TBG:2

138 7 2
                                    


  Jamaica's Pov 

 Rise and shine world!Ang sakit ng katawan ko ngayon.Para akong binagsakan ng mga malalaking bato.Maaga akong nagising dahil sabi ng boss ko ay agahan ko daw. 

 "anong klase kang asawa at ama Martus?Hindi ka na nga maasahan dito sa bahay puro problema pa ang dala mo!Baka nakakalimutan mong dahil sayo nagkanda leche leche ang buhay natin ngayon!"

 "Pwede ba Clara tumahimik ka diyan,ang aga aga puro ka reklamo."

 Na sanay na akong makarinig ng bangayan nila araw araw,sa totoo lang sila talaga ang alarm clock ko.bumaba na ako para mag agahan at dahil dun nadamay pa ko.

 "O maica,balita ko may trabaho ka na a,"

 Hindi ko pinansin ang papa siya pinansin dahil wala namang kwenta ang pinagsasabi niya. 

"Nakapagtrabaho ka lang ay hindi ka na namamansin"

 Binilisan ko nalang kumain at naghahanda papuntang opisina.Pagbaba ko ay hindi pa sila tapos sa bangayan nila. 

"Hoy Maica huwag kang bastos kinakausap pa kita."sigaw sakin ni papa

 whatever! 

"ang desente ng suot mo ngayon a,akala mo naman hindi sa bar nagtatrabaho."

 Bubuksan ko na sana ang pinto pero ng narinig ko yun ay napatigil ako at hinarap siya.

 "Unang una hindi ako sa bar nagtatrabaho,may pinag aralan ako kaya maayos ang trabaho ko." 

"huwag mong ipagmalaki sakin yang walang kwenta mong trabaho!"

 "bakit anong gusto mong ipagmalaki ko yang pagsusugal at pag do droga mo?!"

 "sumusobra ka ng bata ka" 

Nanggigil niyang sabi at akmang susugurin ako ng bigla siyang hinarangan ni Mama.

 "Huwag mong idamay ang anak ko Martus,dahil ako ang makakalaban mo!"

 "kaya lumalaki yang bastos dahil kinokonsinti mo,magsama kayong lahat!Mga bwisit!" 

 "sige na Maica,malalate ka na" 

 "mag ingat ka ma,"

 "ikaw din" 

 Isa din ito sa mga dahilan ko kung bakit gustong gusto kong makahanap ng trabaho para makaalis na sa ganitong klaseng buhay.

Ipinalaki akong lahat ng bagay nakukuha ko,pero sabi nga nila walang forever kaya hindi kami forever mayaman.Nang dahil lang sa isang pagkakamali maya naghihirap kami ngayon.

Lahat ng pangungutya ng ibang tao ay tinitiis ko.Ang kasalanan ng ama ko ay ako ang nagdudusa. 

Sa pag mumuni-muni ko ay hindi ko namalayang nandito na pala ako sa MGC. 

 "Goodmorning Kuya Guard"masayang bati ko.

 "Goodmorning sa pinakamasipag na trabahador"

 Tinawanan ko na lang siya at nagtuloy na sa opisina ko.Napakagaan ng pakiramdam ko although sa physical mabigat pero kailangang kayanin ko para kay mama. 

 Ilang sandali pa habang naglilinis ako ay naramdaman kong may pumasok.Nakarinig ako ng mga yabag kaya nilingon ko ito. 

 "Goodmorning sir"bati ko sabay punas ng noo kong nagpapawis. 

 "I didnt expect you to clean your place."

 "Kailangan po kasing malinis ang workplace para ganahan din po akong magtrabaho.

 "I was just checking you kung maaga ka bang dadating"

 "Sir kahit naman po wala pa akong experience sa trabaho dahil kakagraduate ko pa lang ay alam ko naman po ang work ethics at kasali na po dun ang be on time,kaya huwag po kayong mag alala." 

 "let's see,be ready all the time."

 Yun lang at umalis na siyaBakit pag ganon ang mga sinasabi niya imbes na ma motivate ako ay kinakabahan ako,Am I just overthinking? 

 Nang matapos kong malinis ang lugar ko ginanahan na akong magtrabaho at-"Ms.Clarisse,Goodmorning po"

 "Goodmorning din,ito na pala ang ibang papers"

 Emegosh!Dalawang trolley lang naman. 

"Ms,parang mas madami pa to kaysa kahapon ah"

 "yup,hindi ka na dapat magulat.Sa dami ba namang negosyo ni Sir ay wala pa ito sa kalahati." 

Nginitian ko nalang siya at pinanuod na umalis.Paano kaya na hahandle ni sir ang mga negosyo niya?Sa dami ba naman nito,kung ako to baka nasiraan na ako ng ulo kung ano ang uunahin ko. 

------Nicholson's pov----- 

"Ang dami naman niyan brad,kung ako yan magbibigti na lang ako." 

 "Yan ang gusto kong makita Ben,ang nahihirapan siya." 

 "Nicholson Crade Montesilva,hindi siya ang dapat pagbayarin mo.Si Martus mismo!"

 "Shawn Benedict Romualdez,nananalaytay sa kana ang dugo ni Martus.Alam ko namang hindi niya hahayaang nahihirapan ang unica iha niya kaya siya na mismo ang lalapit sakin.You know me Ben,hindi ako pupusta sa isang laro kung alam kong hindi ako mananalo kaya Im confident that I will win this game."

Nagkibit balikat na lang siya at nakikinuod. 

Sa hindi inaasahan ay nakita naming yumuko si Llanes para kunin ang mga papel na nilipad.Agad kong sinara ang laptop ko at pinaalis si Ben. 

 "Ang damot mo naman nicho,ayun na e"

 "Get out!"

 "ipapaalala ko lang sayo kaaway mo siya."sigaw niya bago isinara ang pinto. 

 Damn that woman! 

Bakit ba kasi ang liit ng suot niyang skirt.Konting konti na lang masisilipan na siya.Hindi ko na napigilan pa at pinuntahan ko na siya

.Naabutan ko pa nga siyang nag pupulot.Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo. 

"si-" 

 Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil itinali ko sa bewang niya ang jacket at pagkatapos ay umalis.  

The Billionaire's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon