TBG:3

99 7 1
                                    


  Maica's Pov

Hindi ako kumportable sa suot ko ngayon.Feeling ko ang bigat bigat sa pakiramdam.

*tok tok*

"sir isasauli ko lang po sana tong jacket niyo." Napaangat siya sa mula pagkakayuko. nakakunot noo niyang tiningnan ang jacket mula sa kamay ko.

"sayo na yan,mas kailangan mo yan.Akala mo ba hindi ko napapansin na sa tuwing dadaan ka,lahat ng mga mata nakatutok sayo at sa..."

"sa ano po sir?"nagtataka kong tanong

"sa legs mo!"pagalit na sigaw niya sakin

"are you trying to seduce all the men here,ms Llanes?"

"wala po akong intensyon na ganun sir"pagdedepensa ko.

"Pero sa sinusuot mo ngayon ay para kang nang aakit."
Ano namang kaakit akit sasuot ko? Naka long sleeves n polo at pencil skirt na hanggang tuhod lang naman ang suot ko.

"Bakit isa ka ba sa naakit sir?"

"What!?"
Napaiigtad ako sa malakad na sigaw ni sir.

"ha,b-bakit po s-sir?"

"Sinasabi mo bang isa ako sa naakit sayo?"galit na tanong niya.
  

Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkasabi ko nun.

"For your information Ms Llanes,Ang inaalala ko lang ay ang magiging trabaho ng mga tao ko kung panay ang tingin nila sayo.Kaya as your boss I want you to put that jacket on your waist par hindi ka makakaabala sa mga trabahante dito." 

Bat ba siya sumisigaw e isang mesa lang naman ang pagitan namin. Magpapasalamat pa naman sana ako dahil sa concern niya sakin pero hindi pala para sakin yung concern niya. 


"Ano na Llanes,Isusuot mo yan o bibihisan kita?"

Ano daw?
Nagmamadali kong nilagay ang jacket sa bewang ko.

"Kung wala ka ng ibang sasabihin you can go back to work." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Ang Sungit! Kung hindi ko lang to boss kanina ko pa to binatukan.

"Do you have any problem?"tanong niya sakin nang nakataas ang kilay.

"wala po sir"

"Talaga?because it seems like you want to kill me with your stare."

"ay naku po sir,hindi po"I faked a smile on him. 

"sige po back to work na po ako,Rest in peace este bye"

Nagmamadali akong lumabas at para akong nabunutan ng tinik. Ang sungit talaga, LETSE!
InhalE...°-°
Exhale...°O°
Inhale...°-°
Exhale..°o°

"ehem" Nabalik ako sa world at nang lingonin ko ito ay nakataas na kilay ni ms.Clarisse ang sumalubong sakin. 

Napayuko ako at bumalik na sa table ko. Nakasungit mode ba silang lahat..

----Nicho's Pov------

"Sir,"

"ano na naman?" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong si Clarisse pala.
"sorry po sir,babalik nalang po ako"
"no its ok,anong kailangan mo?"
"eto na po ang sales report na pinapakuha niyo po"
"ok,thanks!" I am just scanning the report na binigay sakin.Parang may iba pang iniisip ang utak ko dahil im not in the mood to read it.

"Bakit isa ka ba sa naakit sir?" I just shook my head dahil parang naririnig ko pa rin ang boses niya
. Do I look affected?
Bat parang wala lang sa kanya na sinisigawan ko siya.Hindi nga siya natakot sakin,nakuha nga pa niya akong sagutin at ngitian.
How does she do that?
Alam kong may tinatago siyang kahinaan and I will do anything to know at pagbabayarin ko siya sa kasalanan ng ama niya.

---Maica's pov---

Sa wakas ay natapos ko ring lahat ng mga paperworks ko. Grabe lang parang mababali na ang leeg ko sa kakayuko. Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko baka kasi maabotan pa ako ni sir dito at dadagdagan na naman ang trabaho ko. Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa elevator at nagmamadaling pumasok.

"Salamat naman at hindi na ako maabutan ni boss sungit!" Wala na akong pakialam kung may makarinig sakin sure naman akong katrabaho ko lang yon at pareho kami ng sentimyento.

"Bakit,ayaw mo ba sa kanya?" tanong nang kung sino man ang nasa likod ko. Napairap ako dahil sa walang kwenta niyang tanong. Lumingon ako sa likod ko para sana sagutin siya pero nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa likod ko.

"hehehe,ikaw pala yan sir"

"ako nga" Napaharap ako bigla.

Pambihira naman o,nagmamadali nga ako para hindi ko siya maabutan preo nagpang abot pa kami dito sa elevator. Dahil sa pagkataranta ko ay sinubukan kong ihinto ang elevator wala na akong pakialam kung mag hahagdanan na lang ako. At dahil sa katangahan ko ay napindot ko ang lahat ng floors. Para na akong maiiyak na maiihi na masusuka.Hindi ko na naiintidihan ang sarili ko Basta ang alam ko gusto ko ng mawala dito..

O lupa lamunin mo na ako..

"ako ba ang tinatawag mong boss sungit?" ayan na siya!
Umaatake na si Swiper the fox...
unti unti siyang lumapit sakin.
Swiper no swiping
Natatakot ako na tanggalin niya ako sa trabaho dahil sa narinig niya.

"Sir,pls po huwag niyo po akong tanggalin sa trAbaho.Kahit anong gusto niyo po ay gagawin ko,kahit tambakan niyo po ako ng mga gawain ok lang po sakin,kung gusto niyo po ako na po ang mag sesegregate ng mga basura sa dumpsite.Huwag niyo lang po ako tanggalin sa trabaho." Pagmamakaawa ko sa kanya.

I sound like a desperate sh*t,pero wala na akong paki. Biglang tumunog ang elevator pero bago siya lumabas ay may sinabi siya..

"Sinabi mo yan a,wala nang bawian!" 

He said with a smirk on his face.

Teka lang?!
Hindi siya galit?
Pero patay na talaga ako nito
Paano kung pag tatrabahuin nga niya ako dun..

Goodluck na lang sakin!  

The Billionaire's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon