Boodle fight!
Bumalik muna kami sa villa para kumuha ng pera bago mag order sa food service ng resort. Nag ooffer sila ng boodle set sa mga guest. May good for 6 people or kahit maramihan. At dahil tatlo lang naman kami yung good for 6 pax ang in order namin na dadalin nalang sa cottage kung saan mas masarap kumain habang tanaw ang karagatan at dama ang ang hanging amihan. Naks! rhyme yun ah.
Dumating ang isang lalaki at babae na dala dala ang pagkain namin. Inilapag nila ito sa mesa ng sabay at tinanggal ang nakatakip na dahon ng saging.
"Enjoy your food po!" sabay na sabi ng dalawang staff.
Bumungad sa amin ang mainit na mainit at umuusok pang kanin na pinalilibutan ng ibat ibang seafood gaya ng crabs, shrimps, squid, inihaw na tilaps at meron pang mangga at ensaladang talong uhmm talong! charet! with bagoong and kamatis on the side at salted egg. May pahabol pang BeBeQ.
"Thanks" sabi ko sa dalawang staff bago umalis.
"Babalik pa po kami ma'am for your drinks" sagot naman ng babae bago tumalikod.
"Wow. Sherep!" sabi ni Ayesha habang tiig na titig sa pagkain sa harap.
Nakakatakam naman talaga.
"Oh! Yeah!" sabi ni Kai na nakatingin sa pagkain. Tulo laway. Char!
"Tara let's eat!" sabi ko sa kanila.
Nag pray muna kami sandali at imumpisahan nang lantakan ang pagkain sa harapan namin.
Una kong kinain ang garlic shrimp dahil paborito ko iyon, kasabay ng kanin at side dishes na bagoong at kamatis.
Crabs naman si Kai at talong na sinabayan ng mangga at bagoong.
"Kumakain ka pala ng talong" ma kahulugang komento ni Ayesha kay Kai pag ka subo nito.
Magkaharap sila at sa tabi naman ako ni Kai sa left side, nakatayo kaming kumakain.
Pusit at tilapya ang nilalantakan ni Ayesha at nag sa side dish ng itlog na maalat at kamatis.
"Nakita na tatanong pa" sagot naman ni Kai na patuloy sa pagkain.
"Nagtanong ba ako?"
"Ikaw nga kumakain ka ng itlog eh. Maalat pa" balik asar naman ni Kai kay A.
Nag bu bwisitan nanaman sila.
"Yes! im eating itlog and it's so yummy, wanna try?" sagot naman ni A habang patuloy din sa pag nguya at nakatingin kay Kai.
Bahala nga sila basta ako kakain ako! matikman nga yung BBQ.
Kukunin ko na sana ang isang stick ng bbq sa side ni Kai na katabi ko nang magulat ako sa biglang angat ng tilapya sa harap niya at ganun din kay Ayesha na katapat naman niya sa kabilang side.
tsing! tsing! tsing! tsing! tsing!
Abat ginawa pang espada ng dalawa ang tilapya at naglaro.
"Humanda ka sa tilapya ko!" at tinutok ni Kai ang tilapya kay Ayesha.
"Sorry ka nalang! mas malaki ang tilapya ko! hiiiiYaahhhhh!" At isinampal ni Ayesha ang tilapya niya kay Kai. I mean yung tilapya isinampal niya sa tilapya ni Kai. xD
Wahaha! baliw talaga itong mga to.
"Ahm....excuse me ma'am here's your drinks po" nakabalik na pala yung staff para sa inumin namin, pero yung lalaki nalang at may dala siyang basket na may lamang buko juice at bottled water.
"Ay! ok thank you! pakilapag nalang please, wag munang pansinin yang dalawa na yan hindi ko naturukan eh" sabi ko kay kuya staff na may name tag na Archie na nawiwirduhang natatawa sa ginagawa ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Crazy Trio
HumorFor every hilarious moments na magkakasama kami! ang saya lang talaga. Sa mga times na nalulungkot ka, nawawalan nang pag asa, broken ang puso pati ang bulsa? Lahat yun madadaan namin sa tawa. Magkakaiba man kami, magkakasundo parin. Thank God, we...