Chapter 18 - A Happy Family?

15 1 0
                                    

Hi Guys! I'm back! :) Di naman masyadong masaya! XD so ito na ang UD ko.

Celine's Point of View

Di ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Totoo bang ipapasyal niya kami? Bakit bigla siyang bumait? Ahh alam ko na nakonsensya  siya siguro dahil kay Miko. Tsss.

"Oy, nakatulala ka dyan!" Nagulat naman ako kay Ian.

"Sorry naman. Saan mo naman kami dadalhin?" Tanong ko. Naglalakad kami palabas ng Mall. Nasa gitna namin si Miko at nakahawak sa kamay namin ni Ian.

"Last day na kasi natin dito. Bukas ng hapon ang uwi natin." Sabi niya.

Ba't ang aga? Sabagay gusto ko rin na umuwi e.

"Napaaga naman ata?" Tanong ko pa.

"Tumawag kasi si Dad. Kailangan daw ako sa company." Yun naman pala e. Siya na pala ang hahawak ng company nila dahil mag memerge na ang company namin at company nila. Dahil ikinasal nga kami.

"Mimi, san tayo punta?" Tanong ni Miko.

"Tanungin mo si Dada, hindi ko alam e." Sagot ko kay Miko.

"Dada." Tawag niya kay Ian.

"Yes, baby?"

"San tayo punta?" Nahihiyang tanong ni Miko.

Ngumiti naman ng malapad si Ian.

"Sa Beach. Magswiswimming tayo."

"Yehey!" Ang saya naman ni Miko. Nung nakarating na kami sa labas, kinuha ni Ian lahat ng pinamili namin at siya ang nagbuhat.

"Ikaw na humawak kay Miko." Sabi niya, edi sinunod ko na lang.

Nagpunta kami sa parking lot. Nandun yung kotse ni Ian. Sumakay kami at nagdrive na siya pauwi.

"Magpalit na kayo ni Miko. Aayusin ko lang yung kakainin natin."

Tumango na lang ako at pumasok na kami ni Miko sa kwarto at binihisan ko na siya. Nagpalit narin ako. Nakasando at shorts lang ako. Lumabas na kami ni Miko at nakita namin ni Miko na nagaayos si Ian ng BBQ.

"Tara Miko.  Ligo na tayo." Niyaya na niya si Miko.

"Sige maligo na kayo. Magluluto na muna ako."

Tumakbo na silang dalawa papunta dun sa dagat. Nagsimula na akong magluto.

Tapos na akong magluto at tatawagin ko na sana sila, kaso biglang dumating si Miko.

"Mimi, tara ligo tayo."

"Mamaya na Miko, aayusin ko muna 'to."

Hinila niya ako papunta dun sa dagat at may tumulak sa akin.

"IANNNNNNNNNNN!"

Tinulak ba naman ako! Nakakainis! Ayaw ko pang maligo e.

Tawa lang sila ng tawa. Ang saya nilang tingnan. Para silang mag-ama.

"Sorry, Mimi."

Umahon na ako.

"Miko, halika dito." Mukhang natakot naman siya. Pero lumapit pa din siya.

"Mimi. Sorry."

Ang cute niya!!!!

Binuhat ko siya at dinala ko sa tubig.

"Hahaha. Mimi, huwag."

Nakisali din si Ian. Para kaming isang masayang pamilya pero hindi. Dahil hindi naman ako mahal ni Ian mahal niya ang Girlfriend niya.

At wala akong panlaban dun.

"Mimi, bat ta po umiiyat?"

Hala?! Umiiyak ako?!

"Hindi baby, tubig to."

Bigla na lang nabasa yung mukha ko. Si Ian lang pala. Ayun nagsimula na naman kaming tatlong maglaro.

Napagod din kami. Umahon na kami at kumain.

Nakakagutom.

"Mimi, Dada. Salamat po."

Natouch naman ako sa sinabi ni Miko.

"I Love you Baby." Hinalikan ko yung noo niya at niyakap.

"Hindi ba ako kasama diyan?" Tanong ni Ian.

"Dada, sama."

Yumakap na din samin si Ian.

"I Love you, Baby Miko." Sabi ni Ian.

Kahit ngayon lang naging masaya din ako. Salamat sayo Miko. Pero alam ko panandalian lang ang lahat na ito.

Natapos ang araw na masaya ako, at si Miko, di ko lang alam kay Ian.

"Dada, Mimi tabi tabi tayo."

Wala kaming magawa ni Ian at pinagbigyan na namin si Miko. Humiga na kami, pagkatapos naming mag-ayos para makatulog na.

"Good Night, baby." Sabi ko at ipinikit ko na yung mga mata ko at nakatulog na.

Ian's Point of View

Masaya ako ngayon dahil masaya din si Miko. Feeling ko ako talaga ang tunay na ama ni Miko. Pakiramdam ko na anak ko talaga siya.

"Good Night, baby." Narinig kong sabi ni Celine.

"Good Night sainyo." Hinalikan ko sa noo si Miko at ganun din si Celine.

Di ko alam bakit ko nagawa yun.

Ipinikit ko na lang din yung mga mata ko at nakatulog na.

.

Thank you po sainyo. Kitakits na lang tayo sa susunod na UD. Love you Guys and God Bless.

Comment, Vote and Share.

- ShinHaRinDae

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon