Chapter 9 - Talk and Run away

36 1 0
                                    

Hi Guys!! I'm back po ulit. SOrry po kung ngayon lang ako nag update! Medyo busy po e :/

Sana magustuhan niyo po itong update ko ^_^

----------------------------------------------------------------------------------------

 Celine's Point of View

"AYOKONG MAGPAKASAL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Ayan ang unang sigaw ko nung nakausap ko sa phone si Charlie.

Oo, tumawag ako kahit mahal bayad! Wala akong pake! Galit ako ngayon! 

Alam na nilang lahat! Na ikakasal ako dun sa bumangga sa akin nung nasa korea kami.

Syempre hindi sila makapaniwala. 

Huhuhuhu. Ayoko talaga! Marami pa akong pangarap sa buhay!

Nandito ako ngayon nakadapa sa kama, umiiyak! Para akong baliw no? Galit ako na parang gusto kong sigawan sina Mommy pero hindi ko magawa kasi 'good girl' nga ako.

"Celine, anak bumaba ka na. Kailangan mong kumain." - Mommy

Hindi ako sumagot, para akalain nila na tulog ako.

"Anak, please naman kaninang umaga ka pa diyan, hindi ka man lang lumabas para kumain."

Oo, tama si Mama. Hindi ako lumabas. Syempre naligo ako may sariling banyo naman dito sa kwarto ko.

"Ayaw pa din lumabas?"

Si Daddy yun. Kahit siya hindi ko pinapakinggan.

"Celine, lumabas ka na!" - Daddy

OHEMGEEEEEEE! Galit na! Umupo ako at nag punas ng luha. At huminga ng malalim.

Tumayo na ako at pinagbuksan sila ng pintuan.

"Buti naman may kusa kang buksan 'to." - Daddy.

"Bakit po ba?" - Ako

"Magusap tayo sa office ko." - Daddy

"Mom?" - Ako

"Sige na anak, pumunta ka na para pagkatapos niyong magusap kumain ka na ng dinner." - Mommy

"Opo." - Ako

Sumunod na ako kay papa sa office niya!

Kinakabahan ako!! SOBRAA >_<

"Maupo ka." 

Umupo ako sa harapan niya.

"Dad, bakit po?"

"Anak, sana maintindihan mo kami ng Mommy, we did this for your own good. Please, do this for us."

"Pero dad, hindi po ako sasaya. Hindi ko naman po siya mahal e."

"Anak, matutunan mo rin siyang mahalin."

"Pero dad, hindi ganun kadali yun."

"Please, Celine, ayaw mo naman ako magalit diba?"

"Yun na nga po Dad e, ayaw ko pong magalit kayo pero parang hindi tama itong gagawin niyo para sa akin. Dad, I'm already 20 years old, matanda na po ako para magdecide para sa sarili ko po and kakagraduate ko pa lang po sa college. May gusto pa po akong gawin."

"Enough! Magpapakasal ka! That's final!  Wala ng mababago yun. Sumunod ka na lang sa gusto."

"Dad -

"I said enough! Get out Celine! Tumigil sa pagiyak dahil walang mababago sa desisyon ko."

For the very first time na ganito akong pagalitan. I'm crying now. I shooked my head. I quickly stand up and run away. Nakasalubong ko pa si Mommy.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon