TBG:14

130 4 2
                                    

Maica's Pov
It's been 3 days mula nung ginanap ang charity ball at tatlong araw na rin akong hindi pinapansin ng boss kong masungit.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi kami maayos ni bossing
Wait lang,kailan ba kami maayos the last time I checked puro kami bangayan.

Ang cold ng treatment niya sakin the past days at hindi ako sanay na ganun ang trato niya sakin,mas mabuti pa sigurong magbangayan na lang kami.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
Galit ba siya sakin?
Kung tutuusin nga dapat ako ang magalit sa kanya dahil iniwan niya ako sa gitna ng daan.

Hindi ko na kaya to!

*Blag*

Nagulat siya ng hinampas ko ang mesa niya..

"Hanggang kailan mo ako balak kausapin?"
Galit  na sigaw ko sakanya

"How dare you talk to me  like that?"
sabi niya habang nakataas ang kilay

"Wala akong paki!ano ba ang problema mo sakin at parang may nagawa pa akong kasalanan  sayo?"

"Huwag mo nang alamin"
Seryoso niyang sabi sakin

"I need to know SIR! Kung tutuusin nga, ikaw ang may kasalanan sakin.Bigla mo na lang ako iniwan sa daan"

"Gusto mo talagang malaman?"nanghahamon niyang sabi at unti unting nilapit ang mukha niya sakin

Ano bang ginagawa niya?

Hindi naman ako nagpatinag at nagpanggap na parang wala  kahit na parang lalabas ng puso ko sa kaba dahil sa paglapit niya sakin.

"Yes,I want to know"matapang kong sagot

"Kasalanan mong naging anak ka ng tatay mo"

Huh!ano daw?

Ano naman ngayon kung naging anak ako ng tatay ko?
Kung pwede ko nga lang palitan tatay ko matagal ko nang ginawa

Atsaka alangan namang maging anak ako ng tatay niya edi magkapatid kami

Ang labo niya talaga promise!

"Ano naman ang problema mo sa tatay ko?"

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy sa trabaho niya.

"Go back to work"utos niya

Wala na akong nagawa at padabog na bumalik sa trabaho ko.

Teka nga lang?
Ano ba tong inaarte ko?

Ano naman kung hindi niya ako pansinin mas mabuti nga yun at nagkaroon ng kapayapaan

.
.
.
.
.
.

"Huy!"nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Abby

"Ok ka lang ba Maica?" nag aalalang tanong ni Adam.

Nginitian ko lang siya bilang sagot.

"May problema ka ba girl? Hindi mo kasi ginagalaw yang pagkain mo"sabi ni jean

"Hayss"malakas akong napabuntong hininga

"Ikwento mo na samin"atat na sabi ni Crystal

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari nung charity ball.Simula nung pagdating nami sa venue at nakasabayan pa namin si Sir Cody hanggang sa biglaan niyang paghila sakin paalis at yung mga sagutan namin sa kotse at ang matinding pag iwan ng butihin kong boss sa gitna ng daan.

"Sa aming dalawa mas may dahilan akong magalit pero sa nangyayari ngayon bat parang may kasalanan pa ako.Hindi nga man lang siya humingi ng tawad sa ginawa niya sakin."
Nagsisimula na akong mainis nang maalala ko na naman ang nagyari ng gabing yun.

"O chill ka lang Maica,hindi kami yung kalaban mo dito"natatawang sabi ni Rence

"Hindi niya dapat ginawa sayo yun,paano kung may nangyaring masama sayo?seryosong sabi ni Adam

"Mabuti na lang talaga  nandun si Sir Cody at inihatid ako"

"Si sir Cody?"nagtatakang tanong ni Abby

"Oo,nagpapasalamat naman ako sa pagdating niya kahit naiinis ako sa kanya  dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit galit na nung lumabas si Bossing sa restroom.Nakitang sinundan niya ito at nakita ko pang tuwang tuwa siya nang makita niyang galit si boss"

"Kahit na,He shouldnt left you alone in the middle of the night"

"Galit ka na niyan Adam?Neg e-english ka na e"

Natawa ang lahat sasinabi ni Abby

"Ay nako!basta Maica girl huwag ka ng ma istress dyan kay boss.
Kung ayaw ka man niyang kausapin,hayaan mo na lang siya"

"Tama si Jean,sure naman akong kakausapin ka nun.Pero kung hindi may maganda akong plano"
Nakangising sabi ni Crystal

Parang kinakabahan ako sa iniisip nitong babaeng to.

Sinenyasan niya akong lumapit kaya nag lean forward ako sa kanya at sumunod din ang iba

"Isa lang ang paraan para kausapin ka ni bossing"

Lahat nag aabang sa susunod na sasabihin niya

"Seduce him"pabulong na sabi niya

Sari saring reaksyon ang nakuha niy mula sa mga kasama namin

Natawa si Rence sakanya habang si Jean at Abby naman ay tumatango sa pagsang ayon at sabay apir kay Crystal na para bang tumama sa lotto.

"Nice joke Crystal"sarkastikong sabi ni Adam sa kanya

"Eto naman selos kaagad,suggestion lang naman yun atsaka na kay Maica na yun kung gagawin niya o hindi"pagbibiro ni Crystal

"Why on Earth would she do that?"

"Tama na yan"pag aawat ko sa kanila kasi mukhang galit na si Adam

"Hinding hindi ko gagawin yun Crystal"

Nagkibit balikat lang si Crystal at ininom ang cokefloat niya.

Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya akong kausapin edi wag!








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon