Maica's pov
"Dumating na siya"
"Grabe walang pinagbago si ma'am"
"Oo nga maganda pa rin siya"
Ilan lang yan sa narinig kung usap usapan Ma'am lang ng ma'am
"Sinong nandyan?"tanong ko kay Abby
"Si ma'am olive"Sagot niya
Panibago nanamang character haayyysss!
Ano naman kaya ang magiging papel nito
Dahil sa chismosa ako pumasok na ako sa office ni sir Nicho.Matingnan nga kung talagang maganda nga ba talaga
"Good morning sir,good morning ma'am"bati ko kay sir at sa babaeng prenteng prente na umupo sa sofa
Maganda nga talaga!
Mala anghel ang mukha"Good morning din sayo?"
"Maica po,ako po ang secretary ni sir Nicho"pagpapakilala ko kasi parang walang balak si sir na ipakilala ako.sakanya
"New secretary?hindi ka na siguro matiis ni Clarisse.Grabe din naman kasi ang ugali mo"sabi niya kay sir
Tumpak Ganern ka ma'am!"Im Olivia best friend ng boss mo"
Akala ko si sir shawn lang bestfriend niya.
"Nice meeting you po" Sabi ko at nginitian niya naman akoSinimulan ko na ang trabaho ko at pasimpleng nakinig sa usapan nila.
"Pupunta nga pala ako sa charity ball and I want you to be my date"
"May date na ako Via,si Shawn na lang"sabi ni sir nang habang nag ta-type sa Laptop niya"ano ba yan,mula pa nung college natin si Shawn na ang partner ko sa mga ganitong klaseng event hanggang ngayon pa rin ba?nakakasawa kaya!" Pagmamaktol niya
"Kung ayaw mo pwede kang maghanap ng iba"walang ganang sabi ni sir
"kaya nga,ikaw yung gusto ko""Ang kulit mo!sabi nang meron na e"naiinis na sabi ni sir
sige pa maam,konting konti na lang sasabog na si sirGustong gusto ko talagang nakikita na naiirita si sir
Ang cute niya kasi!
Hindi,pangit pala! Pangit siya!"And who could that be?"mataray na tanong ni ms. Via
Tiningnan ako ni sir bilang sagot niya.
"Siya?Really Nicho?"Grabe din to maka react ha!
Ano naman ngayon?
Bakit hindi ba pwede tong beauty na to sa mga formal party?"May problema po ba?"tanong ko
"hahaha! wala naman"wala daw pero yung tawa niya nakakainsulto."im just shocked,kasi never niyang dine-date ang mga naging secretary niya.Kahit nga si Clarisse na matagal nang nagtatrabaho sa kanya hindi niya dinadala sa mga formal events."
"huwag mo ng pansinin si via,intindihin mo yang trabaho mo"pagsusungit ni sir
"what are you ding here via?"mataray na tanong ni sir
Eto naman si sir kanina pa sila nag uusap ngayon niya lang tinatanong."Well,I just want you to know na Im staying here for good."
"hindi mo naman kailangang pumunta dito you can just call me"
"Masama bang dalawin ka?"sabay palo ni ms.Via kay sir.
"Aalis na nga lang ako,"
"K,Llanes ihatid mo siya"utos ni sir Sinamahan ko na si ms.Via palabas Kapansin pansin ang pagiging masayahin niya. Binabati niya rin ang mga bumabati sa kanya Punong puno siya ng papuri mula sa mga katrabaho ko.
"Gaano ka na katagal nagtrabaho kay Nicho?"
"Mag iisang buwan palang po"sagot ko
"Kumusta naman?""ok lang naman po"
"hindi ka ba niya sinusun gitan?"
"madalas nga po e,pero kaya naman"
"Same old Nicho,Ive known him since we were young kami nila Shawn.I believe you met Shawn" Tinanguan ko siya"Gusto lang kitang warningan,"
"Warningan?alam ko na pong masungit siya kaya hindi niyo na po ako kailangang warningan""No,not that."huminga muna siya ng malalim bago nagsalita
"Hindi siya marunong sumalo,pag may nahuhulog"
Ha?
"Thankyou for accompanying me,dito na lang ako.You can go back to your work baka magalit boss mo,alam mo naman yun.Huwag mong kalimutan ng sinabi ko"
"ah opo,mag ingat po kayo"pag papaalam ko.
Dumaan muna ako sa table ni Jean.
"Jean,pahiram nga ako ng stress ball mo"
"Bakit?Na iistress ka na ba sa trabaho
mo?"biro ni Jean"Resign ka na lang girl"sabt ni Abby
"Sira,basta may gagawin lang ako."
Pinahiram ako ni Jean ng stress ball
pinaglaruan ko ito papasok ng opisina ni sir Pagpasok ko ay nakita kong abalang abala siya sa pagsusulat."Sir"malakas na tawag ko sa kanya sabay hagis sa kanya ng bola at agad naman niyang nasalo
"What the heck Llanes!"Gulat na sambit ni sir
Akala ko ba hindi marunong sumalo si sir mas Mabilis pa nga sa kidlat niya sinalo ang bola
Scammer si Ms.Via!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
General FictionLove is a game, you have to take risks,gamble and make wise decisions.But just like every game someone wins and someone looses. Hanggang saan ang kaya mong gawin para manalo sa larong sinimulan mo?