Chapter 20

16 1 0
                                    

Updated na po ang "With You".

Sana magustuhan niyo po :)

⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪⚪

Celine's Point of View

"Mimi, sino po yun?" Tanong ni Miko sa akin. Ipinasok ko siya sa kwarto ko.

Bakit pa nakita ng bata iyon? Di ba niya naisip yun? Nandito yung mga magulang namin.

"Mimi, batit ta po umiitak?"

Shemay! Umiiyak? Bat ako iiyak.

"Hindi ako umiiyak, napuwing lang ako". Pagdadahilan ko. Kakarating lang namin tas ganito agad. Ang sakit pala no? Makita mo yung mahal mo na may kasamang iba.

Niyakap niya ako. Kahit hindi pa nakakatagal ng isang buwan sa amin si Miko, malapit na ang puso ko sa kanya. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Mimi, tahan na po".

Tumigil na ako at nagayos ng mukha. Para hindi mahalata.

Pagkatapos kong magayos lumabas kami na parang walang nangyari. Parang wala akong nakita sa labas.

"Oh san ka galing Aly?" Tanong ni Charlie.

"Sa kwarto. Miko, laruin mo muna si Lime". Tumango naman siya at nilapitan niya si Lime.

"Aly, kamusta ka na? Namiss kita". Sabi niya sabay yakap.

"Namiss din kita".

"Sali naman kami". Sumama sina Troy at Machie.

Mga 8 pm umalis na ang mga bisita.

"Ian and Celine, can you please come here". Sabi ni Mommy.

Lumapit naman kami na sa may salas sila.

"Ano po yun mom?" Tanong ko. Tulog na si Miko sa kwarto ko.

"May regalo kami sainyo". Sabi ni Dad.

May inabot siyang susi kag Ian. Susi ng bahay? Bakit ano meron?

"Tutal kasal na kayo dapat na sa iisang bahay na kayo titira". Sabi ni Mama.

"Bukas na bukas din umalis na kayo".

WHAT??? Bahay??

Tumango na lang ako.

"Nga pala. Aalis kami baka bukas na ng umaga ang balik namin". Sabi ni Papa ( Tatay ni Ian)

"Oh sya, alis na kami. Magiingat kayo".

Nagpaalam na kami sa kanila. At dumiretso na ako sa kwarto bahala siyang maghanap ng kwarto niya.

"Celine, pwede ba tayong magusap?" Tanong niya na ikinabigla ko.

"Pagod na ako. Pwedeng bukas na lang?"

Ian's Point of View❇

Gusto ko sana syang kausapin tungkol kanina. Pero kinakabahan talaga ako.

"Pagod na ako. Pwedeng bukas na lang?"

"Uh, sige. San ba ako matutulog?"

"Dun ka sa guest room".

Pumasok na siya agad ng kwarto.

Galit ba siya?

Hay nako!!

*Beep Beep*

Kinuha ko yung phone at may text ako.

From: Xannie Babe :*
Pupunta ka pa ba? It's already 9.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon