Napakaganda ng bahay nila Jazz, makikita ang karangyaan nila sa buhay.May fountain sa harap, at alagang alaga ang mga nakahugis na mga halaman.
Sa gilid ay may pool na rectangle shape
"Magpahinga na muna tayo for this night. Bukas na tayo maglibot, ibaba nyo na mga gamit nyo sa mga rooms nyo and then punta kayo sa dining area dahil nagpaluto ako ng masarap na dinner." Mahabang sabi sa amin ni Jazz.
Kasama ko sila cheska at Yves sa kwarto. Airconditioned lahat ng rooms.
"Parang hotel tong bahay nila Jazz. Ang bongga. Sobrang yaman pala talaga" Cheska.
"So tell us Nami, pano naging kayo?" Pag iiba sa topic ni Yves
"Simple lang. tinanong nya lang ako kung kami na at tumango lang ako sabi ko oo" maikli kong paliwanag.
"Imposible!! Ganon lang kasimple?" Tanong ni Cheska na mukang naghahanap pa ng magndang kwento.
"Oo ganon lang" maikli kong sagot
"Eh pano nga nangyari? Kala ko ba ayaw mo sa kanya?" Naguguluhang tanong nya
"Hindi ko sinabing ayaw ko sa kanya, ang sabi ko lang non, hindi pa muna" paliwanag ko
"Edi ibig sabihin gusto mo nga sya?" Pangungulit ni Cheska
"Ano ka ba Cheska? Malamang gusto nya. Magiging sila ba kung hindi.?" Si Yves na ang sumagot.
Umirap lang dito si Cheska
"Anyway, remember Gabby? Magttransfer sya next sem sa school natin. Dumating na sila galing states and he decided na dito na sa Pilipinas mag aral" Yves
"Omg!! Si Gabbriel? Yung cutie na kalaro natin sa village dati? Hottie na siguro sya ngayon!" Si Cheska na mukang naexcite sa balita ni Yves.
"Yup oo. Sya na nga." Maikling sagot nya kay Cheska
"Sino yun? " tanong ko nalang para makasali sa usapan.
"He's the guy bestfriend of Yves nung mga bata kami kaso nagkalayo layo kami kasi nag migrate yung family nila Gab sa states" kwento ni Cheska sa akin.
"Sa pasukan makikilala nyo din sya. Ipakilala namin sa inyo ni Yves" dagdag pa nito
"Wow ang galing ibig sabihin may communication pa kayo ni Gab kahit bata palang nagkahiwalay na kayo?" Nabibilib kong tanong kay Yves dahil ang galing nga naman di pa naman uso net non.
"Nope, actually I just saw his post. Di na kami close ni Gab" sagot ni Yves na mukang malungkot.
"Atleast friends pa din kayo sa fb" pagpapalubag loob ko nalang sa kanya.
"Oo nga at sigurado pag nakita ka non matatandaan ka pa non.! Lalo na ako. Feeling ko crush nya ko ng mga bata pa tayo eh" pagmamainam ni Cheska.
Umismid nalang sa kanya si Yves.
Bumaba na kami sa dining area at naabutan namin na nakaupo na sa hapag sila Arkin, Hans at Carly.
"Asan si Jazz?" Tanong ni Cheska sa kanila.
"Lumabas saglit sinalubong parents nya" sagot ni Hans.
BINABASA MO ANG
Back Into My Arms Where You Belong
RomanceAng pagkakaibigan nina Jazz at Nami ay nauwi sa pagkaka- IBiGAN. Pero sa relationship hindi pwedeng mawala ang mga Pa epal na maninira ng relasyon at nang nawala na ang tiwala wala na din ang lahat, kahit pa ang natitirang pinagsamahan nalang ay di...