Chapter 12 - Reception ^.^

30 1 0
                                    

HELLOO~~~~~~~~~~ 

An'tagal kong hindi nag update. Sorry po ah, busy lang po e, malapit na pasukan. Baka po, hindi po ako makapagupdate, siguro every weekends na lang. :) Sana po maintindihan niyo po.

So, ito po yung next chapter sana magustuhan niyo po.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ian's Point of View

HAYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!BUHAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!

Kailangan ko pang umarte na okay kaming dalawa, kahit sa loob loob ko, badtrip na ako! Ayoko ko lang naman na magalit sa akin sina Mommy at Daddy, kaya kailangan kong umarte na okay lang sa akin yung kasal. Alam kong ganun din si Celine, ayaw din niyang magalit sina Mama. Oo, tama kayo ng nababasa, Mama at Papa na ang tawag ko sa mga magulang ni Celine.

Sila nagrequest, so kailangan kong gawin. Hayy, siguro after 2 years,magdidivorce din kami, kasi ang mahal ko naman talaga ay si Xannie. Siya lang talaga. 

At tsaka yung halika kanina? Part lang yun ng act ko. Wala akong nararamdaman para kay Celine at lalong hindi ako nagtetake advantage sa kanya. And yung sinabi ko na maganda siya? 

 

That's true. Maganda nga siya pero wala akong gusto sa kanya. And that's it.

Nandito na kami sa Hotel, for our reception. 

Syempre kami ang huling dumating.

Pagkaopen nung door, may bulaklak na naman. Pumasok na kami at naupo sa table namin. Para lang sa aming dalawa. After that, nagsimula na. Kainan, tas yung mga ginagawa kapag bagong kasal, sayawan at picture taking.

Napapagod na nga ako e.

Mga ilang oras, nagsipaguwian na din yung mga bisita. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko masyado binabanggit si Celine? Ayun kausap yung Roby, kaibigan daw niya. Kahit kausap naman niya yun nageentertain pa din naman siya ng mga guests.

Hayy.. :/ Miss ko na si Xannie.

 

Umupo ako sa may upuan malapit sa mga drinks, at humingi ako ng red wine.

 

Celine's Point of View

Pagod na ako! Kanina pa ako nakikipagusap sa mga bisita at nagpapapicture. Ang sakit na nga ng mga paa ko. Huhuhu.. Buti na lang yung ibang bisita umuwi na.

"Oh, bakit ganyan ang itsura ng paborito kong pinsan?"

Teka, si Kuya Kelvin ba yun?

Tumingala ako at hindi ako nagkamali si Kuya Kelvin nga!

"Kuya Vin!!!!" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Hi Boo." sabi naman niya.

"Buti nakapunta ka! Minessage kaya kita, di ka naman nagreply." 

"Sorry Boo, ah. Busy lang ako sa GF ko." sabi naman niya.

"GF? Ikaw may GF? ASA! Maniwala ako." pangaasar ko sa kanya.

Ayy teka ipapakilala ko muna siya sa inyo.

Siya si Kuya Kelvin, pinaka close kong pinsan sa lahat kong pinsan na lalaki. First cousin ko siya, sa side ni Mama. 'Boo' tawag niya sa akin, kasi daw ang hilig ko daw sa movie na Monster Inc. nung bata pa ako, kaya tawag niya sa akin 'Boo'. Tas tawag ko naman sa kanya 'Kuya Vin' ang haba kasi ng 'Kelvin'. OPPSS, tama na.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon