Chapter 21

4 0 0
                                    

Updated na po ang "With You"

⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪

❇Celine's Point of View❇

Its been weeks nung nakalipat kami dito sa bagong bahay. And its been weeks na nagprpretend kami ni Ian.

Mahirap, pero kailangan.

[A/N] - Guys, sana maintindihan niyo yung reason ni Celine.

Kailangan kong gawin to para kay Miko. Ilang beses ko na ba nasabi?

Nagaaral na si Miko, kinder na siya. Malapit lang sa bahay yung school niya at gusto niya na kami ni Ian ang maghahatid sa kanya.

Nagstart na rin si Ian magtrabaho sa J & S Hotel and Resort (Javier & Simon) o mas kilala na ngayong S & C Real Estates, Hotel and Resort (Simon & Castillo). Siya ang papalit kay Papa, since nag merge na ang company namin at company nila. Ako, I have a project. Magddesign ako ng bahay. Two - storey house ito.  Para sa kapatid ni RobRob, remember him? Regalo daw niya sa Ate niya na bagong kasal. Pero dito lang ako sa bahay.

"Mimi, tulong po." Napatingin naman ako kay Miko. Gumagawa siya ng assignment niya.

"Ano yun Baby?" Lumapit ako sa kanya para matulungan.

"Mimi, ano po  pangalan ni Dada?"

Nakita ko na nagddrawing siya. Isang family. Nanay, Tatay at yung anak nasa gitna. Si Miko.

"Lagay mo Ian. I - A - N"

Sinunod naman niya. Marunong na siyang magsulat at mabilis siyang matuto.

"Galing naman, uhm Baby, magluluto lang ako ng dinner natin ah" tumango lang siya at ako naman pumunta ng kusina, may katulong naman kami, nagpapatulong kami dahil gusto kong matutong magluto e.

Pagkatapos kong magluto tinawag ko na si Miko, kaming dalawa lang kumakain. Ipinagtatabi ko naman si Ian pero di ko alam kung kinakain niya tas tuwing umaga naman maabutan namin na umalis na siya. Hindi naman nagtatanong si Miko. Kasi may bonding sila tuwing weekend. Ako? Wala. Pag silang dalawa ang magkasama nandun ako sa study room / office ko ginagawa ko yung project yun ang dahilan ko kay Miko.

"Mimi, si Dada po?" Ngayon lang siya nagtanong.

"Busy si Dada mo e."

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

After naming kumain, umakyat na kami. Pinaliguan ko siya at inayos ang higaan niya.

"Mimi? Dito ka po matulog wait natin si Dada".

"Bakit naman? Maaga pa pasok mo bukas". Tanong ko. Usually 8:30 pm ang bedtime niya at ang uwi ni Ian ay madaling araw na.

Pero ang alam ko 9:00 out na. I mean tapos na ang office hours pero mga 2 or 12 na ng madaling araw kung umuwi. Inaantay ko siya at alam niyo bang hindi kami sa iisang kwarto natutulog? Ako nasa guest room siya sa Master's Bedroom, galing 'no? Nagtatabi lang kami kapag dito natutulog sina Daddy Denver. Di naman niya alam na hinahantay ko siya e.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganung oras siya kung umuwi. Pero wala naman akong karapatan. Oo, asawa ako KAPAG kaharap ang mga magulang namin at kay Miko.

"Gagabihin si Dada mo e".

"Please Mimi, dun tayo sa kwarto niyong dalawa".

Gusto kong sabihin na hindi kami magkatabi matulog. Pero ayaw ko namang malungkot si Miko, kaya dinala ko siya sa kwarto "NAMIN". Tsssssss.

Humiga kami at nagsimulang magintay. Halatang inaantok na siya pero pinipilit lang niya. Tinapik tapik ko yung ulo niya at nakatulog siyang nakayap sa akin ganun din ako. Mga 12 am na kami natulog ni Miko.

✴Ian's Point of View✴

"Bye Babe, I need to go home". Paalam ko kay Xannie.

"Bye, ingat sa pagdrdrive". Sabi niya. I kissed her one last time. Before I left her condo.

After office hours dito. Dito ako dumideretso. O di kaya sa Bar. Every weekend nasa bahay lang ako playing with Miko. Habang si Celine naman ay nasa study room. Ginagawa yung project. Yung binigay ni Roby.

Well, naawa ako kay Miko. I know that there's something na bumabagabag sa kanya.


Flashback.......

"Baby, may problem ba?"

He shooked his head as a NO.

"Baby, sabihin mo sa akin are you really okay?"

"Hindi po ako okay".

"Why?"

Naglalaro siyan ng toy cars niya na bagong bili ko para sa kanya. Actually di niya nilalaro hawak hawak lang niya at tinitingnan.


"Bakit Baby?"


"Kasi po gusto ko po kayong makalaro ni Mimi kaso kapag po naglalaro tayo nandun naman po siya sa study room. Minsan po ikaw ang wala."

Ang bata pa lang niya ganyan na siya magisip matalino siyang bata. At sobrang bait pa. Minsan nakikita ko siyang tinutulungan si Celine kapag nagluluto.

"Sorry Baby, busy lang si Dada sa work niya e." 


"Okay lang po. Dada, inaantok po ako." 

Napatingin naman ako sa orasan ko 2 na ng hapon. Siesta time na niya e.


"Halika, bubuhatin na lang kita." Ibinaba naman na niya yung mga laruan niya. At tsaka nagpabuhat.

Umakyat na kami sa kwarto niya.


Pagkababa ko sa kanya, ayun tulog na pala. Kaya pala bumigat kanina nung buhat ko siya.

Inayos ko yung kumot niya at chineck kung tama lang ba ang lamig ng AC. Tama naman kaya lumabas na ako. Sakto pagkalabas ko, kakalabas lang ni Celine galing sa Study Room. Mukhang pagod na pagod siya.


"Si Miko?" Tanong niya.


"Natutlog na." Sagot ko. Tumango lang siya at pumasok sa guest room.


End of Flashback


Pauwi na ako sa bahay. As usual nakapatay na ang ilaw sa Living Room.

Pumunta ako sa kusina, bigla akong nagutom e. Alam kong luto ni Celine 'to.

Hindi niya alam na kinakain ko yung natitirang pagkain na nasa lamesa.

After kong kumain naghugas na ako ng pinagkainan ko at umakyat na ako sa Master's Bedroom. Nagulat ako sa nakita ko. Sina Milo at Celine natutulog dito sa kwarto. First time ito.

Lumapit ako sa kanila kaso biglang nagising si Celine.


"Uhh, Ian sorry. Si Miko kasi gusto matulog dito. Ililipat ko na lang siya sa kwarto niya.


"Wag na. Tulog na tulog na si Miko. Okay lang na dito kayo matulog. Kasya naman tayo."


Di nakaimik si Celine. So, pumasok na lang muna alo sa CR para makapaligo. After nun humiga na ako. Nasa gitna namin ni Celine si Miko.


"Good Night Baby. Good Night Ian." Sabi ni Celine.

"Good Night." Sabi ko naman.

Yinakap na niya si Milo at nakatulog na agad siya. Ganun din naman ako.



-pattybels_patty

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon