Chapter 14 - Honeymoon?! Part 1

32 1 1
                                    

HI Guyssssssssssss. I'm back.

Hehe, sorry po ahh, medyo busy lang po talaga.. So heto na ang update ko po sana magustuhan niyo po.. Salamat...

----------------------------------------------------------------------------------------------

Celine's Point of View

"Ugh!"

Nagising ako sa sinag ng araw! Teka ang sakit ng ulo ko. An'yare ba??

Ang sakit talaga ng ulo ko. Teka teka, ba't parang ang bigat ng katawan ko?! Parang may nakapatong sa akin?? 

Unti unti kong minulat yung mga mata ko at nakakita ako ng kamay sa bewang ko.

Teka, ang alam ko sa sofa ako natulog a, ba't ako nandito? Tsaka ba't may kamay?! Kanino to?!

May nararamdaman akong humihinga sa may batok ko.

Dahan dahan ako lumingon.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"

*Boogsh*

"Aray ko po!! Tsk. Ang aga aga sigaw ka ng sigaw!" reklamo niya.

Sino ba hindi sisigaw? E, siya pala yung naka akap sa may bewang ko.

Walang iba kundi si IAN!

"Anong ginawa mo sa akin?!" tanong ko sa kanya sabay hila ng kumot sa may dibdib ko.

"Wala akong ginawa sayo! Ang kapal ng mukha mo!" sagot naman niya. 

Medyo napahiya ako dun a.

"E anong ginagawa ko dito sa pinakamamahal mong kwarto?" tanogn ko pa.

"Tsk. Tsk. Inaantok pa ako! Mamaya ka na magtanong! Matutulog pa ako." 

Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Napahinga ako ng malalim.

Kapag nalaman kong ginalaw niya 'ko, mamatay siya!

Bata pa ako no?

Hayy nako pabayaan na nga lang yun wala naman maitutulong sa akin yun, maliligo na alng ako kaysa magmukmok ako dito, mamaya ko na lang siya tatanungin.

Kumuha na ako ng damit ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Amoy lalaki ako! Siguro dahil magkatabi kaming natulog at nakayakap pa siya sa akin.

AISHHHHHHHHH!!!

Ayun naligo na lang ako. Pagkatapos kong maligo nagayos muna ako at tsaka lumabas ng kwarto.

Nakita ko siyang natutulog sa sofa.

Tss. paawa effect?

Pumunta na ako sa may kitchen. Tiningnan ko kung may pwedeng lutuin dun pero wala. Walang kalaman laman yung ref. So ganito? Magstay stay kami dito ng 3 weeks ata tapos walang pagkain.

Ayoss a..

Tsk tsk.

Pumunta na ako sa kwarto at kinuha ko yung wallet ko, phone at yung susi ng bahay na ito.

Pumunta ako sa bayan para mamalengke.

Hindi ako maarte no?? Minsan kasi sinasamahan ko yung katulong namin sa bahay sa palengke. Kaya natuto ako. Kakaiba no? Gusto ko kasi madami akong alam tungkol sa gawaing bahay para hindi ako mapahiya kapag nagka - asawa ako. Asawa ko na mahal ko hindi yung asawa na inaarrange lang sa akin.

Hayy nako. Makapagsimula na nga.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon