Maica's Pov
PAdabog akong umupo at nakasimangot na tiningnan ang pagkaing nasa harapan ko.
"May problema ba Maica?"tanong ni Jean
"Meron sobrang laki"
"kung pera yan,sorry ka na lang ateng wala akong mapapahiram sayo.Gipit ako!"
"Ay ako din!"
"Abby,Crystal ang o-oa niyo.Makinig nga muna tayo kay Maica."
"Alam mo Adam,pabibo ka ng taon.Biro lang yun!Ano nga ba ang problema mo te?"tanong ni Abby habang ngumunguya.
Malakas akong napabuntong hininga."na promote ako"malungkot na sagot ko.
"ANO!"gulat na sambit nilang lahat..
Napatingin ang ibang tao samin."hinaan niyo nga yung boses niyo,O.A din kayo e" Umiirap kong sabi.
"napromote ka naman pala e,bat yang mukha mo parang sinesante?"tanong ni Jean
"hindi ko maintindihan ang sarili ko,dapat nga matuwa ako diba pero hindi e.Kaba ang nararamdaman ko ngayon" Sagot ko
"You're just overthinking Maica.ganito na lang,i se-celebrate natin ang promotion mo.I know a place kung saan pwede tayong mag happy happy.Siguro stress kalang kaya kung ano ano ang iniisip mo"suggest ni Abby.
"Mabuti pa nga!"pag sangayon nilang lahat.
Loud Music ang sumalubong samin pagkapasok palang namin sa bar. Pinagmasdan ko ang paligid ko,ibat ibang klase ng tao ang nakikita ko.Karamihan ay mga teenagers. Never akong pumasok sa mga bar kasi sobrang focused ko sa studies ko ni hindi nga ako nagkaroon ng barkada. I looked like a newbie.
Akala ko ba walang pera to si Abby pero dinala kami sa highclass na bar.
May binulong si Abby sa waiter at maya maya pa ay may dala itong mga mamahaling inumin.
"Guys lets enjoy this night dahil ang kaibigan nating si Maica ay napromote.Lets have a toast for her."
Nag toast ang lahat kaya wala na akong magawa kundi makisali.
Kung pagmamasdan mo sila parang mga sanay na sila na magparty."Ang celebration nato ay para sayo Maica,at para na rin sa bagong mga kaibigan na nakilala"malakas nasabi ni Rence
"Cheers to everyone!"sigaw ni Jimmy
Looking at them makes me feel happy. Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng kaibigan. Sa dami ng nainom nila ay parang wala na sila sa sarili. Ako naman ay medyo nahihilo na.Hindi kasi ako sanay uminom."Alam mo Maica,enjoy your night.Kung ano man ang problema mo dapat idaan nalang natin sa sayaw!" Lasing na sabi ni Jean.
Nagpahila ako sa kanya dahil wala na akong lakas para tumanggi sa kanya. Kinaladkad ako ni Jean sa dancefloor at sumunod naman sila Abby,Crystal,Jimmy,Adam at Rence habang humihiyaw.Dahil sa kakaiba nilang energy ay tila napasabay na rin ako sa kanila.
----Nicho's Pov----
"Uy Nicho,look who's here" Sinundan ko kung san nakatingin si Shawn.
"Diba mga empleyado mo sila at,is that Llanes girl?"
Tanaw na tanaw namin sila dito sa taas.
"Speaking of Llanes,may ganap ba about her?"tanong ni Shawn
"I followed your suggestion na kung gusto kong malaman ang kahinaan niya ay dapat mapalapit ako sa kanya"
"Tapos?"
"Ginawa ko siyang secretary ko"kalmang sagot ko.
"Pano si Clarisse?"
"nag resign siya,family matter"
"so nandito sila para mag celebrate?"
"Let her Celebrate hanggang sa magsawa siya because I know that in the end ako naman ang magsasaya"sabi ko with full of conviction
"Hanep a,kontrabida lang."
Hindi ko namalayan na isang oras na pala akong nakatutok ay Llanes.
She is very drunk at parang wala na sa sarili. Most of the boys are watching her dahil sa kanyang suot and also the way she dances.
She is wearing a red body fitting spaghetti strap na above the knee dress. Her wavy black hair danced as she danced wildly in the crowd.
I loosen my tie when I felt something hot. Sa bawat indayog niy ay naaakit niya ang mga kalalakihan dito at parami ng parami ang nakapaligid sa kanya.
Nakita ko ang mga kaibigan niya na lasing na lasing na nakaupo sa couch.
Hindi ko na mapigilang ang sarili ko kaya bumaba na ako at hinawi ang mga lalaking umaaligid sa kanya.
Nakatalikod siya sakin habang sumasayaw and when I felt her grinding I suddenly held her waist and closed my eyes.
Pull your senses Nicho!Before I felt something different ay agad ko siyang kinaladkad at pinasok sa sasakyan ko. Nung una ay nagpupumiglas pa siya pero kusa rin naman siyang tumigil. Daldal lang siy ng daldal sa loob ng sasakyan
. "Hoy!Shino kang loko ka?shan mo ko dadalhin?"sabi niya habang dinuduro ako.
."yung mg kaibigan ko nandun pa"
hinahayaan ko siyang magsalita ng magsalita,Maybe I can get an information about their family.
"Hanep ah!Alam mo kung shaan bahay namin"natatawa niyang sabi sakin.
"Ayoko munang umuwi sha bahay!Puro problema lang dun.At huwag mo rin akong dalhin sha opishina dahil gvgshajaiahh"
Hindi ko na maintindihan maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil may bumisina na sasakyan Green light na pala.
Dahil sa pagiging malikot niya ay unti unting tumataas ang damit niya.
"Ang init naman dito"sigaw niya sabay hawi sabuhok niya.
lumilitaw ang collar bones niya at makinis niyang balat.
Napailing ako sa mga naiisip ko.Binilisan ko na ang pagmamaneho. I saw her mother waiting outside their house Palabas na sana ako ng sasakyan ng biglang hinawakan ni Llanes ang kamay ko.
"Shalamat ah kung sino ka man!"Hinawakan niya ang mukha ko.
"Alam mo,may kahawig ka.Kahawig mo si boss sungit.Imposible namang ikaw siya e masungit yun.Pero kung ikaw siya,matagal na kitang nabatukan ganti man lang sha dami ng pinapagawa niya shakin." Tumawa siya na parang baliw at nagsalita ulit Mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sakin.
"dahil goodboy ka ngayon may reward ka shakin"
At sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla niya akong hinalikan...
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya sa sasakyan at ngayon ay pagewang gewang na naglakad.Agad naman siyang inakay ng nanay niya.That girl is a pain in the a**
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
قصص عامةLove is a game, you have to take risks,gamble and make wise decisions.But just like every game someone wins and someone looses. Hanggang saan ang kaya mong gawin para manalo sa larong sinimulan mo?