Chapter 8

5 2 0
                                    

Pumasok na ako sa tent namin ni Cheska, si Yves at Kaizle ang magkasama, si Carly at Arkin at sina Jazz at Hans.


Hindi ako makatulog dahil sa pananampal sa akin ni Kaizle, di man lang ako nakaganti. Ano karapatan nyang sampalin ako? Pero okay lang, alam ko namang may dadating na moment ng pagganti ng sampal din sa kanya.


Iniisip ko pa din kung sasabihin ko ba kay Jazz o hindi. Pero sa huli ay naisipan kong ipagpabukas nalang dahil pagod na din sa maghapon.




-------------------------------

"Wake up guys... lets go island hopping!" Sigaw ni Carly at binuksan isa isa ang mga zipper ng tent namin.


Nagpunta ako sa cottage namin para magpainit ng tubig at tsaka ako naglakad lakad upang maghanap ng tindahan para bumili ng 3 in 1 coffee wala ako makita sa stocks eh.


Biglang sumulpot sa likod si Jazz


"Goodmorning baby,,, saan ka pupunta? Bat di mo ko sinasama?" Maagang pangungulit nito.


"Bibili lang ako ng kape sasama ka pa!" Maagang pagtataray ko naman sa kanya. Hindi pa din kasi ako nakakaget over sa ginawa ni Kaizle sa akin kagabi at dahil don pangit ang gising ko.


"Wag ka ngang nagsusungit, lalo kang gumaganda, lalo naman akong naiinlove, baka susunod nyan baliw na ako sayo bahala ka di kana makakawala pa" pananakot nya sa akin na alam kong ang agenda ay pakiligin ako.


Napawi naman lahat ng iniisip ko dahil sa simpleng sinabi ni Jazz kaya ngumiti na ako sa kanya at kumapit sa braso nya.


"Hmmmp kainis ka! You really know how to soften me!" Pagbibiro ko dito.


"Ofcourse I know. You're my girl afterall" nakangiti nyang sagot.

Ganunpaman di pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Kaizle na rebound lang ako ni Jazz sa kanya at sya talaga ang mahal ni Jazz noon pa. Nanlalambot ako sa isiping yon.


Pano kung totoo ang sinasabi nya?

Pano kung kaya hayagan ang pagiging boyfriend ni Jazz sa akin ay upang pagselosin lang si Kaizle?

Pano ako? At kung totoo yun di ko alam kung mapapatawad ko sya.

At pano ang pagkakaibigan namin?



Ayoko muna magjudge.. anong malay ko gusto lang pala kami pagsirain ni Kaizle diba? Kaya mag observe nalang muna ako for now.

Pagkabili ng kape ay bumalik na kami sa cottage at nagtimpla.


Nailang ako ng makita ko si Kaizle na palapit samin.


"Hi Jazz, goodmorning! Hey Nami" bati nya kay Jazz at plastic na bati sa akin.


"Guysss, tara na magkape oh?, at gayak gayak na, we have a long day" aya ni Carly sa iba pa naming mga kasama.


Nagsipaglapitan naman na sila at ininom ang kanya kanyang kape.


"I really hate coffee pero dahil timpla mo to Nami i'll take this" sabay kindat sa akin ni Cheska.


"Back off Cheska, Im starting to get jealous of you.! Ikaw na nga katabi nya kagabi eh, may pa kindat kindat ka pa ngayon" pagbibiro ni Jazz


"Oh well, It was really the hottest and awesome night Nami, thanks for making it possible!" Pagsakay naman nito.


Tawanan lang kami.


Back Into My Arms Where You BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon