagot niya.
“Di ko type.” sabi niya.
“What’s not to like?” nacurious din kasi ako.
He shrugged his shoulders and shook his head slowly before speaking.
“I don’t know, I guess girls like her seem cliché already. And iba talaga type ko.”
“Eh ano ba type mo? Baka type mo ako!”
“Syempre hindi rin.” Medyo ouch.
“Eh ano?”
“Ako na lang nakakaalam nun. Minsan kasi the feeling that I get when I see someone I like is what keeps me attracted.”
“In short, looks don’t matter to you?” tanong ko.
“Depends. Gusto ko yung simple lang.”
Nagpapatawag na yung crew, magsstart na kasi ulit yung shooting. Tapos nakita ko na papunta na si Storm and Kate sa amin (direction kasi namin is near the entrance of the set). Ayoko na sila makita, bitter siguro, ganun. For sure kasi, magkaholding hands nanaman sila. Binilisan ko na lang yung pagpasok ko at iniwan ko na si Ivan.
The next shooting day…
Absent si Storm.
Ano naman nangyari sa lalaking yun? May sakit kaya siya? Nagpuyat ba siya at nahirapan gumising? Baka natraffic lang?
A lot were going through my head. Gusto ko kamustahin kung ano na nangyari sa kaniya at kung bakit wala siya sa shooting pero hindi naman umabot yung relationship namin sa pagiging mag text mate.
“Aligaga ang isang bata diyan..” sabi ni kuya Don. Napansin niya kasi ako patingin tingin sa paligid, hinahanap ko kasi si Storm. Sabay sermon ko sa sarili kasi hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya.
“Kung si Franco ang hinahanap mo, wala talaga yun today.” Sabi niya.
“Ha? Bakit? Ok lang ba siya?”
“Di yun papasok ngayon kasi yung shooting natin today is sa mga scenes na wala naman siya.”
Tumakbo sa amin si Lucy habang tumatawa, dala dala niya yung script at pinabasa niya sa amin yung iba niyang tinurong mga part ni Yvanna.
BINABASA MO ANG
Loveteam of the year
RomanceA story that is based on the life of a student writer named Luigee “Gee” Razon whose dream of meeting her celebrity crush turns into something more than she could imagine. Her hobby of writing landed her an opportunity of co-writing a movie which sh...