Chapter 7

9 2 0
                                    

Matapos kumain ay nagligpit na si Carly at Cheska since kami ni Yves ang nagprepare at sila Jazz Hans at Arkin naman ang nag ayos ng tent ay napagkaisahan na silang dalawa ang magligpit ng mga pinagkainan.

"Ehem.... baka pede namang tumulong yung wala pang ginagawa kahit ano" parinig ni Carly...

Nagkatinginan kami ni Yves

"Hoy hoy hoy Carly kayong tatlo lang nila Cheska at Kaizle ang alang ginawa kanina kundi tumunganga at rumampa no" sagot ni Yves.

"Tatlo pala kami eh, bakit kami lang dalawa ni Cheska nagliligpit? Andami dami nito" sagot ni Carly at nakataas ang isa nyang kilay na nakatingin sa patay malisya na si Kaizle.

Nagkibit balikat nalang kami ni Yves

"Jazz saan ka pupunta? Sama ko" habol ni Kaizle kay Jazz at Hans na mukang papunta na tubig para maligo.

"Wait lang Kay may pag uusapan lang kami ni Hans, guys talk you know" sagot sa kanya ni Jazz

"Alright." Malungkot na sagot nito

"Tumulong ka kaya muna dito?" Tawag sa kanya ng maldita kong kaibigan na si Carly na ayaw nalalamangan sa trabaho.

"Sure" sagot ni Kaizle at ngumiti lang ito kay Carly na para bang hindi apektado sa pagtataray nito.

Ng matapos na ang lahat sa gawain at nakapag pahinga ay napagpasyahan naming maglaro na sa tubig. Kanya kanya na kaming hubad ng mga suot at ligo.

Hinila ako ni Jazz, at lumusong na kami, inaya nya ako sa medyo malalim na part ng dagat

"Ayoko Jazz, natatakot ako pang pool lang ang swimming skills ko" natatakot kong sabi sa kanya dahil nakakatakot naman talaga.

"No, we're going there, unless you call me baby starting from now! Baby" at tsaka nya ako kinindatan pagkasabi non

Di ako nakapagsalita, at hinila nya ako...

"Wait okay okay baby. " walang nagawa kong sabi

Huminto sya sa paghila sa akin at tinitigan ako habang may pilyong ngiti...

Palapit ng palapit ang mukha nya sa akin para halikan ako...

"Jazz!!!!!" Bigla kaming napalingon sa tumawag sa kanya...

At si Kaizle yon... istorbo... kala ko pa naman magkaka first kiss na kami ni Jazz bilang mag on. Dahil yung first kiss namin sa kotse nya ay di pa counted dahil di pa kami non.

Napakamot si Jazz sa gilid ng tenga nya... at napapailing sa pang iistorbo ni Kaizle sa moment namin. Bagaman ay nakangiti pa din syang sumagot sa babae

"Yes Kai? " nakangiti nyang sagot dito...

"Hinahanap kayo ng mga kaibigan nyo, anjan lang pala kayo sa gawing malalim." Sagot nito

Lumingon kami sa di kalayuan at nandoon sila Arkin na busyng busy sa pagkukulitan at pagsasabuyan ng tubig dagat. Parang di naman kami hinahanap.

Hinahanap kami ng mga kaibigan namin o hinahanap mo si Jazz... gusto kong isatinig pero di ko na ginawa

"We're just here... having moment. Papunta na din kami jan" sigaw nya sa di kalayuang babae sa amin upang marinig.

"So I guess thats reserved for tonight baby?" Namula ako sa sinabi ni Jazz dahil sa pagkakaintindi ko ay yung halikan namin ay itutuloy namin mamayang gabi. Ano ba tong naiisip ko.

Back Into My Arms Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon