Chapter 6

7 2 0
                                    


Nakaready na ang breakfast ng bumaba kami sa dinning area.


Kumakain na ang mga magulang ni Jazz kasabay ni Kaizle.

"Oh, ang aga nyo nagising mga hijah, kala namin mamaya pa kayo since napuyat kayo sa inuman natin kagabi kaya nauna na kami." Sabi ng mommy ni Jazz


"Maupo na din kayo at sumabay na sa amin" aya nito.


"Sanay po kami sa ganitong gising tita eh, kasi sa school po kahit minsan gumigimik kami ng gabi kailangan po naming gumising ng maaga." Masiglang kwento ni Cheska.


"Thats good to know, na kahit gumigimik kayo responsible parin kayo for tomorrow" nakangiting sagot ng mommy ni Jazz


Nagsipagdatingan na din sina Arkin Hans Carly at Jazz.


"Saan ka nagsleep?" Tanong ni Kaizle kay Jazz.


"Ahh sa room nila, ang kulit mo ayaw mo magpunta sa room mo kaya dun na ako natulog sa room ng mga kaibigan ko" sagot ni Jazz sa kanya. Namula naman ang babae.


"So-sorry lasing na lasing ako kagabi. I told you wag mo ko papainumin eh" palusot nito.


Naku if I know lasing lasingan ka lang para makatabi si Jazz. Hello nakadalawang shot ka lang!!! Sabi ko sa isip ko.


"Okay lang I understand. " nakangiti din si Jazz.


"Kumain na kayo" aya sa kanya ni Kaizle at tinapik pa ang upuan sa tabi nya.


"Maupo kana jan bro." Turo naman ni Jazz sa upuan sa tabi ni Kaizle at pinaupo don si Hans.  Umirap naman si Cheska dito.


Lumapit sa akin si Jazz at naupo sa tabi ko.


"So hows your sleep babe " tanong nito sa akin tumingin ako kay Kaizle at ngumiti.

Gusto kong sabihing... back off bitch! This guy is mine. Pero syempre inasar ko nalang sya ng ngiti dahil sakin tumabi si Jazz


" okay naman babe. Masarap tulog ko." Maikling sagot ko.


Pagkatapos kumain ay inaya kami ni Jazz sa beach nila.


Ipinaready nya sa mga kasambahay ang mga dadalin naming foods.


"Kei, join us." Aya din ni Jazz sa kababata nya.


"Yes, naman ayoko mabored dito sa bahay, kaya nga ako sumama kasi para makasama ka" ang ganda pa ng ngiti nito kay Jazz.


"Thats good" balik ngiti nito dito.


Hay naku di ako natutuwa sa ngitian nila..


"Gayak na kayo guys. Lets go na para don na tayo mag lunch" aya ni jaz sa amin.


Nagready na kami. Pasakay na kami ng sasakyan ni Jazz pero nakaupo na sa harap si Kaizle.


Kaya tatabi na sana ako kay Carly pero tinawag ako ni Jazz.


"Sorry Babe, sabi kasi ni Kai nahihiya pa sya sa barkada natin kaya sya sa harap umupo. Dont worry di naman tayo sa kanila sasabay" tsaka ako kinindatan ni Jazz.


"Manong sa resort po." At hinagis ni jazz ang susi sa isa sa mga driver nila.

Back Into My Arms Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon