Chapter 2

13 3 0
                                    

"Tara na malelate na tayo sa first exam natin" pag aaya ni Carly, sabay sabay kami pumapasok na lima kasi lalakarin lang namin ang school dahil sabi ko nga sa inyo sa likod lang ang aming apartment.

"Anatagal ni Hans nagpapapogi pa napaka narcicist. Para daw pakopyahin sya ng katabi nya pag kinindatan nya" pagrereklamo ni arkin ngunit nakangiti naman ito

"Iwan na nga natin yung playboy na yon" umiirap na pahayag ni cheska

Pagdating namin sa school umupo na kami sa kanya kanya naming seats.

"Ano? Nagreview ka ba?" Tanong sakin ng katabi kong si jazz

"Oo naman ikaw ba?"

"Hindi. Good thing nagreview ka pakopyahin mo ko ha?" Nakangiting pahayag nya

"Tigilan mo ko jazz magreview ka tatakpan ko papel ko mamaya" inirapan ko sya

"Sus dimot! Baka mas madami pa ako maisagot sayo eh!" Pagyayabang nya

"Edi kahusay" tsaka ko sya pinalakpakan habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

Natawa lang sya at pailing iling

Dumating na ang prof namin at pinamigay na ang mga papel.

Tumingin ako kay jazz inisip ko baka nga wala syang maisagot kaya hindi ko tinakpan ang papel ko, but to my surprise, seryoso syang nagbabasa at dire diretsong sumasagot.

Nagreview naman pala lolokohin pa ko.

Ganon pa man di ko pa din tinakpan papel ko.


Pagkatapos ng exam ay nag aaya na silang magmeryenda.

"Saan tayo tatambay?" Tanong ni Arkin

"Sa gym nalang para madaming chix, training ng volleyball women mga nakashorts yon" sagot ni hans

"Tigilan nyo nga at mainit don! Huhulas yung make up ko no!" Pagtanggi ni cheska

"Sa may field nalang tayo, sumalampak tayo sa ilalim ng lilim ng punong mangga habang nagfufoodtrip kayo at ako nagbabasa" pagsabat ni yves

"Napaka lame ng suggestion mo girl! Lakas maka group of nerds ng idea mo!! Like hello??? Kaw lang mag eenjoy don!" Pagkontra naman ni Carly

"Edi wag" maikling sagot ni yves na may kasamang irap kay carly

"May pupuntahan kami ni Nami ngayon ehh , kitakits nalang mamaya." Sabat ni Jazz

"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ko

Pero inakbayan nya ko at kinalabit na parang pinaparating ay sakyan ko nalang yung sinabi nya.

"Haynako magsosolo nanaman kayong dalawa" pag irap ni yves

"Okay lang sige go! See you later!" Masayang masaya namang pahayag ni cheska

Oo nga pala naalala kong isinasama nya nga pala ako pero di ko alam kung saan ang sabi nya lang basta

Pagsakay namin sa sasakyan nya ay tsaka ako nagtanong

"Saan ba talaga tayo pupunta Jazz?"

"Sa mall" maikling sagot nya at nakangiti

"Oh anong gagawin natin sa mall?"

"Kakain" napakaikli talaga ng sagot walang kwenta kausap. Tatadtarin ko nalang sya ng tanong

"Eh bakit di natin sila sinama kakain lang naman pala don"

Back Into My Arms Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon