Chapter 8 - Meeting Him Again

43 1 1
                                    

HELLO!! Sorry po kung ngayon lang ako makakapag update. 

Sana magustuhan niyo po itong Chapter na ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Celine's Point of View

Ba't parang may nakatingin sa akin?

Inaantok pa ako e.

"Celine, gising na. May pupuntahan tayo."

Si Mama yun a? San naman kami pupunta? Gising na talaga ako. Kunware tulog tulogan lang.

Tsaka pagod pa ako sa byahe no? Si Mommy naman e.

"Celine, gising na." 

Niyuyugyog na niya ako. Ayaw talaga tumigil e.

Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Haha, galing umarte no! Choss.

"Mommy? Bakit po?" painosenteng tanong. HAHA.

Ayaw ko talaga muna umalis ng bahay. Pagod pa talaga ako.

"May pupuntahan tayo ngayon. Magayos ka na." - Mama

"Saan Ma? Pagod pa po kasi ako ee, gusto ko muna magpahinga." - Ako

Sana gumana. 

*puppy eyes*

"Hindi pwede anak, ang daddy mo nagiintay na. Magayos ka na. Bilisan mo." sabi ni Mama, tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Kainis naman di gumana yung pagpapcute ko. HAHA, pam bata kasi e.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Naligo at nagbihis.

Nagayos ng buhok tapos bumaba na ako.

"Ang ganda talaga ng anak ko." - Daddy.

"Salamat po, ay nga pala Dad, san tayo pupunta?" - Ako

-Magddinner tayo kasama yung kaibigan ko. So let's go? Baka malate pa tayo." -Daddy

Tumango lang ako, tas pumunta na kami sa kotse.

Si Daddy ang nagddrive.

After few minutes nakarating na kami sa restaurant.  My god, kinakabahan ako ewan ko ba parang may mangyayari mamaya e.

Bumaba na kami tapos pumasok na kami sa loob, At pumunta sa table namin.

Teka bakit may 4 vacant seats pa? Di ko talaga gusto 'tong nararamdaman ko!

"Dad, sino yung friend niyo?" tanong ko, pagka upo namin.

"Intayin na lang natin sila." - Daddy.

Magkatapat kami ni Momm, tas sa gilid namin si Daddy, sa gitna.

"They're here." sabi ni Daddy. Nakatalikod ako sa may entrance kaya hindi ko makikita. At tsaka ayaw kong tingnan! Kinakabahan ako e. UGH!! Pwede ba? 

"Hi Cecil, Hi Andy." ang ganda naman niya, ambata ng itsura. Nagbeso sila ni Mommy.

"Hello Cathy, and Denver." - Mommy

Ang bata ng itsura nilang magasawa.

"Mga anak, punta na kayo dito." sabi nung Cathy, I mean Tita Cathy.

"Cecil, siya na ba yung anak mo? Ang ganda ganda niya. Manang man sayo." - Tita Cathy.

"Thank you po, by the way, I'm Celine Aly, just call me Aly po." - Ako

"Tita Cathy nalang ang itawag mo sa akin tapos Tito Denver naman sa asawa ko." - Tita Cathy

"Ah eh sige po." - Ako. 

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon