Maica's Pov
🎵Heto ako ngayon nag iisa
Naglalakad sa gitna ng dilim🎵Hay nako!
Hindi ko maimagine na kaya akong iwan ng boss ko sa gitna ng kalsada na suotsuot pa ang gown at naka takong pa
Kasalanan ng taong yun!Ganito kasi ang nangyari...
<<Backward 4×
Nagsimula na ang program at unti unting inilalabas ang mga gamit for auction lahat ng funds ay mapupunta sa isang charity.
Wala yatang plano ang boss kong sumali sa bidding.Galawang Bot lang ang peg niya.Hanggang sa may inilabas na isang abstract na painting at sa kaunaunahang pagkakataon ay itinaas niya ang paddle
" 5,000"sigaw ni bossing
Ang barat naman ni bossing.Nagulat ako ng biglang nagtaas din si sir Cody.
"10,000"
Napalingon si sir sa direksyon ni Sir Cody
"15,000"taas din ni bossing
"25,000"ganti ni Sir Cody
"50,000"
Wala talagang gustong magpatalo sa kanila
"75,000"nakangising sigaw ni Sir Cody
"90,000"panghahamon ni bossing
"120,000"
Napa woah ang mga tao.Grabe naman pang grade one lang naman ang painting 120 thousand,gagawa na lang kaya ako ng kagaya nun tas magpapabidding din ako.
"Ano na bossing,papatalo ka ba sa 120k niya?"
Tanong ko sa kanyaTiningnan niya lang ako ng masama
Sabi ko nga diba,quiet lang dapat
123 zip,z-i-p zip pipip
"200,000"
Na triggered ata si bossing sa sinabi ko
Hindi na nakasagot si Sir Cody at bahagyang napailing sabay ngisi.
200k ang last price para sa painting na yun.Inaasar niya lang siguro tong bossing ko.
Eto namang isa ang bilis mapikon.Ilang sandali pa ay pumunta muna si bossing sa restroom.
Kanina pa ako nagugutom dito.Pagkatayo ko ay wala na rin si Sir Cody sa upuan niya.
Nasan naman kaya siya?
Pumunta na ako sa buffet table at kumuha na ng pagkain.
Grabe na dis naglalaway na ako dito.Sa dami ng pagkain dito,nahihirapan ako kung alin dito ang kukunin ko.
Hindi naman kasi magkakasya sa pinggan ko lahat.
Magrequest kaya ako sa waiter ng palanggana.Ay eto nala-
"Let's go!"
"Te-teka lang hindi pa nga ako naka kakain e."pagpoprotesta ko ng bigla niya akong hilahin.
"Iuuwi na kita sa inyo."sabi niya sabay balik sa pinggan kong wala pang laman.
Nagpahila na lang ako sa kanya .
Wala kasi akong lakas para pigilan siya,sayang lang effort ko.Padabog akong pumasok sa kotse niya at nagmamadali din siyang pumasok at pinaandar niya ito.
"Ano ba yan!gutom na gutom na ako e.Ang ganda din ng timing mo.Sana pinakain mo naman ako diba bago tayo umalis."naaasar kong sabi
Hindi siya nagsalita pero kitang kita ko sa mukha niya na galit na galit siya dahil nakikita ko ang kanyang mga ugat parang anytime puputok na.
Pati ang paghawak niya sa manobela at sa paraan ng pagpapatakbo niya sa kotse.
Magpapakamatay ba siya.
Kung ganon bat niya ako idadamay?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
General FictionLove is a game, you have to take risks,gamble and make wise decisions.But just like every game someone wins and someone looses. Hanggang saan ang kaya mong gawin para manalo sa larong sinimulan mo?