Maica's PovAng sakit ng ulo ko! Para akong lalagnatin.
Ano nga ba ang nangyari kagabi?
Ang natatandaan ko lang ay kasayaw ko lang sina Jean..
Hala iniwan ko nga pala sila!
Pano nga ba ako nakauwi?
Yan kasi Maica, uminom ka pa!
Dahan dahan akong bumaba at hindi makatingin kay mama dahil sa sobrang guilty."Maica,hindi ba sumasakit ang ulo mo?"
gulat akong napatingin kay mama na naghahain ng pagkain sa mesa."M-medyo sumasakit p-po"nauutal kong sagot sabay upo sa hapag kainan.
"o eto,kape at tsaka gamot.Para mawala yang hangover mo"
"Ma""Maica anak,hindi kita masisisi kung gusto mong magsaya.Sa dami ba naman ng problema dito sa bahay.Pero kasi anak ang daming paraan i divert ang mg malulungkot mong karanasan.Hindi mo kailangang maglasing para makalimot.Dahil kahit uminom ka pa ng marami,hindi masusulosyonan ng pag inom ang problema mo.What you have to do is to face it and believe in yourself that you can do it."mahinahon na sabi ni mama.
Natamaan ako dun sa sinabi ni mama.Tama nga siya kahit marami ang nainom ko kagabi nandyan pa rin ang problema.
"Sorry po ma,yung mga kaibigan ko po kasi nagyayang uminom.Celebration daw po para sa pagka promote ko""Na promote ka?"gulat na tanong niya.
"Opo""Bat hindi mo kaagad sinabi?walanjo nag drama pa ako dito" Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa reaksyon niya with matching palo pa sa mesa.
"e sa inunahan niyo po ako e"
"Ay naku!congrats sayo anak.Mana ka talaga sakin,ang galing mo" Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong saya sa mukha niya.
"Sige na bilisan mo nang kumain dyan,baka bawiin yang promotion mo kung malalate ka sa trabaho mo"
"Hoy ateng!" Napalingon ako kay Abby na mabilis na tumakbo papunta sakin.
"Grabe ka iniwan mo kami kagabi" Reklamo ni Crystal.
"Oo nga,hinanap ka ni Adam pero wala ka na daw" Sabi ni Abby.
Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi."Wala talaga akong maalala sa mga
nangyari kagabi,hindi ko nga naalala kung paano ako nakauwi nakalimutan ko ring magtanong kay mama."Sabay sabay kaming umakyat sa department namin. Habang nakasakay sa elevator ay bigla akong nahilo kaya napakapit ako kay Crystal.
"Anyare sayo?"tanong ni Crystal
"Nahihilo ako"Sagot ko
"hangover te"sabi ni abby
Pagpasok ko sa opisina ay laking gulat ko na wala na ang mga gamit.
Nagmamadali akong pumunta sa opisina ni si sir para tanongin kung nasan na ang mga gamit doon."Mabuti namanat dumating ka na, Llanes" Agad na sabi ni Sir nang nakita niya akong pumasok.
"Sir kasi-"
"about your office,inilipat ko na ang mga gamit mo"
"Nasan na po sir?"tanong ko
Ininguso niya ang isang mesa na may mga gamit ko na nasa gilid niya.
kung dati nga nanapapanuod niya lang ako sa camera e natataranta na ako,pano pa kaya kung nasa iisang opisina lang kami.
"Tatayo ka nalang ba buong maghapon dyan Llanes?"tanong ni Sir.Kanina pa siya Llanes ng Llanes.
"Sir"
"Yes Llanes?"
"Ok lang po sakin na tawagin akong Maica,para hindi na po kayo mahirapan"
Nginitian niya ako at nagsalita"bakit kita tatawagin ng ganon,close ba tayo?"
taray ni sir!
"Edi wow!"mahina kong sabi.
Pumunta na ako sa mesa ko at nagsimulang magtrabaho. Hindi na ako magtataka kung bakit nag resign si ms.clarisse.
Ang dami palang ginagawa ng secretary,mas ok pa yung nasa quality control pa ako. Email dito,email doon. Tawag dito,tawag doon. May boss ka pang masungit na palaging binabantayan ang kilos mo."Llanes!"
"yes sir"
"wala ka bang naaalala?"
yun nga yung pinoproblema ko,wala along maaalala."Ang alin po?"
"nevermind,just go back to work"
---Nicho's Pov---
Grabe din tong babaeng to,wala talaga siyang naaalala. Ako,tandang tanda ko pa kungcpaano niya ko binigyan ng sakit sa ulo at sa...
Basta,nevermind!
"Excuse me sir"
bumalik ako sa katinuan ko nang bigla niya akong tinawag.
"yes?"
"may meeting po kayo ngayong 1pm"
"ok, samahan mo ko"
"Is anything wrong Llanes?"tanong ko kay Llanes nang nakita ko siyang titig na titig sakin.
"may naalala lang po ako sir"
Naaalala na niya kaya na nahalikan niya ako..
"what is it?"atat kong tanong
"hehe,nakalimutan ko po ulit"napapahiyang sagot niya at bumalik na sa trabaho niya.
Anak ba talaga to ni Martus?
Ibang iba siya sa tatay niya!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Game
General FictionLove is a game, you have to take risks,gamble and make wise decisions.But just like every game someone wins and someone looses. Hanggang saan ang kaya mong gawin para manalo sa larong sinimulan mo?