Nakaupo kami ni Kai sa damuhan sa park at nag mumuni muni ng may biglang sumulpot mula sa likuran namin.
"Hello mga bes!"
Halos masubsob na kami sa bermuda sa pag kaka damba ni Ayesha pag akbay sa magkabilang balikat namin. Gigil si ako.
"Kanina pa kayo dito?" tanong ni Ayesha.
"Sakto lang mga 2 oras" sagot naman ni Kai habang pinagdidiskitahang bunut bunutin ang damo at ihahagis nalang sa kawalan. Walang magawa.
Kawawang damo. Kung nakakapag salita lang siguro sasabihin nya kay Kai Namo! lol.
Dito sa 'Freedom Park' ang madalas naming tambayan. Kung saan malaya kaming manglait,mang akit at manakit.
Charot!
"Kamusta naman ang awra mo bes? may natisod ka na bang Oppa?" pangungulit ko kay Yesha.
"Ay naku bes! ang tunay na oppa nasa Korea! dito satin sa pinas sarap lang oppakan ng mga lalaki! feeling gwapo sarap ipa tulfo!"
Ang harsh ni bes. May pinaghuhugutan.
"Grabe yon!" komento ni Kai.
"Sige na kalma, mag mall na lang tayo para masaya" naiiling na natatawang aya ko nalang sa dalawa nang magkaganap naman.
"Good idea!"
Nauna ng tumayo si Ayesha at pinagpagan ang dress nyang nadikitan ng mga damo at ganun na din ang sumunod naming ginawa.
Nilisan namin ang park at naglakad papuntang sakayan.
Mabilis kaming nakarating sa mall. Mabuti nalang at hindi na traffic.
Nag ikot ikot kami sa mall at nag shop lift ng slight. Charot! ng shopping.
After almost an hour ng paglilibot ay nakaramdam kami ng gutom kaya syempre kumain kami kawawa naman si boss tummy.
Sa isang fast food chain namin piniling kumain. Kung saan bida ang Saya kasi Love niya ko. xD
Magkatabi si Ayesha at Kai sa kabilang side kaharap ko.
Maraming tao. May magbabarkada sa kabilang side,mag jowa,mag nanay,tatay gusto ko tinapay..Ate, Kuya ..
Charot!
Ang sarap ng kain nila. Buti pa sila gutom na din ako. xD
Dumating ang order at nag umpisa na kaming kumain na sinabayan na rin ng kwentuhan, asaran at tawanan.
Nang makalipas ang ilang minuto..
"Buuurrrrppp!!" dumighay si Kai malakas at mabilis pero hindi ko inexpect ang sumunod niyang sinabi.
"Uy! konting hiya naman friend" sabi nya na sa akin nakatingin na para bang ako ang may sala. May patingin tingin pa sa paligid ang bruha!
Wow. Panalo sa acting.
Bigyan ng Jacket!
"Hiyang hiya rin naman ako sa GMRC mo eh no?" sabi ko sabay sipa ko sa binti nito sa ilalim ng mesa at binato ng fries sa mukha.
Pero wag ka shoot sa bibig ang fries! sinalo ng bunganga ng loka hahaha.
lakas din talaga ng trip nito minsan.
Naalala ko tuloy nung high school kami pag kumakain ako ng chichirya, sa una pa dukot dukot lang siya hanggang sa siya na ang hahawak na hahayaan ko naman, pero pag ako na yung dudukot sa sarili kong pagkain na hawak niya bigla ba naman ilalayo at sasabihing..
"Aba neng manghingi ka naman basta ka nalang kukuha eh wag ganon!"
Ang kapal diba. Madalas pa niya gawin yun pag maraming tao.
Saklap Bes. Grabe siya. huhu!!
"Hahaha naisahan ka nanaman bes" pang aasar pa ni Ayesha sakin.
"Galing!" sabi ni A. at nag high five pa ang dalawa.
Sila ang magkakampi ngayon. Sige lang pagbigyan. :D
"May gusto pala akong sabihin sainyo"
Sumeryoso naman ang dalawa ng tingin sakin at matamang nag aabang sa kung anuman ang sasabihin ko.
"May lalaking-"
"Ano may ginawa ba sayo!?" sigaw na tanong ni Kai bago pa man matapos ang sinasabi ko.
"In-"
"Oh my gosh bes! Inano ka?" isa pa to si Ayesha.
"Teka patapusin nyu nga muna ako!! anung pinag sasabi nyo?"
Sigaw ko sa dalawa na hindi ko alam kung saan humuhugot ng tanong.
"Sige tuloy mo" Kai. Seryoso.
"Ganito kasi, may lalaking nag bigay sa akin ng voucher. Limited offer daw yun ng isang resort sa Tagaytay dahil anniversary, eh hindi naman na nya magagamit kasi nagka problem siya sa sched nya so binigay nalang nya sakin and sakto naman sa restday kaya yun di ko na tinanggihan sayang din kasi saka minsan lang naman."
"Ahh..." Ayesha.
"Yun naman pala, ayos yan roadtrip" sabi naman ni Kai na naka wide smile na.
"Yun na nga. Epal kasi agad hindi muna patapusin ang Mayora!" sermon ko sa dalawa na iba agad ang takbo ng isip.
Nakakatuwang isipin na alam mong concern ang kaibigan mo sayo. At alam mong handa silang makinig sa mga sasabihin mo. Minsan nga lang hindi ka pa tapos magsalita ang layo na agad ng narating ng imagination may conclusion agad. Ganorn! Kaloka.
"So sa saturday ano.. go ba kayo?" tanong ko sa dalawa.
"Sure!" Ayesha.
"Ok G." sagot naman ni Kai.
Pagtapos namin kumain ay lumabas na kami ng store at nagkayayaan kaming maglaro sa Toms World. Bumili lang kami ng 100 pesos worth of token at nagkanya kanyang games.
Dolphin Island ang paborito kong nilalaro dahil sa bonus game. Indiana jones naman si Ayesha. Tuwang tuwa siya sa tuwing sumusuot sa butas ang jolen at nakakabuo siya ng pattern na magpapanalo sa kanya.
I shoot mo.. I shoot mo.. i shoot mo na ang ball! Ay! Jolens pala. xD
Maraming tao at maingay sa paligid. may kumakanta, sumasayaw, mga batang naglalaro kaya wapakels na muna kami sa isat isa. Nasa iisang lugar lang naman kami kaya tuloy lang sa paglilibang.
Lumipas ang kalahating oras at naubos ang token ko, ganun din si Ayesha kaya pinuntahan na namin si Kai sa fave spot nito.
"Taralets uwe na tayo" Aya ko kay Kai na abala sa karera ng buhay nya. Chareng!
Nag ka car race ang babae.
"Teka lang pag game over, saka may token pa ako sayang. Basketball muna tayo"
Na game over si Kai at naglaro nga kami ng basketball, pero kaming dalawa lang dahil bumalik sa pag jojolens si Ayesha.
Nakaka dalawang round na kami at medyo hingal na ako at pawisan.
"Ano kaya pa? gusto mo isampa na kita para di ka mahirapan. Hahaha" pag yayabang ng bruha sakin porke matangkad siya at di naman napagod.
Slow motion ba naman kung mag shoot ng bola. Edi wow sabaw. Well..
Hindi kasi siya pwedeng mapagod ng bongga, baka sumpungin ng hika.
Yan alam nyu na ang kahinaan ni Kai. secret lang natin yun ok? charot!

BINABASA MO ANG
Crazy Trio
HumorFor every hilarious moments na magkakasama kami! ang saya lang talaga. Sa mga times na nalulungkot ka, nawawalan nang pag asa, broken ang puso pati ang bulsa? Lahat yun madadaan namin sa tawa. Magkakaiba man kami, magkakasundo parin. Thank God, we...